Uncategorized

Guhit ng Ala-ala

Pananampalataya,
Pagtitiwala sa mga bagay na hindi nakikita.
Sa mga panahong gusto ko nang sumuko at bumigay,
Ito lang ang tanging baon ko upang hindi mabuway.

Panalangin.
Ito ang kaakibat habang kumakapit sa pananampalataya.
Umaasa,
Ang salitang hindi din dito maiwawala.

Saan nga ba ako umaasa?
Saan ako sumasampalataya?
Sa iyong mga pangako ba?
Na tayo ay muling magkakasama?

“Hintayin mo ako,”,
Naalala kong bigkas mo.
Nagtiwala ako,
Dahil alam kong ito ay totoo.

Isa, dalawa, tatlo,
Hanggang ilang taon ba itong paghihintay ko?
Lima, anim, hanggang naging pito,
Hindi ko kasi naitanong,
Pasensya na, kasalanan ko.

Hindi pa naman siguro ako manhid,
Sa kawalan ng pakiramdam upang ang pag-asa’y ipinid.
Hindi pa naman siguro ako utu-uto,
Upang ang reyalidad ay hindi ko mapagtanto.

Tama na ang paghihintay.
Sabi nila habang ako ay nag-aabang.
Nasasayang ang iyong buhay,
Sa pangakong tila naagos na sa pampang.

Gaano ba kalayo ang tawid-dagat?
Gaano ba katagal ang sinabi mong isang kisap?
Tama ba na ako ay bumitiw na?
At iwaksi na aking pananampalataya?

 

Pag-asa.
Hinayaan ng tadhana na muli itong sumilip.
Nang isang araw ang balita ay aking narinig.

Tinupad mo nga ang iyong pangako,
Sinabi ko na nga ba at ikaw ay totoo.
Mali sila, at tama ako,
Na ako ay hindi mabibigo.

Hinintay ko ang iyong pagbabalik,
Bakas sa aking mukha ang pananabik.
Maagang pumunta doon sa daungan,
Upang ikaw ay agad na masilayan.

Ngunit ano ito?
Bakit tila hindi mo na ako kilala?
Nagkaroon ka raw ng amnesia,
At isa ako sa hindi mo maalala.

Tila gumuho na naman ang aking pag-asa,
Bumalik ka nga, ngunit walang alaala.
Paano na ang binitiwan na pangako?
Ang tayo ba ay lalong naging malabo?

Kahit isang guhit lang ng alaala,
Kahit isang hibla ng memorya.
Maalala mo sana,
Patuloy akong aasa.

 

Pag-ibig.
Ang mahiwagang bagay na nagbubuklod,
Sa mga pusong, tadhana ang nagbukod.

Ikaw ay nangako,
Ikaw ay nagbalik.
May dahilan pa ba,
Upang ako ay manlamig?

Ang natitirang dahilan,
Kahit ako ay iyong ipagtabuyan,
Ay ang pag-ibig ko sa’yo,
Na kailanman ay hindi lilisan.

Bumalik ka na,
Iyon ang tanging mahalaga.
Kung gusto mong makaalala ay sasabayan kita.
Hinding hindi ako magsasawa,
Pangako.
Dahil mahal kita.

###

Lahok sa Saranggola Blog Awards 8:

Saranggola 336x280

Made possible by:

dmciinquirerdevicephilippinesdailypedialionheartv

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s