Random

Naglahong Pangarap

Unti unti na iminulat ko ang aking mga mata.
Mula sa nagdilim na paningin ay pinilit kong inaninag ang kapaligiran.
Nakita ko ang mga taong tila takot na takot na humahangos patungo sa isang lugar.
Pinilit kong tumayo mula sa pagkakadapa. Sinubukan kong humingi ng tulong ngunit tila hindi nila ako nakikita.

Nang makatayo ay sinubukan kong maglakad ng kaunti. Muli akong tumingin sa paligid.
“Ate,.” bigkas ko. Sabay hanap sa kanina lamang ay kasama ko.

Naglakad ako. Pilit na inaalala kung ano ba ang nangyari?
Bakit parang makalat ang paligid?
At bakit bakas ang takot sa kanilang mga mukha?

Sumasalungat ako sa agos ng mga tao. Ngunit nakakapagtaka na hindi ito nakakabagal sa aking paglakad.
Bawat nakakasalubong ay tinitingnan ko. Ngunit wala ang hinahanap ko.

Hanggang sa bumalik ako sa lugar na aking pinanggalingan.
Kung kanina ay may pagkamadilim, ngayon ay unti unti ng lumiliwanag.
At doon tumambad sa aking paningin ang hindi ko inaasahang tagpo.

Si ate.
Umiiyak.
Nakaluhod.
Sa tapat ng isang bangkay na nakadapa.

Bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin. Nanginig ang aking kalamnan.
Natakot ako bigla ngunit lakas ang loob na sinipat ko kung sinuman ang kanyang iniiyakan.

Hindi.
Papaano nangyari iyon?
Buhay pa ako!
Gusto kong isigaw sa ate ko. Ngunit walang lumabas na tinig mula sa aking bibig.
Ngunit hindi ko rin maaaring dayain ang aking paningin.
Nasa harap ko nakahandusay. Ang walang malay ko na katawan.

Napatakip ako sa aking tenga ng makarinig ng malakas na pagsabog.
Lumingon ako sa paligid upang malaman kung saan iyon nanggaling.
Ngunit napagtanto kong kanina pa pala ang pagsabog na iyon.

Tiningnan ko ang aking sarili.
Totoo nga. Kaya pala kanina pa ako walang nararamdaman.
Ninais kong umiyak ngunit walang luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

Naririnig ko ang pagtangis ng aking ate. Ang pagpupumilit n’ya upang ako ay magising.
Na ako ay muling dumilat, at magkaroon ng malay.
Sapagkat may mga pangako ako sa kanya na sabay naming tutuparin.

Gusto kong tuparin ate. Kaya kong tuparin. Pabulong kong sinabi ngunit alam kong hindi na n’ya ito naririnig.
Gusto ko s’yang yakapin ngunit nararamdaman ko na unti unti na akong naglalaho.
Mariin akong napapikit. Habang nililisan ang mundong aking kinalakihan.Patawad ate.

Patawad hindi ko natupad ang pangako ko. Patawad kung nauna akong lumisan sa mundong ito.
Hindi ko sinasadya.
Patawad.
Paalam.

###

Advertisements

3 thoughts on “Naglahong Pangarap”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s