All About Life, ESSAYS and OPINIONS

KM3 : Tinig ng Katahimikan

Sabi ng iba, kapag magulo ang iyong kaisipan, pumikit ka lang.
Isipin mo ang mga bagay na mahalaga sa’yo.
Isipin mo ang mga bagay na gusto mong gawin.
Mga bagay na akala mo minsan ay sa pangarap mo na lang mararating.
At mula sa mga bagay na ito ay makararanas ka ng katahimikan, at makatatagpo ng kapayapaan na iyong inaasam.

Tik Tak Tik Tak.

Napalingon ako sa nakasabit na orasan sa aming dingding. Naririnig ko na naman ang galaw ng mga kamay nito. Ibig sabihin ay malalim na ang gabi. Dapat na akong matulog at magpahinga.

Ngunit sadyang maligalig ngayon ang takbo ng isip ko. Nagsasalimbayan na naman ang mga kaganapan sa nagdaang araw.

Pumikit ako ng bahagya upang kahit papaano ay dalawin ako ng antok. Ngunit ako ay bigo.

Ayoko ng magtrabaho. Salbahe ba ‘ko sa pagsigaw ng ganyan ng isip ko? Totoong mahirap ang trabaho ko. Nakaka-tensyon. Pero dapat ba akong mag-isip na tumigil sa pagtatrabaho dahil dito? Napakaraming nahihirapan ngayon sa paghahanap ng trabaho. Napakarami ngayon ang tambay dahil walang trabaho. Tapos ako, heto, nahirapan lang, umaayaw na?

Wala na ‘kong ginawang tama.
Meron.
Ang patuloy na mabuhay kahit malupit ang mundo. Ang patuloy na pagbangon sa mga problemang kinalulugmukan ko. Ang patuloy na paglaban sa walang katapusang pakikibaka sa mundong ito. Ang pagtanggap ng kamalian, ang patuloy na pagtitiwala. Ang lahat ng ito ay tama. Maaring sa mata ng tao ay mali ako. Ang mahalaga ay alam ko sa sarili ko na may dahilan ang bawat ginagawa ko. Na ang lahat ay inihihingi ko ng patnubay sa Panginoon.

Kasalanan ko. Lahat naman ‘di ba? Hindi naman pwedeng kasalanan niya ang ginawa ko. Aksyon ko ‘yun. Pag-iisip ko ‘yun. Kaya ako ang mananagot doon. Kung sana lahat ng tao ay marunong tumanggap ng pagkakamali. Sana payapa lagi dahil walang pag-aaway ng dahil sa sisihan.

Muli akong nagmulat ng aking mga mata.
Nakiramdam sa tahimik na kapaligiran.

Tik Tak Tik Tak.

Ang buhay ay katulad ng orasan. Patuloy sa tahimik na pag-ikot.
Ngunit hindi ka orasan na hindi nagbabago ng kilos. May magagawa ka para magbago.

###

lahok para sa KM3: Tinig ni Master Kulisap. 🙂

adrenalin rush @ 11:50 pm
10mins before the deadline. >.<

Advertisements

25 thoughts on “KM3 : Tinig ng Katahimikan”

  1. Nasa atin lagi ang huling pagpapasya. Kung anong klaseng pag-ikot ng buhay. Meron at merong sagabal pero kung nanaisin nating makatawid doon na hindi tinitingnan ang oras sa buhay natin, naniniwala akong makakarating tayo.

    Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3. Mabuhay ka Marry. 🙂

  2. “Ngunit hindi ka orasan na hindi nagbabago ng kilos.

    May magagawa ka para magbago.”

    Nice one 🙂
    Good luck senyo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s