Uncategorized

Mga Hugot ng Buhay Ko

Tuwing umaga pag gising, hindi ko lang alam kung ako lang ba nakakaramdam ng ganito:

(1) Hinihila ako pabalik ng kama.
Mabuti pa s’ya, gusto pa akong makasama.

Ngunit kinailangan nang tumayo dahil papasok. Nagbungkal ng makakain dahil gutom na. Pero wala. Nauwi ako sa:
(2) Tubig lang sapat na. Malapit na sahod bes, kapit lang. Lunok lang. Gutom lang ‘yan. Lilipas din ‘yan.

 Ok na. Tara ng pumasok. Sakay sa jeep.
Teka. Wala pala ‘ko barya. Sige na nga, magbabayad na ‘ko ng buo.

“Miss, wala ka bang barya?”, tanong ni manong drayber.

(3) ”Bakit ganun? Binigay ko na nga ang buo, pinaghahanapan pa rin ako ng barya? Ganyan ba talaga kayo? Hindi marunong makuntento at magpasalamat? Bakit ba lagi na lang kayo naghahanap ng mga bagay na wala?”

(4) “Miss, minsan kasi, hindi mo naman kailangan ibigay ng buo. Sapat na ang magbigay ka ng tama. Para hindi ka masaktan kapag kulang ang naisukli sa’yo. Hindi naman kami mapaghanap. Sadyang mali lang ang ibinibigay mo.”

Palakpakan ang mga pasahero sa tinuran ni manong. Ikaw na manong! Talo mo ako dun ah. Mas malalim ang hugot. Mahusay!

Nakarating din sa opisina. Maaga pa. May panahon pa para mag-slow mo ng lakad sa pwesto ni crush.
(5) “Ilang sapatos na ang nasira ko kapabalik-balik sa may pwesto mo crush, pero hanggang ngayon tila hangin pa rin ako sa’yo.” Naisip ko na nga tumambling. Kaso baka maging instant clown ako. Magviral pa sa social media. Makapagtrabaho na nga lang.

“Oh my!” Gabundok na naman ang trabaho ko.

(6) “Pumasok ng maaga, umuwi ng umaga na.” Same old story. (7) “OT ako bes. OA sa Trabaho. OA na rin ang Tax ko.”

Haayyy kapagod! Pagtingin ko sa paligid ko, wala na pala akong kasama. Shemay! Mag-isa na naman akong late umuwi. (8) “Kahit gaano ka na kasanay na nag-iisa, hindi mo pa rin maiiwasan na malungkot at umasa na balang-araw, may makakasama ka at mapuputol ang sumpa sa pagiging forever alone. Tiwala lang.”

Lakad. Tingin sa paligid. Nakikiramdam. Nakakatakot mag-isa. Pero teka, meron pang may ilaw.

OMG! Si crush!
Slow-mo ulit pagtapat sa kanya. Kunwari hindi s’ya napansin.

Lakad. Lakad. Lakad ng sobrang marahan. Kulang na lang umangat ang mga paa ko ng permanente mula sa lupa.

Ngunit nahinto ako nang binanggit n’ya ang aking pangalan. Kilala n’ya ako! Muntik na akong mapasigaw sa kilig at tuwa. Kalma lang bes. Smile lang ng unti.

“OT ka rin pala. Pauwi na rin ako. Sabay ka na sa akin.”

Tatanggi pa ba ako? (9) Minsan sa buhay natin, dumarating ang mga blessings ng hindi inaasahan. Kaya huwag malungkot. Huwag laging bitter. Malay mo, parating na ‘yung panalangin mo. Medyo natraffic lang. Kaya hintay lang.

Gabi ko ito. Anuman ang mangyari bukas, magiging masaya pa rin ako.

(10) Paulit-ulit lang naman ang buhay. Paikot-ikot. ‘Ika nga, parang gulong. Ngunit ang gulong, hindi lang naman sa iisang daan naglalakbay. Malubak man ang tinatahak mo ngayon, darating ang araw na magiging patag din ito. At kung malubak ka ulit, huwag kang hihinto. Patuloy lang sa pag-ikot. Hangga’t hindi ka nagiging flat, maglakbay ka lang at huwag na huwag susuko.

Patag ang daan ko ngayon ah.
Baka bukas, hindi na ako yakapin ng kama ko pabalik sa kanya.
Mas malakas kasi ang pwersa dito sa opisina.

*wink*

###

-Mhey

Lahok sa Saranggola Blog Awards 8.
Saranggola 336x280

Made possible by:

dmciinquirerdevicephilippinesdailypedialionheartv

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s