Have You Ever Been Inlove?, Of Heartaches and Heartbreaks, SHORT STORIES

Inevitable Pain

Dumarating ang mga araw o oras na bigla na lamang ako tumatahimik. Hindi makausap ng matino. Sumisimangot bigla. Hindi malambing. Ayaw magpalambing. Hindi alam kung bakit bigla na lang inatake ng moodswing.

But he’s always there for me. Walang sawa na umiintindi sa moodswing ko. Siguro dahil, somehow he’s a part of it. O kaya naman, sadyang mahal talaga niya ako.

Mas gusto kong paniwalaan ang nahuli. Dahil ako lang naman yata ang nag-iisip pa sa naunang dahilan.

I looked at him. And lots of memories, painful ones, flashes right through my eyes. And once again, I feel that pain and loneliness na hindi ko na dapat pang maramdaman.

**

Marahil isang buwan pa ang lumipas bago ko napagpasyahan na gawin ang pinakatama ayon sa palagay ko. Gumugulo na kasi ang sitwasyon. Bukod sa may hindi pagkakaintindihan ang mga kaibigan ko kay Tori, may isang bagay na nagpapagulo din sa isip ko. Isang emosyon na hindi ko pa mapangalanan. O kaya naman ay natatakot ako na bigyan iyon ng kahulugan.

“Ayoko na. Siguro mas mabuti kung kami na lang ang lalayo.”

“Bakit ganun?” ang unang sambit ni Eric na hindi katulad sa inaasahan ko na sasabihin niya. “Bakit kailangan n’yong lumayo? Bakit pati ikaw?”

“Ang gulo na kasi Eric. At saka hindi ka naman nakikinig sa mga sinasabi namin ‘di ba? Kaya kung saan ka masaya. Dun ka na lang. Susuportahan ka namin. Pero hindi gaya ng inaasahan mo.”

“Paano kung sa inyo ako mas masaya?”

Pagak na tumawa ako. “Mas masaya? Kaya pala sabi n’ya saken. Lumalayo ka sa kanya kasi ayaw mo lang na may masabi kaming masama tungkol sa kanya.” Muling nabuhay ang galit sa dibdib ko ng maalala ang sinabing iyon ni Tori nang magkausap kami kahapon. “Ang galing mo din e no? Kaibigan ka pa naman namin. Pero ikaw mismo ang tumatraydor. Bakit? May sinabi ba kaming masama tungkol sa kanya? Ikaw ang concern namin Eric. Sa iyo kami may sinasabi. Ugali mo ang hindi namin nagugustuhan. Hindi s’ya!”

“Sorry na. Hindi ko naman alam na magkakaganito. Sana noon pa lang sinunod ko na kayo para hindi umabot sa ganito.”

“Wala na Eric.” Umiling-iling ako. “Tapos na ang lahat. Masyado ng marami ang involve. Marami na ang nasasaktan. Kaya final na ang desisyon namin.”

Tumayo ako at humakbang palayo ngunit pinigilan nya ako sa kamay.

“Mira please. Huwag mo ako iwan,” pagmamakaawa nito.

Ngunit hindi ko s’ya pinansin at tinabig ang kamay nito.

“Isipin mo na lang na may gusto ako sa ‘yo para mailang ka. Para ‘di ka mahirapan dumistansya. ‘Di ba sabi mo kapag nagkagusto sa ‘yo lalayuan mo na?”

“Sana ganun kadali.”

“Sa tingin mo ba madali din ‘to para sa ‘ken?”

“Ikaw ang pinili ko. Tapos iiwanan mo rin lang pala ako.”

“Hindi naman kita pinapili sa amin ah? Kasi wala naman ako karapatan na papiliin ka. Pinayuhan lang kita,” naririnig ko na tumataas ang boses ko kaya tumigil ako saglit upang kumalma. “Hindi kita pinapili kasi kung pinapili kita malamang s’ya ‘yung pipiliin mo kasi s’ya ‘yung mahal mo. Adik ka ba?”

“Bakit ngayon ikaw ang pinili ko?,” sabi nito na hindi ko maintindihan. “Ang sakit kapag nilalayuan ka ng taong mahal mo.”

“Umayos ka nga. Ano ba ‘yun Eric?” tanong ko na pilit na kinakalma ang sarili. “Naguguluhan na ako sa ‘yo.”

“Ano pa ang gusto mong malaman?”

“Meron pa ba akong dapat na malaman? Bakit hindi mo kasi sabihin sa ‘ken para maintindihan ko?”

 “Magagalit ka ba sa ‘ken?”, tanong nito pagkaraan.

“Bakit naman ako magagalit sa ‘yo? Ano ba ‘yun?”

“Kapag sinabi ko na manhid ka?”

“Matagal ko ng alam na manhid ako,” sabi ko na may kasamang bulong sa isip na “kaya nga gusto ko ng lumayo kasi nagpapakamanhid na ako masyado.”

“Kaya hindi mo ako maramdaman.” Sabi niya na dahilan upang makaramdam ako ng kakaibang kaba.

“Sabi mo ‘di ba? Mahal mo ako bilang kapatid.”

“Sabi ko lang ‘yun.”

“S’ya ang mahal mo ‘di ba?”

“Akala mo lang.”

“Bakit?,” tanging naitanong ko. Wala na akong maisip na sasabihin. Unti-unting bumabalot sa buong pagkatao ko ang kaba na kanina ay kaunti lamang.

“Anong bakit?”

“Bakit ganun?” napabuntung-hininga ako. “Ewan.”

“Totoo ba ‘yan?” tanong ko sa kanya pagkaraan.

“Magagalit ka ba?,” tanong-sagot n’ya.

“Hindi ko alam.”

“’Yan kasi ang ayaw mo maramdaman kaya hindi mo maintindihan.”

“Ang alam ko lang, mahal n’yo ang isa’t isa. Pero kahapon tinapos n’yo na at sabi mo dahil sa amin. Kaya naiinis ako.”

“Bakit ko kayo idadahilan sa amin? Ako ang nagpasya nun para sa sarili ko at hindi dahil sa inyo.”

“E kasi ‘yun ang sabi mo. Alam mo naman na bumabatay lang ako sa sinasabi sa akin kasi ayoko magbigay ng ibang pakahuluhan.”

“Sinabi ko ba na dahil sa inyo kaya ko s’ya iniwan? Ang sabi ko lang ay mas pinili ko kayo. Pero hindi kayo ang dahilan.”

“’Di ko maintindihan kasi iba ‘yung itinanim mo sa utak ko noon pa.”

“Ano ba?”

“Na s’ya ‘yung mahal mo. ‘Di ba nga nagseselos ka pa kapag napapalapit s’ya sa iba? Kitang kita ko ‘yun at nararamdaman ko ‘yun kaya ‘wag mo itanggi.”

“Bakit kapag tungkol sa ‘yo. Kapag sinasabi ko na nagseselos ako hindi ka naniniwala?”

“So kung totoo ang sinasabi mo. Ano s’ya sa ‘yo? Dalawa kami na mahal mo?”

“Sabi ko sa ‘yo dati pa na “I love you more”. ‘Di mo lang pinapansin. Akala mo joke lang.”

Tuluyan na akong walang nasabi. Gusto kong maniwala. Ngunit naalala ko ang lahat ng mga nangyari noon. Ang mga usapan namin. Ang mga nakita ko at nasaksihang pangyayari na nagpapakita ng pagmamahal n’ya kay Tori.

“Pwede bang kunwari wala tayong napag-usapan?,” maya-maya ay banggit ko.

Saglit s’yang nawalan ng kibo. Nakatingin lang sa ‘ken. Tila ba inuuri kung ano ba talaga ang nasasaloob ko. Maya-maya ay nakita ko ang paggalaw ng balikat n’ya at narinig ang pagpapakawala ng malalim na buntunghininga.

“Nakakainis ‘di ba? Kapag nagkagusto sa ‘yo ‘yung tao na friend lang ang tingin mo.,” sabi nito. “Ganyan din ang mararamdaman ko kung totoo ‘yung sinabi mo kanina na kunwari may gusto ka sa ‘ken para mailang ako sa ‘yo. Don’t worry. Hindi totoo ‘yung mga sinabi ko.”

“Paano kung totoo ‘yun? Na may gusto ako sa ‘yo? Maiinis ka sa ‘ken?”

“Ewan ko.”

“Gusto kita,” mahinang sabi ko. Naramdaman ko na may pumatak mula sa mata ko. “Gusto kta Eric. Ngayon mainis ka na.”

“Sinasabi mo lang ba ‘yan para lumayo ako sa ‘yo?”

“Oo manhid ako. Pero hindi ako assuming. At pinipili ko maging manhid kasi ayokong masaktan sa tuwing maaalala ko na hindi naman ako ‘yung mahal mo. Lagi ko nireremind sa sarili ko na kapatid mo lang ako. Kaya kahit tinutukso ka sa akin parang wala lang.,” tuluyan ng dumaloy ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Gayundin ang emosyon na ayokong pangalanan. “Kaya nga pabor din ako na umiwas sa ‘yo. Kasi naiinis ako na hindi mo alam ‘yung ginagawa mo sa akin. Ni hindi mo ma-explain ‘yung meaning ng pagiging “special” ko sa ‘yo!”

Nakita ko na nagulat s’ya sa mga sinabi ko.

“Gusto kong mainis sa ‘yo,” sabi niya.

“E di mainis ka!”

“Pero ‘di ko magawa.”

“Bakit ‘di mo magawa? Hindi mo naman ako mahal ‘di ba?”

“I do love you.”

“Akala ko ba hindi totoo?”

“Ayaw ko kasi mapahiya sa ‘yo.”

Ngumiti ako ng mapakla sa kabila ng pagluha ko. “Ibang klase ka talaga no? Sa totoo lang. Natatakot ako na maniwala sa ‘yo. Kanina nga ayaw ko magtanong kasi natatakot akong malaman ang totoo.”

“Hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ang sinasabi ko. At hindi ko rin pinipilit na maramdaman mo rin ang nararamdaman ko.”

“Hindi ko na alam. Magulo ang isip ko ngayon.”

“Sabihin mo kapag may time ka na.”

Akala ko pagkatapos ng usapan namin na iyon ay magiging maayos na ang lahat. Magiging malinaw na. Sa araw na iyon ay naging ayos kami. Pinilit kong isaisip na totoo ang mga sinabi n’ya. Na ako ang mahal n’ya.

Ngunit noon ko nalaman na mahirap palang paniwalaan ang isang bagay na salungat sa mga pinaniwalaan mo noon. Naisip ko, alam ko na minahal n’ya si Tori, dahil hindi naman s’ya magpapaka-g*go ng ganun kung wala s’yang nararamdaman, ngunit si Tori hindi alam na mahal ako ni Eric. Ang alam lang n’ya dahil sa amin kaya sila dapat umiwas sa isa’t isa. Ang unfair ‘di ba? Parang sumosobra na ang pagka-playing safe ng isa. At ako naman, parang napakadali para mauto. Porket umamin din ako na gusto ko rin s’ya.

Ang lumilinaw na sana na mga pangyayari. Lalo pang lumabo. Tumindi ang mga confrontations. Sa una nang sinabi ko na tatanggapin ko anuman ang maging desisyon n’ya. Si Tori ang pinili n’ya. Akala n’ya kasi walang magbabago sa amin. Nainis ako. Nagalit. Pagkatapos mo akong paniwalain? Paasahin? I-eexpect mo na walang magbabago sa atin? Pagkatapos mong intindihin ang nararamdaman ng iba kaysa sa nararamdaman ko? Aasahan mo na magiging superhero pa rin ako? Marami ng kaibigan ko ang nag-ooffer na tayuan ako ng monumento. At malamang na magkatotoo ‘yun kapag ipinakita ko na walang nagbago. Na ok lang sa akin na makitang masaya ang mahal ko sa iba gayung alam n’ya na mahal ko s’ya.

Hanggang sa maguluhan na rin s’ya at sinabi na sana mahintay ko s’ya. Na hindi n’ya alam kung talagang mahal n’ya ako dahil nasasaktan s’ya sa tuwing lumalayo ako. Hayaan ko daw muna na pakiramdaman ang puso n’ya. Pareho n’ya kaming lalayuan. At sana hindi ko s’ya ireject kapag ako na ang mamahalin n’ya. Na sana mahal ko pa rin s’ya. At kung ma-in love man ako sa iba ay sabihin ko sa kanya dahil ayaw na n’ya maging bitter ulit.

Anak ng tipaklong na tinubuan ng pakpak ng ibon. Torn between two lovers? Anak ng pusit! Paano kung maghintay ako tapos narealize n’ya na hindi pala ako ang mahal n’ya? E di nasaktan na naman ako? Anak ng baka talaga. Patay na lahat ng mga bayani. T*nga na lang ang meron.

At ang pinakamasakit sa lahat. Ang malaman kong sila na, na wala man lamang pasabi. Nalaman ko lang sa mga malalanding padaan ng “group message” sa akin ni Tori na may “I love you o kaya ay I love you too” na may pangalan ni Eric. Sinabi n’ya na maghintay ako. Siguro naman karapatan ko na marinig sa kanya na ‘wag na ako maghintay dahil nakapili na s’ya. Kahit isang hatak sabay suntok man lamang na sabi na “Oy Mira! ‘Wag ka ng magmukhang t*nga sa paghihintay. Kami na ng bubuyog na ‘yun. Mas mahal ko s’ya kesa sa sa ‘yo. Loser.”

Mas tanggap ko ‘yun. Kesa ganun na para akong engot na naka-hang dahil akala ko lumalayo s’ya sa ‘ming dalawa pero ako lang pala ang nilayuan n’ya.

Hours, days, weeks past. Walang imikan. Walang pansinan kahit magkasalubong o magkasama kami sa isang project. Parang hangin lang.

And then bigla na lang n’ya ulit ako kinausap.

Wala pang two weeks. Break na sila.

At ako na naman ang pinagbabalingan. Mahal n’ya daw ako.

Masyado ba akong bayani na tinanggap ko ulit s’ya?

Mahal ko s’ya. Kahit sinaktan n’ya ako. Hindi pa ko nakaka-move on ng maayos. Tapos bumalik ulit s’ya. Marahil, handa na ako na maging bayani at excited na ako sa magiging monumento ko.

**

“Mahal,” masuyong tawag ni Eric.

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. Napalingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. Hinawakan n’ya ang kamay ko.

“Iniisip mo na naman ‘yun?” tanong niya na alam na rin kung ano ang sagot.

Hindi ko s’ya ulit pinansin.

“Halika nga rito.”

Kinabig n’ya ako at masuyong niyakap.

“I’m sorry mahal. Alam ko sobra kitang nasaktan. Pero sana malaman mo at paniwalaan mo. Na gagawin ko ang lahat para maipakita sa ‘yo kung gaano kita kamahal. Hindi na ulit kita iiwan. Kasi masakit. Mas nasaktan ako sa nagawa ko. Ipinagpalit ko ‘yung kasiyahan ko. Kasi natakot ako na hindi n’ya makayanan kapag iniwan ko s’ya. Pero hindi ko pala kaya na wala ka.”

Muling pumatak ang mga luha na lagi ko na yatang bisita mula ng minahal ko s’ya.

Agad n’ya itong pinahid at pinilit na patahanin ako. “Sssshh. Stop crying mahal. Tama na. I’m sorry. Tumingin ka sa mga mata ko. I promise. Hindi ko na ulit hahayaan pa na pumatak ‘yang luha mo. I love you.”

Tinitigan ko si Eric. Kitang kita ko sa mga mata n’ya ang pagmamahal na sinasabi n’ya sa akin. Araw-araw n’ya rin itong ipinaparamdam sa akin. Oo. Mahal ako ni Eric. Baliw lang siguro ako para maapektuhan pa ng nakaraan. O natural lang ba na maramdaman ko iyon dahil nasaktan ako.

“Kahit araw araw pa kitang ligawan. Hinding hindi ako magsasawa. Mahal na mahal kita Mira.”

Ngumiti ako at yumakap sa kanya.

At sa puntong ito. Pinilit kong inaalis ang mga katanungan tulad ng anong nangyari sa kanila, at kung alam ba ni Tori na ako talaga ang mahal ni Eric.

Siguro nga hindi ko na dapat isipin pa ang mga iyon. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Bayani man ako noon, naniniwala ako na hindi na ngayon.

Dahil mahal ko s’ya. At alam ko na mahal n’ya rin ako.

Sapat na iyon para kumalma ako. At muling ibaon sa limot ang kahapon. 

# # #

-mhey

August 7, 2014

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s