SHORT STORIES, Something 'Bout Life, Thought On Board

Way Back Home

“As we grow old, our realizations about life becomes deeper, problems get bigger, situations become more complicated..

..sometimes we wish we could go back..

Back to the time when,

The only man in our life was our dad,

Our only bestfriend is our mom.

And only pain could be healed by just a bandaid and a lollipop.”

****

Umalis ako dahil masama ang loob ko. Naging rebelde ako sa aming bahay. Alam ko padalus-dalos ako ng pagpapasya. Pero nagawa ko na. Andito na ako. Pangangatawanan ko na ito.

Andito ako ngayon sa bahay ng aking kaibigan. Ilang araw ko din hinintay ang aking mga magulang. Inaakala ko na hahanapin nila ako, susunduin at aamuin para bumalik sa aming bahay. Pero hindi ganun ang nangyari. Lumipas ang mga araw, para bang nakalimutan nila na lumayas ang kanilang anak. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung mahal ba talaga nila ako?

At dahil dito, lalong umigting ang desisyon ko na huwag nang magkaroon ng komunikasyon sa kanila.

Meron akong gustong patunayan sa sarili ko.

Ibubuhos ko na lang muna ang aking atensyon sa pag-aaral at sa part-time job na pinasukan ko.

 

Aral.

Trabaho.

Aral.

Trabaho.

Dito lang umiikot ang mundo ko sa kasalukuyan.

Nakalimutan ko na hindi lamang pala ang mga ito ang aking mga responsibilidad.

Nakalimutan ko na ang aking commitment, ang aking relasyon. Hindi ko na ito napapansin. Hindi ko na ito nabibigyang halaga.

 

Aral.

Ako na ngayon ang nangunguna sa aming klase. Dapat matuwa ako. Ngunit bakit ganun? Hindi ako lubos na masaya. Parang may kulang? O dahil iniisip ko kung nangyari ba ito dahil talagang gusto ko o dahil para lang may mapatunayan ako?

Trabaho.

Pinagbubuti ko ang aking trabaho at kasalukuyang gumaganda ang takbo nito.

 

Aral, trabaho. Paulit-ulit na lang ang aking ginagawa. Para bang wala akong kapaguran.

Hanggang sa isang araw ay mangyari ang mga bagay na hindi ko inaasahan.

“Pasensya na Carl. May trabaho kasi ako eh. Hindi ako pwede ngayon.”, sagot ko sa aking kasintahan nang lapitan n’ya ako pagkatapos ng klase at ayain na lumabas.

“Kelan ka ba pwede? Matagal na kasi tayong hindi lumalabas.”

“I’m sorry Carl. Pero hindi ko pa talaga alam. Sige una na ako sa ‘yo. Baka ma-late na ako.”

 

Agad ko na syang tinalikuran at maglalakad na sana papalayo nang magsalita s’ya.

Doon bumungad sa akin ang isang bagay na matagal ko na palang napapabayaan.

 

“Bakit ka ganyan Leny? Ang laki na ng ipinagbago mo. Lagi na lang ‘yang pag-aaral at trabaho mo ang iniintindi mo. Paano naman ako? Hindi na ba ako mahalaga sa ‘yo?”

 

Humarap ulit ako sa kanya. Nasaktan ako nang makita ang pait na gumuhit sa kanyang mukha.

“Hindi sa ganun Carl.”, paghahagilap ko ng maaaring ikatwiran. “Kaya lang, alam mo naman kung anong kalagayan ko ngayon. Sana maintindihan mo ako.”

Nagsusumamo ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

 

“Naiintindihan naman kita. Kaya lang, sana maintindihan mo rin ako Leny. Sana ‘wag mong makalimutan na boyfriend mo ako na kailangan mo ring bigyan ng atensyon. Hindi ko na alam ang nangyayari sa relasyon natin Leny. Minsan naiisip ko kung.”, tumigil ito saglit at matiim akong tinitigan. “kung dapat pa ba natin itong ituloy?”

“Anong ibig mong sabihin?”, ang tanging reaksyon ko.

“Mamili ka. Ako, o ‘yang trabaho mo?”

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Pinapapili ako ni Carl? Nagsalimbayan ang maraming larawan sa aking isipan. Pero sa huli ay kailangan kong gumawa ng pasya. Masakit man ngunti nagawa kong sabihin,

“I’m sorry Carl.”

Natigilan s’ya. Nagtatanong ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Alam ko na katulad ko ay hindi rin s’ya makapaniwala na nagawa kong sabihin ‘yun. Na sa tagal na ng aming pagsasama ay nagawa ko pa s’yang ipagpalit sa ibang bagay.

Ilang sandali na naghari ang katahimikan. Pagkatapos ay walang lingon-likod na umalis s’ya at iniwan ako.

Naipikit ko na lang ang aking mga mata. Nananalangin na sana hindi ako nagkamali sa desisyon ko.

Isang mahal sa buhay na naman ang aking naisakripisyo.

****

“Minsan kailangan mong uminom para makalimutan ang mga problema. Kahit sandali lang.”

 

Nasa harapan ko ngayon ang aking kaibigan. Matagal din kaming hindi nagkita. At dito pa kami sa isang bar nagtagpo.

Nalaman kong nagkaroon ng matinding karamdaman noon ang kanyang tatay kasabay ng pagkawala ng kanyang trabaho. Ang pagmamahal sa ama ang nagbunsod sa kanya upang magtrabaho sa bar na ito.

Nadala ako sa kanyang mga kwento. Naalala ko tuloy ang mga ginawa ko. Ang mga magulang ko.

At bigla na lang akong nakaramdam ng kapaguran at kalungkutan.

Siguro tama nga, minsan kailangan din ng pampalimot sa problema.

At uminom kami hanggang sa malasing. Hanggang sa malimutan ko kung ano ba ang gusto kong patunayan.

****

Maingat kong binuksan ang mabigat na pintuan na iyon pagkatapos kong kumatok. Hindi ko gusto na maipatawag para pumasok sa kwartong iyon. Isa man sa amin ay walang gustong pumasok doon.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok at ilapat pasara ang pinto.

“I’m so disappointed Leny.”, bungad agad ng aming professor pagkaupo ko. “You’re late in my class. You even looked like you’re drunk. And then your test result? What happened? Do you have a problem?”

“Wala po ma’am”, mahinang bigkas ko.

Dahil sa kalasingan kagabi ay nahirapan akong gumising. Hindi dapat ako papasok pero naalala kong may exam kami at hindi nagbibigay ng special exam ang terror professor namin na ito kaya pinilit ko pa rin.

Pero dahil may tama pa rin ako, hindi ko natapos ang exam. Kalimitan sa mga ito ay sinagutan ko ng hindi pinag-iisipan.

 

“Alam ba ito ng parents mo?”, narinig ko na tanong ni ma’am.

“Wala naman po silang pakialam sa akin.”, wala sa sariling sagot ko.

Nanunuri ang tingin sa akin ng prof ko ngunit hindi ko s’ya pinansin.

Paglabas ko ng kwartong iyon ay nalaman kong ganun pala ang pakiramdam ng failure. Masakit. Ngunit wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko.

Ako ang nagpabaya.

Ngunit bakit ganun? Isang beses lang naman ako bumagsak pero bakit nadisappoint agad si prof? Bakit naman ang iba? Hindi lang naman isang beses bumagsak?

Napapagod na ako. Pero kailangan ko pang pumasok sa trabaho. Baka sakali ring maibsan ang mga alalahaning unti-unting bumabangon sa isipan ko kapag pumasok ako.

Ngunit kabaliktaran pala ang makikita ko.

Si Carl. May kasamang ibang babae.

Ang sakit pala na makita ang mahal mo na masaya na hindi ikaw ang kasama.

Doon ako bumigay. Dali-dali akong nagpaalam at umuwi na.

Mapagbiro talaga ang tadhana.

Noong una, akala ko magiging mabait ito para sa akin. Naging maayos ang lahat. Ngunit nang kalaunan ay parang pinarurusahan ako nito. Siguro nga, dapat akong parusahan. Naging makasarili kasi ako at mapagmataas. Akala ko, kaya ko na ang aking sarili. Nagrebelde ako. Inilayo ko ang loob ko sa aking mga magulang, ngunit hindi ko inaasahan na maraming bagay pala ang maaapektuhan. Pati ang relasyon ko.

Sa loob ng isang araw ay nagkabahid ang aking pag-aaral at muntik ng magka-aberya sa aking trabaho. Ano na lang ang matitira sa akin pag nagkataon? Ang kaibigan ko at ang aking sarili? Ngunit hihintayin ko pa bang pati ang mga iyon ay mawala rin?

Ngayon ko lang napagtanto na hindi madali ang buhay. Kumplikado ito at maraming pasikot-sikot. Maaaring mapahamak kung hindi magiging maingat.

Malawak ang mundo, hindi mo pa ito masyadong kabisado. Kailangan pa ng gabay upang hindi maligaw. At iyon ang nawala sa akin.. ang tinalikuran ko.

At sa sandaling iyon, muli kong tinahak ang landas na aking tinalikuran.

Totoo na hindi ako hinanap ng mga magulang ko. Dahil sila ay naghihintay lamang sa aking pagbabalik. Sapagkat alam nila na kapag natuklasan ko ang tunay na kahulugan ng buhay, ang tagumpay at kasawiang dulot nito, alam nila na ako ay babalik..

Babalik sa dating buhay, kung saan may umiintindi sa akin at may kumakalinga.

Kung saan may karamay ako sa mga hamon ng buhay na aking sinasagupa.

Kung saan may mga kamay na handang umalalay sa akin sa tuwing ako ay madadapa.

Kung saan alam kong ligtas ako.

At kung saan alam ko na kailanman ay hindi ako mag-iisa.

# # #

written: 09-09-07

mhey

Advertisements

15 thoughts on “Way Back Home”

  1. I ¡®m really inspired with your writing talents as well as with the layout for a weblog. Is this a paid topic or did a person modify it on your own? Anyway stay up the excellent good quality writing, it will be rare to look a wonderful blog this way one these days..

  2. ” Naging makasarili kasi ako at mapagmataas.”

    …pagtanggap sa pagkakamali at kahinaan.
    Hindi ito madaling tanggapin at matutunan..

    Ang ganda naman nito… =)

    1. pag kinain ang sabong may pangalang PRIDE, matututunan natin ang lahat ng tama. 🙂

      thanks and Godbless. 🙂

  3. wow ang ganda naman… damang dama ko ang pighati ni leny.. kung minsan talaga nagiging rebelde tayo dahil inaakala natin na tama tayo at sila ang mali. pero darating sa punto ng buhay natin na hindi lahat ng inaakala natin ay tama.. dito naman tayo magiging malakas at magiging panatag sa buhay.. sabi nga nila, mahirap ang dumaan sa baku-bakong daan, pero exciting…

        1. ^_^

          naalala ko lang.
          Ang Diyos ay nagtuturo sa pamamagitan ng KARANASAN.
          kaya kailangan matuto tayong magbasa. 🙂

  4. Isang ka palang “prodigal” daughter mae…

    “But it was appropriate to celebrate and be glad, for this, your brother, was dead, and is alive again. He was lost, and is found.”

    — Luke 15:32

    Totoo lahat na iyong tinuran…

    Ang mga magulang, di man magsalita, di ka man hanapin, ay laging naririyan upang ikaw ay akaping muli sa oras na mapagtanto mo ang iyong mga kahinaan at pagkakamali…

    Minsan,

    Di ka nila hahanapin. Kung ang iyong pag alis ay upang hanapin mo ang iyong sarili, hahayaan ka nila. Alam nila sa dahil ang iyong mga katangian ay minana mo sa kanila, alam nila ang iyong hangganan, alam nila kung kailan ka magmamatigas, at kung kailan ka lalambot…

    Minsan,

    Hahayaan ka nilang madapa… dahil sila man noong ganyang edad ay naghahangad din ng kalayaang ayon sa sariling pananaw ay tama… Pabalik na sila, papunta pa lamang tayo.

    Maniwala ka, doble ang sakit na naidulot ng iyong paglisan…. ngunit ibayong kaligayahan ang inihatid ng iyong pagbalik…

    Ang aking mga magulang din ay ganyan… hinayaan ako sa katigasan ng aking ulo…
    Napakaraming pagkakamali, napakaraming sakit ng loob ang aking naranasan, at minsan ding sisi ay ibinato sa kanila….

    Ngunit Mae, sa bawat hapdi na sa akin ay dumapo, ang aking ina ang unang lumuluha, tahimik.

    Sa bawat pagkadapa ko, nais man akong buhatin ng aking ama, nananatili siyang tahimik na nakamasid, lumuluha…

    NANG AKO AY BUMALIK, AKO AY NAKATANGGAP NG MAINIT NA YAKAP AT HALIK, WALANG PANUNUMBAT,

    Ang sambit lamang ng ama, ” inayos ko na ang iyong kwarto, gusto mo nang magpahinga?”

    Ang sambit ng Ina, : nagluto ako ng paborito mong adobo, kain na”

    At ang aking mga kapatid ay tuwang tuwang sumalubong, nanghihingi ng pasalubong hihihi….

    Napakasayang minuto ng buhay, kahit ang luha ng kaligayahan ay umaagos…..

    Manalig, ito ay may katotohanan…love love love!

  5. Ito rin ang matagal ko ng gustong isulat:
    “Totoo na hindi ako hinanap ng mga magulang ko. Dahil sila ay naghihintay lamang sa aking pagbabalik. Sapagkat alam nila na kapag natuklasan ko ang tunay na kahulugan ng buhay, ang tagumpay at kasawiang dulot nito, alam nila na ako ay babalik.. ”

    “Babalik sa dating buhay, kung saan may umiintindi sa akin at may kumakalinga.
    Kung saan may karamay ako sa mga hamon ng buhay na aking sinasagupa.
    Kung saan may mga kamay na handang umalalay sa akin sa tuwing ako ay madadapa.
    Kung saan alam kong ligtas ako.
    At kung saan alam ko na kailanman ay hindi ako mag-iisa.”

    “We made it to the moon but we can’t make it home.” Take time to listen to this song http://www.youtube.com/watch?v=_cSZMK2Vt3k

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s