Karma - Dreams and Journey, SERIES

Ang Paglalakbay: Mga Munting Pangarap (Unang Yugto)

Sa isang musmos na pag-iisip, ang pagmamahal ng pamilya ang pinakamahalaga. Ang pagkakaroon ng mga magulang na laging handang gumabay at ang pagmamahal na kanilang ibinibigay ay sapat na upang maging masaya ang isang musmos na naghahanap ng kalinga.

~*~*~

Isang bata na hawak sa magkabilang kamay ng kanyang tatay at nanay. Ito ang aking iginuguhit habang naghihintay sa aking sundo. Nakikita ko kasi ang aking mga kaklase at ang ibang mga bata na sinusundo ng kanilang mga mommy at daddy. Samantalang ako, iba ang sumusundo sa akin. Dahil wala akong tatay at wala rin akong nanay.

Lumaki ako na lolo at lola ang kasama ko, at si Tita Rica. Sila ang nag-aalaga sa akin. Tinanong ko na minsan ang tungkol sa aking tatay at nanay ngunit hindi nila ako tuwirang sinasagot. Dahil ba sa bata pa lamang ako?

“Karmalyn!”

Awtomatikong umangat ang aking ulo at nakita si Tita Rica.

“Pasensya ka na ah. May meeting lang kanina ang Tita Rica. Nainip ka ba baby?”

Nakangiting ipinilig ko ang aking ulo at sinilip ang lalaking bumaba kasunod ni Tita. Si Kuya Miko, ang kasintahan ni Tita Rica, na isang mabait din sa akin. Nakangiting kinawayan ko siya nang batiin niya ako.

Sa totoo lang, sa bait ng mga taong nakapaligid sa akin hindi ko na kailangan pa na maghanap ng tatay at nanay. Ngunit hindi ko maaaring linlangin ang nararamdaman ko. Para kasing may kulang. At gusto kong mapunan ang kulang na iyon.

~*~*~##~*~*~

“Saan ka pupunta?”

Bahagya akong nagulat sa boses na aking narinig buhat sa likuran. Dahan-dahan akong lumingon at hinarap ang aking asawa.

“Pupunta ako kila papa.”

“Anong gagawin mo?” pormal nitong tanong.

“Kukunin ko ang anak ko.”

Sandaling hindi nakaimik si Arman. Nagbago ang kanyang ekspresyon.

“Hindi ito ang tamang panahon Karla.” parang bata niya akong kinausap.

“At kailan ang tamang panahon? Sa sandaling ilalayo na siya ulit sa atin ni papa? Sa panahong hindi na niya ako kailanganin bilang ina?”

“Hindi pa naman ako sigurado kung siya nga ang anak natin.”

“Ikaw ang nagsabi na magaan ang loob mo sa bata.”

“Oo sinabi ko ‘yun. Pero hindi sapat na basehan para sabihing anak natin siya.”

“Kaya ko nga pupuntahan para malaman ko!” pasigaw na sabi ko na aking ikinabigla. Nabigla din si Arman sa pagtaas ng boses ko.

“Arman, gusto ko lang naman makita ang bata. Sana maintindihan mo ang nararamdaman ng isang ina na apat na taong nangulila sa kanyang anak.”

Hindi na ako nagpapigil sa kanya at hindi na rin niya ako nagawang pigilan pa.

Wala mang kasiguraduhan ang gagawin ko, ang mahalaga hindi ko pagsisisihan na hindi ko ito sinubukan.

~*~*~##~*~*~

Mula sa bintana ng aking silid, nakita ko ang babae na pumasok sa aming bakuran at pinatuloy sa aming bahay. May bisita sila lolo. Alam ko na ilang sandali pa ay ipapatawag nila ako. Ganun kasi kapag may bisita kami dito sa bahay. Lagi nila akong ipinapakilala.

Ngunit ilang minuto na ang nakalilipas wala pang kumakatok sa aking silid. Puno ng kyuryosidad na nagpasya akong lumabas at nagdesisyong bumaba na sa sala.

Ingay ang narinig ko ng makababa ako. Tila ba nagtatalo si lolo at ang babae. Nakatalikod sa gawi ko ang babae kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Ang nakikita ko ay ang matigas na anyo ni lolo na s’ya niyang hitsura kapag may mga bagay akong nagagawa na hindi niya nagugustuhan.

“Lolo,” bigla kong nasambit.

Kapwa sila napalingon sa akin. At nakita ko ang pagliwanag ng mukha ng babae nang makita niya ako. Dahan-dahan siyang lumapit habang masuyo akong tinititigan. Lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang aking pisngi.

“Anak ko.” Narinig kong bulong niya.

Anak? Bakit niya ako tinawag na anak? Itatanong ko sana kung sino siya ngunit niyakap na niya ako kaya hindi ko na magawang magsalita pa.

Ang init ng kanyang mga yakap. Mahigpit ngunit masuyo pa rin. Tila ba sabik na sabik siya na mayakap ako.

“Hindi mo s’ya anak Karla.” Narinig ko na sabi ni lolo. “Wala dito ang anak na hinahanap mo.”

Hinila ako ni lolo mula sa pagkakayakap ng babae sa akin.

“Umalis ka na Karla. Wala ka ng babalikan dito.” Sabi ni lolo at inakay ako palayo.

Nilingon ko ang babae. Nakita ko ang kanyang pag-iyak. At nararamdaman ko ang kalungkutan niya.

Sino kaya siya? Siya ba ang nanay ko? Pero bakit galit ang lolo sa kanya?

Sana..

Sana sagutin nila ang mga katanungan ko. At sana siya nga si nanay na kukumpleto sa kakulangan na nararamdaman ko.

~*ITUTULOY*~

Previous: Ang Pagsisimula: Ako at Ang Kahapon

Advertisements

2 thoughts on “Ang Paglalakbay: Mga Munting Pangarap (Unang Yugto)”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s