Ang AkingPanulat

Isang pagsasalaysay ng mga kwento na kusang nabubuo sa aking malawak at malikot na pag-iisip (ngunit hindi kasing-likot ng iniisip mo).

Mga kwentong nagbibigay ng kakaibang kilig, emosyon, pag-iyak, pagka-emote sa mga bumabasa.

Ngunit saan nga ba galing ang mga imahinasyong ito?

Wala naman akong pinaghuhugutan.

Hindi naman ako sawi. O kung nasawi man, hindi naman ganoon kalala.

Ngunit sa malalim na pang-unawa at sa malawak na obserbasyon mula sa pagkabata ay nalaman ko na ang hirap ng pamumuhay sa mundong ito.

Nakita ko na ang pagkakaiba ng mga tao, sa pisikal at sa kanilang pag-uugali. Nakita ko ang pagkakaiba ng kanilang mga pangarap.

At habang naglalakbay ako sa mundong ito at habang nadadagdagan ang aking edad ay natuklasan kong bawat stage ng buhay natin ay may iba-iba tayong pangarap at may iba-iba tayong gusto.

May mga oras na gusto lang natin na tahimik. Minsan magulo.

Minsan gusto nating maglakbay, at minsan naman ay gusto nating sa bahay na lang muna.

Merong stage sa buhay na nangangarap tayo ng napakataas at meron din namang panahon kung kailan nagiging praktikal tayo.

Merong edad na gusto natin na lahat ng kwento ay sweet. Yun bang lahat ay dapat magtatapos sa “happily ever after” gaya ng nababasa natin sa mga fairytales. Ngunit dumarating din ang punto na namumulat tayo sa katotohanan na hindi lahat ng ending ay pare-pareho. May mga ending na mapapait, masakit, may mga kasawian. Gayunpaman, natututo tayong bumangon at manghawak sa pangako ng Panginoon. Kaya sa mga panahong ito ay nakukuha na nating magustuhan ang mga istorya na hindi puro ka-sweetan bagkus ay kapupulutan ng mga aral at nagbibigay kalakasan sa mga panahong tayo ay tila nadadapa at hindi na makabangon.

May mga istorya ng pagsasaliksik at paglalakbay.

May mga kuru-kuro at mga opinyon na sinasang-ayunan man o hindi ay binabasa pa rin natin.

Anuman ang uri ng ating binabasa, lahat ng mga ito ay hango sa kwento ng ating buhay. Patunay lamang ito na gaya ng iba’t-ibang tema ng ating mga nababasa, ang bawat tao ay may iba’t-ibang nararanasan sa buhay na ito.

Hindi naman kailangang maranasan ang lahat ng ito para makasulat ka ng isang kwento na kukurot sa puso ng mga mambabasa.

Ang obserbasyon ay sapat na. Samahan mo ng iyong husay sa paghahanay ng mga pangyayari at lagyan ng puso ang bawat kwento upang maabot nito ang sinuman na gusto mong makabasa nito.

At iyan ang kwento ng akingpanulat.

Mula sa malikot na pag-iisip na syng humahabi ng iba’t-ibang mga kwento ng paglalakbay, pakikipagsapalaran at ng mga yugto sa ating buhay.

IKAW..

Naabot ka na ba ng akingpanulat?

7 thoughts on “Ang AkingPanulat”

  1. Hala, paano mo nalamang mas malikot ang isip ko/ namin kaysa sa iniisip mo, aber? Sige nga, sagutin mo ‘yan, kapatid… 😉 Ingat ka, ha, hwag sanang magkabuhul-buhol… Hello! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s