MHEY'S LIFE STORY, Something 'Bout Life

Mama

Heto na naman tayo.

Nakatingin na naman ako sa ‘yo.

Nanlalabo ang paningin dahil sa mga luhang pumapatak sa aking mga mata.

Sumasakit na naman ang aking tenga sa aking mga naririnig. At hindi lang iyon. Parang dinudurog ang puso ko sa bawat salitang binibitiwan mo.

Patawad. Nabigla lang ako. Ang gusto ko lang naman ay malaman mo na tao din ako. May limitasyon din ang kaya kong panghawakan.

Patawad. Alam ko may kasalanan ako.Β Ngunit gusto ko na malaman mo kung bakit ako naging ganito.

Sinubukan ko lang naman na magpaliwanag. Hindi po ako nangangatwiran. At lalong hindi ako lumalaban.

Mahal kita. Alam ko ang mga naging sakripisyo mo sa akin mula noong ako ay mailabas sa mundong ito. Walang makatutulad sa iyong kadakilaan. At gusto kong suklian ang pagmamahal na iyon.

Ikaw ang nagturo sa akin na maging matatag. Ikaw ang nagturo sa akin na magkaroon ng takot sa magulang.

Takot ako sa iyo. Takot ako sa galit mo. Takot ako na mawala ang pagmamahal mo.

May pangarap ako. Pangarap na makatikim ka ng kaginhawaan. Pangarap na bigyan ka ng kaligayahan at matuwa na hindi kayo nagkamali sa ginawang pag-aaruga sa akin.

At gusto ko na malaman mo ang nararamdaman ko.

Dahil sa pagmamahal mo, naging bilanggo ako.

Takot ako dahil sa paghihigpit mo. Naging mabait ako dahil sa takot na iyon. At naging bilanggo ako dahil sa takot na iyon.

Hindi naging madali ang buhay ko. Opo. Ramdam ko ang pagmamahal at suporta ninyo. Ngunit hindi naman ako namuhay ng normal.

Para akong isang ibon na nasa hawla. Binibigyan ako ng mga kailangan ko, ng mga bagay na magugustuhan ko. Ngunit ang mga bagay na natatanaw ko, ang mga gusto kong mapuntahan, maranasan, malungkot ko na lang silang tinatanaw.

Ngunit hindi ako makapagreklamo. Dahil parang isang maliit na ibon ay wala pa akong bagwis. Hindi ko pa kayang mamuhay mag-isa. Takot pa akong mag-isa.

At ngayong kaya ko na, masama po ba na sabihin ko ang nararamdaman ko?

Sa mga simpleng bagay lang ay nagagalit ka. At kapag nagagalit ka ay nauungkat na ang lahat.

Hindi ako nagdadamot. Gusto ko lang na matutong magsinop at magpakasipag Β ang mga taong akala mo ay pinagdadamutan ko.

Masaya ako na kasama ang mga kaibigan ko. Dahil sa kanila, nagiging totoo ako. Nagiging masaya ako na walang inaalala na sasaway sa akin.

Ngunit sana, pagkatiwalaan mo na hindi ako gagawa ng mga bagay na hindi mo magugustuhan. Dahil alam mo na lumaki akong may takot sa Diyos.

Patawad po. Pinaiyak na naman kita. Hindi na po mauulit.

Gusto ko ring malaman mo.

Nagpapasalamat ako sa Ama na ikaw ang pinili Niya para sa akin.

Sa pag-aaruga mo, sa pag-iingat mo. At sa maraming dahilan kung bakit lahat ng pagsisikap ko ay para sa’yo.

Patawad po. Salamat.

Mahal kita.

# # #

Sa hidwaang magulang at anak, maraming nagrerebelde dahil sa hindi pagkakaunawaan. Dahil sa kawalan ng komunikasyon.

Ang paghihigpit ng magulang ay nakasasama. Ngunit ang masyadong maluwag naman ay nakasasama rin.

Sa lahat ng pagkakataon, hindi maaaring makapanaig ang anak sa magulang. Ang sinasabi ng magulang, kahit hindi gusto ng anak, walang magagawa ang anak dahil magulang pa rin sila.

Ngunit hindi naman masama na magsalita ang anak. Dahil kung lagi lang sumasang-ayon, papaano malalaman ng magulang na hindi na pala gusto ng anak ang pinapagawa niya?

Kailangan na ang isa sa kanila ay marunong maghandle. Marunong magsimula ng usapan.

Communication lighten things up.

And don’t forget that prayers are the best solution for everything. ^_^

42 thoughts on “Mama”

  1. napaka-importante ng communication…pero mas natutuwa akong isipin na kahit nasasaktan ka humihingi ka padin ng tawad sa mama mo. yung iba kasi bitter kung bitter ang drama eh.

    1. ^_^
      nakakaguilty po kasi kapag nakitang umiiyak ang magulang ng dahil sa anak.
      kahit na may point ako, hindi ko pa din dapat na ginawa yun.. -_-

      1. tama πŸ™‚ naranasan ko ‘din ‘yan eh nung 1st year high school ako…’di naman umiyak si mama pero nalungkot ako tapos ‘pag dating ko sa school ako yung umiyak hehehe kaya ‘di k na inulit… πŸ™‚

  2. i agree.. communication is the key.. nasa kung paano mag-usap ang dalawang panig para hindi magkaroon ng tampuhan o di pagkakaunawaan.. pambihira.. gumuguhit na naman ang luha ko dito sa desk ko..

      1. nag text nga.. sabi mag inuman daw kami mamaya.. sabi ko “lunes na lunes, inom? magtrabaho ka jan..” kaya yun.. siya magpoproduce ng man of steel… ehehehehe

        1. naks naman. hahah
          magshooting kau ngayon. para walang gastos sa effects..
          yun bang magpapakaanod ka sa baha.. ahahah

          1. pwede.. sabi ko nga sa pilipinas siya mag shoot, sabi niya ayaw daw niya kasi madumi daw ang tubig baha sa pinas… sabi ko sa kanya “bawiin mo sinabi mo kundi friendship over na tayo..” ayun baka balakin na niyang magpunta ng pinas… sinadakan lang… ehehehehehe.. anubers.. seryoso ang post mo tapos hinaluan ko na ng kalokohan.. pasensya na…

            1. hahahahah.. tawa much.. :))
              ang artness ah.. mayaman sa sabon ang pinas.. keri na yan kung nandidiri sya.. tama yan. hndi na kau friends pag tumanggi.. hahahahah

              oks lang po.. ^_^ mas gusto ko nga kwela.. hahahahah
              nagdrama lang ako kunwari.. hahahahah

                1. ahahahah.. alam ko po.. halata sa blog mo.. heheheh
                  dont wori.. makulit din ako..
                  di lang masyadong halata.. ^_^

                    1. ahla.. hahahahah
                      sabihin na nating, marami akong katauhan.. LOL
                      makulit na seryoso or seryosong makulit..
                      nga pala.. kapatid ko si catwoman..
                      wag ka po maingay ah.. sshhhhh

                    2. hahahahah..
                      *tingin oras*
                      yown. mr. batman, malapit na out ko. naaliw nman ako dito. hahahah
                      salamat sa pangungulit..
                      nxt time ulit.
                      ingats. ^_^
                      *uwi*

      1. its ok,
        ang parents laging ganyan…
        minsan malambing, minsan matapang….
        anu’t ano pa man, sa kalaunan,
        ating mauunawaan, ayaw nila tayong mapabayaan… πŸ™‚

        Thanks also for reading ha?

          1. Mt least may mom tayong nagmamahal di ba? yung iba, alaala na lang ang kasama. Tayo at least, naririnig pa nating parang machine gun minsan sa kakasermon… πŸ™‚

            1. hahahah.. yeah,,
              and once, sabi ko kay mama.. bakit antahimik mo ngayon ma? pagalitan mo nga ako.. nkakamiss eh..

              hahahah.. hinahanap-hanap ko din minsan.. πŸ™‚

              1. korek!!! hahaha…

                Pag may panahon pasyal ka sa aking pahina… maghalungkat ka lang, di ko alam ang iyong panlasa pero alam ko, meron namang nakatabi sa aking banga…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s