Have You Ever Been Inlove?, SHORT STORIES, Something 'Bout Life

Kwaderno

February 14, 2013

 

Ang magmahal na walang kinatatakutan. Ang magmahal na hindi nag-aalangan. Ang magmahal na walang hinihintay na kapalit. Ang magmahal na nagtitira ng para sa sarili. Kung sa aspeto ng medisina, ito ang pinakamabisang gamot para sa mga pusong lagi na lang nasasawi. Sa mga pusong natatakot sumubok na magmahal muli. Dahil ang pusong nagmamahal ng wagas, tapat at may reserba ay ang pusong mabilis na naghihilom na walang hinanakit na ibinabaon.

Sa hindi malamang kadahilanan ay naisusulat ko ang mga bagay na ito. Nakakatawa dahil ang mga ito ay buhat sa taong hindi sinasadyang saktan ang damdamin ko. Ang galing ‘di ba? Nagagamit ko ang sinabi n’ya para gamutin ang sugat na s’ya ang may gawa.

 

“Faye!”

Hindi ko man gusto ay nilingon ko pa rin ang tumawag sa akin. Dahan-dahan kong isinara ang kwaderno na pinagsusulatan ko.

“Ano na namang kailangan mo?” pilit kong itinatago ang inis na nararamdaman ko. Pero huli na dahil kilala na niya ang ugali ko.

“Faye sorry na. Hindi ko sinasadya na iwan ka kahapon na hindi nagpapaalam. Nawalan lang ako ng load kaya hindi kita naitext agad.”

Umikot ang mga mata ko nang marinig ko ang alibi niya.

“Alam mo Reynan, kung babae ka, iisipin ko isa kang puta. Kahit sino na lang mag-aya sa’yo sumasama ka. Kahit hindi mo naman alam kung saan kayo pupunta. Buti sana kung disente mga sinasamahan mo. Eh kung makapagdamit naman kita na kuyukot.”

Nakita ko ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Reynan. Para ko tuloy nakikita ang sarili kong salubong ang kilay at nanunulis ang nguso dahil sa inis.

“Oo. Alam ko hitsura ko. Huwag mo ako tawanan. Naiinis talaga ako sa’yo.”

Tuluyan nang kumawala ang tawa nito.

“Ang ganda mo talaga ‘pag nagagalit ka,” sabi nito sabay akbay sa akin. “’Wag ka na magselos. Si Kyla at si Dianne lang naman ang sinasamahan ko. Ikaw naman ang mahal ko.”

“Tigilan mo nga ako. Marinig ka pa ng nililigawan mo, bastedin ka nun.” Siniko ko siya para alisin ang pagkaka-akbay sa akin.

Heto na naman siya. O mas tamang sabihin na heto na naman ako. Parang isang alupihan na hindi alam kung alin sa maraming mga paa ko ang itatapak papunta sa kanya. Kung alin sa nararamdaman at sa pagkakaibigan ang papairalin ko sa pakikitungo sa kanya. Kasalanan din naman n’ya kasi. Hindi niya sinabi na ang pag-ibig ay parang kamera. Na kapag itinutok sa isang bagay at pinagana ay nadedevelop pala. Na minsan ay para itong ahas na bigla-bigla na lang nanunuklaw kahit na ang biktima ay inosente at walang alam. Kung sana ay binalaan niya ako. Sana ay nakapag-ingat ako.

Sa mga ganitong sitwasyon kasi, para akong batang may sipon na inaalok ng sorbetes na paborito ko. Bawal sa akin pero gusto ko.

 

“Wala naman akong nililigawan ah.”

Napangiti ako at hinarap s’ya. “Oy Reynan. ‘Yung barako sa bakuran nila tatang, maaaring magsawa ‘yun makipaglandian pero ikaw, hindi. Kilala na kita!”

“Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?” sumeryoso ito na ikinabigla ko.

“Oo.” Sagot ko.

Hindi s’ya umimik. Napansin niya ang kwaderno na hawak ko.

“Ibig sabihin puro masasama ang nakasulat tungkol sa akin d’yan sa diary mo?” tanong nito.

Wala sa loob na nayakap ko ang kwaderno.

“Hindi ‘to diary!” tanggi ko na s’ya namang totoo.

“Eh ano pala ‘yan? Listahan ng mga utang?” pang-aalaska nito sa akin. “Bakit di ka kaya magsulat sa mga peryodiko? Para naman may mapuntahan ‘yang pagsusulat mo.”

Ayoko nga. Sagot ng isip ko. Eh di malalaman ng buong mundo ang tungkol sa pagmamahal ko sa iyo. Tama ng ako lang at ang kwadernong ito ang nakakaalam kung anong idinidikta ng aking puso sa panulat na hawak ko. Dahil alam ko naman na ang pag-ibig ay para ring isang lampara. Namamatay kapag wala ng gas na nagsusuplay para magliyab ito.

Nagmahal ako ng walang kinatakutan. Nagmahal ako ng walang pag-aalinlangan. At nagmamahal ako na may itinitira sa aking sarili. Kaya alam ko. Darating ang panahon. Ang apoy sa lamparang ito ay mapaparam. At ako ay muling ngingiti dahil nagmahal ako, nasaktan, at may natutunan.

 

~Faye

###

 

Ito ay lahok sa Bagsik ng Panitik 2013 sa Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

Advertisements

19 thoughts on “Kwaderno”

  1. ramdam ko rin may sequel ito. haaha

    “Heto na naman siya. O mas tamang sabihin na heto na naman ako” <– peyborit line ko to lakas makateen-ager. Panahon n ng pagibig 🙂

    1. sequel next yr pa? ahaha. sobrang busy na para mkapagsulat last minute ko na nga yan naipasa.. kaya maiksi kasi ipinilit lng mgkaroon ng entry.. 🙂

      araw-araw panahon ng pag-ibig ^_^
      heto na naman ako, ahaha

    1. hahah.. actually walang sequel ito.. pero may story ako na parang ganito rin.. hindi pa nga lang po tapos.. ^_^
      have a happy day always Godbless. 🙂

  2. ayun, sumali si ma’am. Ayaw ko na, bawiin ko na entry ko hahahah 🙂

    Itinago lamang ang pag-ibig sa isang notebook na wala namang pakiaalam. HIndi natin malalaman, kung iyong pinalaya ang nararamdaman, maaring may magandang kahinatnan. Nandon ang laban, hindi dapat natakot na masaktan. Sa pagkimkim ng ating pag-ibig, lihim din itong lumalago. Palatandaan ang tayo’y nasasaktan gayong hindi naman dapat, inaalisan natin ng laya ang sarili upang maramdaman ang isa pang mukha ng pag-ibig.

    Gudlak po sa entry. Humabol si ma’am 🙂

    1. ang lalim naman nun.. hindi ko maarok.. hahahah
      iyan lamang ang kinaya ng isang oras na nalalabi para makahabol..
      salamat at goodluck din sayo.. 🙂

Leave a Reply to Leeh Saberon Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s