MHEY'S LIFE STORY, Mhey's Never Ending Quest

Anong Meron Sa Abril?

Maraming estudyante ang natutuwa kapag patapos na ang Marso.

Marami sa kanila ang nagmamartsa patungong entablado.

Marahil isa iyon sa ikinatutuwa nila, ngunit mas marami ang natutuwa dahil nalalapit na ang bakasyon.

Eh ako?

Bakit parang tinatamad ako sa tuwing sasapit ang buwan na ito?

At para bang gusto ko na lang tumunganga maghapon at hindi na magtrabaho.

Isang taon na naman ang mabilis na lumipas.

Napakabilis na talaga ng panahon ngayon.

Dati-rati, isa lang ako sa mga milyong estudyante na naghihintay ng bakasyon. Ang panahon ng malayang paglalaro.

Kung saan wala kang assignments, projects at mga book reports na iintindihin. Yun bang hindi mo na kailangang tumakas mula sa mahigpit na pagbabantay ng iyong ina dahil hindi pa pwede maglaro kung hindi pa tapos ang mga takdang aralin. Hindi na mangangawit ang leeg kakatanaw sa labas ng bintana at sesenyasan ang mga kalaro na hintayin ka.

Hanggang sa ang bakasyon ko ay hindi na naging malaya.

Dahil hindi katulad ng mga mag-aaral, walang two- months vacation sa trabaho. Kung may ganun, eh di ang saya sana.

Pero hindi naman talaga ang bakasyon ang dahilan ng pagiging lazy mood ko sa ganitong mga panahon.

Nagiging senti lang ako.

Inaalala ang mga naging pangarap at pangakong pagbabago para sa sarili ko ng nakaraang taon. At sinusuri kung may mga naging pagbabago ba at kung may mga nagawa ba akong kabuluhan sa buhay ko.

Buwan ng Abril taong 2011.

Bagong resign ako noon. Bagong tanggap din sa trabaho.

Sa pagsalubong sa akin noon ng Abril ay bumuhos ang mga pagpapala sa akin ng Ama.

Mas magandang trabaho, mas malapit sa bahay.

Mas maraming time para maglingkod sa Diyos.

Mas naging malapit sa mga kaibigan at nagkaroon ng mga bagong kaibigan.

Nagawa ko ang gusto ko. Iyon ay ang pagsusulat, at nakakasalamuha ko na ang mga taong katulad ko din ang kinahihiligan.

Nakabili na ng sariling lupa at bahay. Ito ay para sa aking mga magulang.

At napakarami pang blessing na ipinagpapasalamat ko sa Ama.

At Abril 2011 din, katulad sa nagdaang mga taon, nangako ako na magbabago.

May natupad kaya?

Sa tingin ko naman ay mayroon.

Gumanda ako. (charot. bawal makapal mukha. ahahah)

Kidding aside, hindi ko na alam kung alin sa mga pagbabagong iyon ang nagawa ko.

Ang alam ko lang, may mga bagay akong nagawa na nakapagpasaya sa mga tao.

Mayroon ding pagbabago na habang tumatakbo ang mga araw ay natututo ako na tingnan muna ang sarili ko bago humusga ng ibang tao. Dahil lahat ng tao ay may kanya-kanyang karumihan. Hindi mo dapat husgahan sila dahil sa isang kamalian. Malay mo kasi, ganun ka rin pala, o kaya naman ay may mabigat silang dahilan kung bakit sila nagkaganoon.

In short, naging mabait na ako. Ahahah. Lakas trip talaga. Buti na lang hindi nagboblog mga friends ko, walang kokontra dito. heheh.

 

Ganyan talaga buhay, sa panahong tinatamad ako ay kailangan ko lang magsulat. Stress reliever ko rin ito.

At eto ang pinakadahilan ng pagiging senti ko.

 

ABRIL na po ngayon.

Gusto ko lang ipaalam.

Sa buwang ito ay sasapit ang kaarawan ko. πŸ™‚

 

β™₯ mhey β™₯

4-2-12

2:56pm

 

 

 

 

 

Advertisements

10 thoughts on “Anong Meron Sa Abril?”

  1. hey, mhey, naaliw ako sa about the author na nakalagay ay CPA pero qualified na but hates numbers, haha. ikaw na!

    maganda ang piyesa mong ito. and aliw naman, nakabili na kayo ng munting bahay at lupa, ang galing… e, di, ikaw na ang nakaipon, ahaha. ang proud siguro ng parents mo ‘no?

    hello, how’s summer? πŸ™‚

    1. hello..
      kasalukuyan akong nahihilo dahil 36 hours na akong gising.. sobrang busy sa work..
      ayoko talaga ng NUMBERS!!!!

      yeah.. proud sila.. ahekz..

      tara magkainan.. may konting handaan dito.. ahihih

      salamat sa muling pagbisita.

    1. ahahahah.. senti mood lagi ako pag abril.. πŸ˜›

      maraming slamat. invited ka sa aking kaarawan.. ahihihih

        1. ahahah.. sige2.. ipapadala ko sa LBC.. πŸ˜€

          i’m not getting younger.. waahhh
          twenteen two na ko.. ahihihih

Leave a Reply to sa saliw ng awit Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s