MHEY'S LIFE STORY, Mhey's Never Ending Quest

Busy Much

April 16, 2012

Isang memorable na araw para kay Mhey.

Wala akong tulog nang araw na ‘yan dahil DEADLINE. Pero salamat pa rin sa Diyos at natapos din. *wide smile*

Nakahinga na dapat ako ng maluwag.

Marami na dapat akong kwentong naisulat sa ngayon.

Parang matagal na rin na naisulat ko ang “Ang Pagsisimula : Liwanag at Dilim” na simula ng isang serye ko na gagawin. Karma – Dreams and Journey. Pero anong petsa na ba ngayon at hindi ko pa nagagawa ang ikalawang bahagi?

Natutulog ang utak ni Mhey.

Nagbabakasyon pa ang isip mula sa isang sobrang hectic at super nakaka-stressed na work.

Dahil nga doon, parang ayaw na ulit gumana ng utak ko. O.O

O mas tamang sabihin na inaatake na naman ako ng sakit ko.

Ang….

tan tan tanan *music*

KATAMARAN

BOOM! *confetti*

Isang napakalaking kaaway ko ang aking sarili. Teka, maliit lang pala ako. ahihih. Isang malaking maliit na kaaway ko ang sarili ko dahil doon. ‘Yung tipong magsusulat na dapat ako. Tapos may bumubulong sa akin “wag na muna. tinatamad ka pa. Mamaya na.” Hanggang sa wala na akong nagagawa.

Marami din akong mga balak na hanggang balak na lang dahil sa reversed kong kasipagan.

Ilang beses ko nang napag-isipan na sagutin ang Ooops Ive Been Tagged Lists Dont Come Easy ni 35andupcynicismonhold pero hindi ko pa rin nagagawa.

Hindi pa kasi ako nakakapag-explore ng lubusan sa mga blogs. Since February 2012 ako naging active dito sa wordpress pero till now, unti pa lang ang nabibisita kong blogs and posts. Bad for me. 😦

Hindi naman katamaran lang ang dahilan.

Gusto mong malaman?

Ganito kasi yun.

Pagkatapos nung April 16, 2012.

Mhey talking to herself.

“Hindi ka pa pwedeng matulog. May deadline ka ulit ng April 25! Madami ka pang pagpupuyatan. Dalawa deadline mo. Maraming kliyente pa ang gagawan mo.”

At ang pinaka-nahirapan ako ay ang pag-iisip kung sino ba sa kanila ang uunahin ko.

Kalurkey ‘di ba? Parang pag-iisip lang kung sino sa mga manliligaw na nakapila ang sasagutin. Ahihih.

Sa madaling sabi, dahil sa sunud-sunod na deadline at pag-iisip, tinamad na tuloy ang utak ko na mag-isip. Kaya ‘yun, ikaw na lang ang naiisip ko. Ayyiiee. Kinilig ‘yan. LOL.

What’s in my blogroll anyway. Maiba tayo ng usapan.

At ang sagot ay ten ten tenen. WALANG LAMAN. Wahahahah.

Papaano ako makakapaglagay kung hindi nga ako nakakadalaw sa mga blogs?

Nahiya naman ako sa mga bumibisita dito. O.O

Wala kasi akong time para magbasa. Busy much ako.

Busy sa pag-DL ng music at video. Harhar.

Mhey: *kumakanta habang nagbo-blog. with her “One Direction” playlist.*

Oo. Tama ka. Ako na ang bumalik sa pagkabata dahil gusto ko ang mga kanta ng One Direction. Na-echapwera ko tuloy ang The Script, Simple Plan, Greenday, Coldplay at Yellowcard na playlists ko. Nagustuhan ko kasi ang nakaka-indak na “What Makes You Beautiful” na dinedicate pa sa akin ng bestfriend ko.

Nakakabata ang genre ng music nila. Nakakawala ng stress. Kaya ayun, hinanap ko talaga mga kanta nila. Ahihih.

Pero May na ngayon ah. ‘Ala na ulit deadline. Sa 20 naman ulit.

Kaso nga lang, may outing naman kami sa May 6.

Ano namang problema dun?

MALAKI! Mas malaki pa sa akin. Huhuh.

Ako ang Coordinator. Kaya ‘eto, busy much ako sa paggawa ng program at pag-isip ng mga games.

Coordinator na, emcee pa. San ka pa? Ahihih.

2-day program ang ginagawa ko. May Team Building pa kasi. Ahihih. Bukod ang games ko para sa team building at para sa outing. Hayst. *kamot ulo*

Papahirapan ko sila. Papagulungin ko sila sa buhanginan. Bwahahahahah.

Anyways, I’ll make sure na magiging exciting at punung-puno ng FUN ang aming summer outing 2012. Para naman hindi nila ako sumpain pagkatapos. LOL.

(kanta) *everything about you, you, you. everything that you do, do, do.*

Kumakanta talaga ako. Hahahah.

Oh sya. Hanggang dito na lang muna.

Sana pagkatapos ng outing, tuluyan ng marelax ang katawan at isip ko at makapagtrabaho na ako ulit ng maayos. At may maisulat na ulit ako. ^_^

PAALAM!

Balitaan na lang kita about sa outing namin! *ngiting wagas + kaway* 

P.S.

Ako pa rin ang dakilang taga-sagot ng aming telepono dito sa office dahil hindi pa ayos ang connection dun sa totoong taga-sagot.

Baka gusto mo ako tawagan. Hanapin mo lang si Marry Ann. Ahihih.

# # #

mga panahong walang magawa.

mhey

05-04-12 / 2:28 pm

Now Playing. :^_^:    *i lift you up, i’ll never stop. you know i’ll take you to another world.*

– Another World – One Direction

Advertisements

12 thoughts on “Busy Much”

    1. hahahahah.. hindi naman dahil sa gwapo sila.. gusto ko lang talaga mga kanta.. :))
      ang babata pa ihh.. heheheheh

    1. wahahahahah.. i’m not a fan either or itinatanggi ko lang. LOL
      nagandahan lang talaga ako sa kanta.. nakakaaliw. :))

Leave a Reply to boysanchez Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s