MHEY'S LIFE STORY, Mhey's Never Ending Quest

Resolution 101

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang kaka-celebrate lang natin ng New Year. Nagpaalam sa 2011 at sinalubong ang 2012. Nanood ng mga fireworks display at kumain ng maraming-maraming mga bilog na pagkain. Nagpaagaw at nakipulot ng mga barya. Nagparty at nagpakasaya hanggang umaga.

Parang kailan lang. At ngayon ay mauulit na naman ang mga iyon. Dahil magtatapos na ang 2012 at darating na ang 2013. Oo dumating ang 2013 dahil kanselado ang pagwawakas ng mundo ngayong 2012. Na-curious tuloy ako kung papaano magcecelebrate ng New Year ang mga Mayan. Panahon na siguro para bigyan sila ng kalendaryo ng Mercury drug (lagi kami may ganun every year. hehe).

At sa pagtatapos ng taon, ano nga ba ang uso? Hindi ba ang walang kamatayang New Year’s resolution?

Elementary pa lang purgang-purga na ‘ko sa paggawa ng essay about New Year’s Resolution. Puro hindi na ako magiging ganoon, ganito, ganyan. Pero ni isa ay walang natutupad. Ginagawa lang for the sake of grade. At nung hindi na ako nag-aaral, sinubukan ko na gumawa ulit nito. Narito ang ilan sa aking mga nais baguhin sa sarili:

1. Magpapakasipag na ako. Do now, dream later. Na hindi naman nangyayari dahil madalas pa rin akong antukin, tamarin at kung saan-saan pa rin naglalayag ang pag-iisip ko. Dahilan upang wala akong matapos at kung meron man, during rush hour pa kaya hindi pulido. :/

2. Hindi na ako magiging pasaway. Magiging mabait na ako. Akala ng iba mabait ako. Pero nagkakamali sila. Dahil mukha lang akong mabait. Nuknukan kaya ng kamalditahan ang ugali ko. At sabi ng kakilala ko, kapag masama, kailangan magbago o hindi? Syempre ang sagot ko, parang batang “Kailangan po.” kaya kasama s’ya sa list. Sinubukan ko namang maging mabait. Kaya lang lumalabas talaga ang totoong ugali. Hehe.

3. Gigising na ako ng maaga. Inaamin ko. Isa ito sa mga pinakamahirap gawin. Totoo kasi ‘yung kasabihan na malakas ang gravity sa umaga. Hinihila ako lagi ng higaan (-_-). Pangarap ko mag-jogging every morning with my friends pero dahil late ako gumising, waley, hindi tuloy ang plano. Drawing ang kinalalabasan, nagiging lahing Indian pa ko.. Indianera. Haha. Dapat siguro may taga-hila ako every morning para magising talaga ako ng tuluyan.

4. Iinom na ako ng tubig (8 glasses per day). Bakit? Sa maniwala kayo o sa hindi, minsan lang ako uminom ng tubig sa isang araw. Kadalasan nga hindi na. Milo or milk sa umaga at sa gabi. Sa tanghali wala na. Minsan sa meryenda mga juice. Pero nakakalimutan ko na talaga ang pag-inom ng tubig. Isa siguro ‘yun sa dahilan kung bakit payatot ako. 😛 Pasalamat na lang ako at hindi ako nagkakasakit sa bato.

Nakalimutan ko na ang iba pa sa mga resolution ko. Pero tulad ng resolution na “magpapapayat na ako” pero sige pa rin ang paglamon, este pagkaen pala ay ganun din ako na hindi ko pa ginagawa ang mga katuparan sa list ko. Pero hindi ako magpapapayat ah kasi payat na ako. wahaha.

Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ang mga gusto kong baguhin tapos binabalikan ko sa isip ang mga nangyari sa akin nitong nagdaang taon. Naaalala ko lang kasi na dapat baguhin ang ugali ko kapag may mga bagay na nangyayari na hindi maganda. Kapag nagka-cram na ako dahil sa katamaran ko. Wala talagang silbi sa akin ang pagsulat ng New Year’s Resolution.

Walang silbi dahil mali ang ginawa ko. Dahil ang New Year’s resolution ay hindi dapat humahantong lang sa isang pirasong papel na isinulat ng sinipag na kamay na idinikta ng isipang nagpupumilit na isipin ang mga bagay na dapat baguhin. Dapat ito ay ayon sa kagustuhan. May willpower at handang magsakripisyo upang mapabuti ang sarili. At manalangin ng taimtim upang matulungan ng Panginoong Diyos na magawa ang mga bagay na iyon.

Hindi dapat iasa ang pagbabago sa isang kapirasong papel lang at sa phenomenal day ng pagbabago na New Year. Kahit hindi naman bagong taon ay maaaring magbago. Basta gusto mo. Kailangan determinado, hindi ‘yung maisipan lang. At marahil maipost na nga sa apat na sulok ng kwarto para lagi kong maalala.

Ngayong 2013, hindi ako gagawa ng New Year’s resolution. Pero determinado ako. I’ll change for the better. At hindi na rin ako bata para hindi maging responsable. Magbabago ako. Hindi lang ‘yan sa salita. (Pikit mata. Magkasalikop ang kamay.) Tulungan nawa ako ng Maykapal.

Godbless everyone.

2013. I’m ready for you. 🙂

###

2 thoughts on “Resolution 101”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s