fries and float, MHEY'S LIFE STORY

Double the “2”

April 11, 2012

Hello!

Kamusta na? Wala kang kwentong mababasa sa ngayon. Busy ako masyado eh. Hindi ko tuloy matapos ang mga sinusulat ko. Kukwentuhan na lang kita. Pero sana hindi ka mabato gaya ng inuupuan ko ngayon.

Pwede ba ako mag-emote? Umiyak? Tumawa? Ngumiti? Suminga? Umubo? Sa harapan mo? Wag ka mag-alala, may pamunas naman ako eh. Yung damit mo. Hahah. Biro lang.

Bago ang lahat, salamat nga pala kasi andito ka na naman. Matyagang nagbabasa. O kung magkaharap tayo ngayon ay matyagang nakikinig sa akin.

Alam mo ba kahapon ng umaga? Napag-alaman kong may mga bagay na hindi talaga nakatadhana para sa atin.

Teka, naniniwala ka ba sa tadhana?

Ako, hindi ko alam kung tadhana ba ang tawag doon. Pero alam ko ang “tahan na” kapag umiiyak tayo. heheh. Patawang corny na naman.

Naniniwala ako sa blessings at sa panalangin. Na ibibigay ng Panginoong Diyos ang mga bagay na makabubuti para sa atin.

Marahil iyon ang tinawag nilang tadhana.

Anyway, tuloy tayo sa kwento ko. Nalungkot lang ako nang hindi kami nagkatagpo ni “pangarap”. Nauna ba sya ng daan o ako ang nahuli ng labas? Nakakalito pero ganun talaga. Not meant. Harhar.

Buti na lang may magandang nangyari. May nag-CI from Pag-ibig sa office. Inpeyrness, cute sya kaya nawala ang pagkasama ng timpla ng mood ko. *tawang maarte*.

Teka, sandali lang, parang may nakita akong dumaan sa harapan ko. Parang may lumilipad na utak. Sa akin ‘ata yun. Pakihabol nga! Baka makita mo, pakibalik sa akin.

Sa ilang sandali ay April 12 na. Makatulog na nga muna.

Paalam!

# #

April 12, 2012

Hindi naman ako nakatulog. Wala nga akong tulog ngayong araw na to.

Hindi dahil sa excited ako kundi dahil OT ako sa work.

Hindi ako ganun kasaya sa araw na ‘to.

Sila lang ang natuwa kasi naghanda ako. Heheh.

Oo. Birthday ko nga ngayon. Sinalubong ko ang aking ika-22 na kaarawan dito sa ofis, kaharap ang mga gabundok na papel at binabalanse ang nakakahilong FS ng kliyente.

Pero ayos lang, blessed pa rin naman kahit stressed.

40hours na akong gising. Wohooooooo. Daig ko pa ang nakasinghot ng katol, lumaklak ng pinagsama-samang redbull at cobra at nagturok ng sedatives sa katawan. hahah.

TOXICCCCCCCCC!!!!!!!!

Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nahiling na sana, hindi naging malapit sa April 15 ang birthday ko!

# #

April 13, 2012 


Kaarawan naman ngayon ng aking “bestfriend” . 

Exact opposite ko ang aking kaibigan.

Ako mataray, sya sweet. Suplada ako, sya friendly. Prangka ako, sya ewan ko lang. hahah. Mabait ako, sya pasaway.

Payat ako, sya chubby. Maliit ako, sya matangkad. Maputi sya, ako naman, morena.

Naging totoo sa amin ang opposite poles attract each other. Pero hindi kami talo nun. Hahah.

Sadly, hindi kami nagkita ngayon ni bessy dahil as usual, muntik na naman akong maging gising ng bente-kwatro oras! Buti na lang OT ako ng hanggang 1 am lang. heheh.

# #

Paparating, dumating at lumisan. Dinaanan ako ng ganun na lang.

Pramis ko, pagkatapos kong makawala sa nakakahilong deadline na to, magsasaya ako ng bonggang-bongga.

Kinasabikan, ngunit hindi maganda ang kinalabasan.

Nasiyahan ako ngunit kulang.

Parang buhay pag-ibig ko na naman to. Hahah.

Parang halo-halo. Masarap sa umpisa. Kapag may yelo pa. Yung tipong sumasakit na ngipin ko dahil sa lamig eh ok lang.

Pero pag natunaw na ang yelo at nagiging halo-halong lumalangoy sa tubig, hindi na masarap. Wala ng kilig. Itatapon na lang. Sayang naman.

Tinatanong kasi nila kung gusto ko daw i-wish na magka-bf na ko. (ako na NBSB! wahahah). Anyway, sabi ko sa kanila bata pa ako. *sa height* <O.O>. Hindi pa ko ganun kadesperada para iyon ang hilingin ko.

Pero tungkol sa bagay na iyon ang mga nakakatawang bday greeting para sa akin. Tulad nito:

“happy birthday mhey! wish u more boyfriends to come!”


More boyfriends? Hahah. Laughtrip!

Tinatawanan nga ako ni bessy dahil sabi nya, ako ang romance writer na ZERO lovelife ever since. LOL.

So ayan, napadpad na naman tayo sa single life ko.

Tatapusin ko na ang entry na ito sa isang pagsasalaysay ng isang pangarap.

*eksena sa bahay*

Mhey: Ma, simple lang ang pangarap ko.

Mama: Ano yun?

Mhey: *seryoso* Ang yumaman.

Nakanang! hahahah. Kulang na lang batukan ako ng nanay ko.

Mama: Simple ba yun? Luka talaga ‘to.

Napatawa na rin lang ako.

Simple lang naman yun ah. Katulad ng simpleng kaligayahan ko na fries and float.

# # #

♥ mhey ♥

.happy new year to me.

Advertisements

8 thoughts on “Double the “2””

    1. wui,, salamat sa iyong pagpasyal..
      sayang, naubos na ung mga nakakabit na pagkain dito na pwedeng makain habang binabasa tong blog ko.. wahahahah

      simple din pala pangarap mo..
      sana marating natin nu? LOL..
      ingatss and salamat.. ^___^
      Godbless. 🙂

  1. maligayang bati sa iyong ika-22nd kaarawan.. na-curious lang ako ano nagnyari pagkatapos ng abril 15 bir deadline, hahaha. nakikinita ko na ikaw ay isang typical na tagapagtuos (accountant). bisitahin mo rin ang tambayan ko ha, baka matisod ka sa aking mga bagong quotes.

    1. wahhh,, hahahahah.. ayun.. wala akong tulog ng dalawang araw. kagabi lang.. ahahahah
      salamat po sa pagbati.. ^_^

      malapit na akong bumisita ng madalas..
      naghahanda pa lang ako sa ngayon.. ^_^
      Godbless.. ^^

    1. hello MyR.. salamat naman at hindi ka nabato.. ahahaha

      salamat sa pagtambay at pag-iwan ng mensahe.. ^_^
      Godbless 🙂

Leave a Reply to Ang Tambay na si MyR Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s