Kaunting Kilig, SHORT STORIES

The Feeling is Mutual

This story is written way back 2006. Sa pagitan ng paggawa ng toxic homework na inaabot ng hatinggabi.

😀

************

*bawal manlait ng sketch. eto lang nakayanan ko sa panakaw na oras. hahah*

Nagmamadali ako ng umagang iyon. Male-late na kasi ako sa usapan namin ng bestfriend kong si Lara.

Kailangan ko ng magmadaling umalis.

Ngunit naantala pa ang pag-alis ko nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Michael. Sandali akong natigilan dahil sa bahagyang pagkabigla at nang makabalik ang aking katinuan ay dagli ko s’yang pinapasok.

Iniabot n’ya sa akin ang kanyang dalang white flowers at chocolate flavored cake.

“Ano ‘yan?”, taas kilay na tanong ko sa mga hawak n’ya.

“Bulaklak po at chocolate.”, papilosopong sagot nito.

Inirapan ko s’ya sa sagot na iyon.

“Ang taray talaga.”, nakangiting puna nito. “Peace offering lang po. Sorry na oh. Hindi ko kasi matiis na hindi tayo magkausap.”

 

Peace offering. Tiningnan ko ulit ang mga hawak n’ya. Matamang nag-isip pagkatapos ay kinuha na ang mga ito.

Tinitigan ko si Michael.

“Bakit?”, tanong nito.

Alam ko na naiilang s’ya sa mga titig ko. At halata rin sa kanyang tono at reaksyon.

“Ang gwapo mo kasi.”, sabi ko sa kanya.

“Matagal ko ng alam ‘yun.”

“At matagal na rin akong sinungaling.”, dugtong ko.

Sabay kaming tumawa.

“Kamusta ka na?”, pagkaraan ay tanong ni Michael. “Sorry nga pala sa ikinagalit mo.”

“Ok lang ‘yun. Ako nga dapat ang humingi ng sorry kasi ang pikon ko.”, ngumiti ako sa kanya.

“Hindi dapat kita tinukso ng ganun.”

“Ano ka ba? Ok nga lang ‘yun.”, sabi ko at pinilit na ibahin ang topic namin.

Naputol ang usapan namin ng tumunog ang aking cellphone. Si Lara. Bigla kong naalala na may pupuntahan nga pala kami.

“Michael, pasensya na ah. May pupuntahan kasi ako ngayon.”

“May date ka?”

Tiningnan ko ulit si Michael at may kapilyahang sinagot ang kanyang tanong.

“Oo. Kay Justin.”, banggit ko ang pangalang malimit n’yang itinutukso sa akin.

Bigla s’yang tumahimik at tumingin lang sa akin. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Tama ba ang nakikita kong selos sa mga iyon? Naipilig ko ang aking ulo. Hindi. Ayokong umasa. Kaibigan lang naman ang turing sa akin ni Michael.

“Joke lang.,” sabi ko. “Si Lara ang naghihintay sa akin.”

“Ah si Ms. Beautiful?”, sabi nito na lalong nagpaguho sa kaninang ilusyon ko.

“Gusto mo ba s’ya? Ilakad kita.”, nasabi ko na lang para maitago ang nararamdaman ko.

“Hindi s’ya ang gusto ko.”, seryosong sagot ni Michael.

“Kunwari ka pa.”, sabi ko na pilit na pinapakalma ang aking boses sa kabila ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. “Bagay naman kayo.”

Mariin ulit s’yang tumanggi. “Hindi nga.”

“H’wag ka na kasing tumanggi. Para naman tayong hindi magkaibigan. Sige, pag tumanggi ka, may gusto ka sa akin.”

Inaasahan ko ang pagtahimik n’ya tulad ng ginagawa n’ya dati ‘pag ang taong ayaw n’ya ang ginagamit ko o di kaya ay tumawa ito ng malakas at sabihing, “joke ba ‘yun?”.

Ngunit muli, nabigla ako ng magsalita siya.

“Hindi nga si Lara ang gusto ko. Ang kulit mo talaga.”, halos matunaw ako sa ginawa n’yang pagtitig sa akin. “Naniniwala ka na ba?”

# # #

16 thoughts on “The Feeling is Mutual”

  1. ang taray naman nito, hahaha. kakatuwa naman. ang sipag mo talgang magsulat, cge padrawing kana para sipagin din ako. hehe

    1. hahahah.. 1st yr college ako ng ginawa ko ‘yan. Ngaun ko lang naisipan i-type. 😀

      ahla.. tinatamad pa ko gawin ung series eh.. hahah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s