fries and float, MHEY'S LIFE STORY

Pag-ibig na Kay Bilis

“Cokefloat and medium fries po.” 

Sa tuwing papasok ako sa Mcdo at pagharap sa counter ay yan lang ang malimit kong orderin. Lalo na kapag trip ko lang kumain kapag galing ako sa isang nakakapagod na lakarin.

Mcdo, coke at fries. Bukod sa yun lang ang kaligayahan ko ay wala ng iba pa na espesyal tungkol sa mga bagay na ito.

Hanggang sa dumating ang punto na ang Mcdo ay tuluyang naging “love ko to” at nagkaroon na ng espesyal na ngiti sa pagbigkas ko ng “mcfloat at medium fries po”.
Yung tipong pagkabanggit pa lang ng “Mcdo” ay napapangiti na agad ako.
At alam ko na kailanman ay magiging bahagi na sya ng masayang ala-ala ko.

# #

Lunchbreak. 
Nagmamadali akong nag-out at lumabas ng office. Unusual day ito para sa akin dahil sa office ako talaga kumakain ng tanghalian.
May lalakarin kasi ako at kailangan kong magmadali dahil isang oras lang ang pwede kong gugulin kasama na dun ang pagkain.

Na-rush, naiinitan, naiinip, naiinis, nag-aalala sa oras. 
At sa mga ganitong pagkakataon, gusto ko ng pampalamig.

Float agad ang naisip ko. Paborito ko kasi yun lalo na pag sinamahan ng fries.
Nang matapos ang ginagawa ko, punta ako ng fastfood para kumain. Walang iniisip na anuman kundi ang makakain lang at makabalik na agad sa opisina.
Isang ordinaryong araw lang ng pagpasok sa Mcdo at pagkain ng mga paborito ko. Isang ordinaryong tanghalian kung saan mag-isa lang ako, nakakunot-noo.

Hanggang sa ang ordinaryong araw na yun ay maging hindi na ordinaryo.

“Kilala ko sya.” sa isip ay nasabi ko ng pagpasok ko ay makita ang isang lalaking naka-pormal ang suot.
“Sya nga.”, patuloy kong sabi sa sarili ko habang dahan-dahan akong lumalakad sa counter, wishing na mapansin nya ako at makilala rin.

And my wish come true!
Napatingin sya sa gawi ko. At ngumiti.

“Uy kamusta?”, bati niya sa akin na nakangiti.
“Ok lang po.” matipid na sagot ko na may alangang ngiti.
“Ano nga ba ulit name mo?”, tanong niya saken.
“Mhey po.”, nararamdaman ko sa sarili ko na unti-unti na kong nilalamon ng pagkamahiyain ko.
Hindi ko lang alam kung saan ko ba namana ang pagkamahiyain ko. Bakit ba ang bilis ko tumiklop sa mga taong hindi ko madalas makausap? Naaalangan ako makipag-usap kaya ayun, ang tanging nangyari ay ngitian lang.
Tinanong ko lang sya kung saan sya pupunta pagkatapos nya ko tanungin kung saan ako galing.
At naghiwalay na kami ng pwesto pagka-order.

Wala naman espesyal di ba?

Noon wala. Kasi ordinaryong pagkikita ng dalawang magkakilala lang ang nangyari.
Ordinaryo. 
Walang espesyal. 
Pero bakit hanggang ngayon iniisip ko pa rin?

“Hindi talaga ako sanay na makipag-usap sa di ko close. Mahiyain pa rin ako.”, sabi ko sa isang kaibigan at idinetalye ko sa kanya ang pangyayari.
Bigla syang tumawa pagkatapos at sa nanunudyong tingin ay nagkomento.
“Ayyiiee. Inlove ka na naman ano?”

Awtomatikong tumaas ang kilay ko.
“Pag ba nahihiya ako inlove na agad? Saka hindi ko yun masyadong kilala. Once ko lang sya nakausap.” depensa ko.
“Nakow. Ganyan ka rin nung nagkwento ka about sa guy na gusto mo noon.”, natatawa pa rin na sabi nito.

Hindi ko sya pinansin. Dahil totoo naman na wala akong gusto sa guy na nakita ko sa fastfood chain.

May hitsura naman sya, dahil lahat naman ng tao ay may hitsura. May hitsurang maganda at hindi maganda.
Gusto ko ang mata nya. Pati ilong. Maganda rin labi nya.
Haixt. Oo na nga. Crush ko na sya.
Normal lang naman na magkaroon ng crush.

Pero hindi lang iyon ang mga naging pagtatagpo namin.

Ilang beses ko pa syang nakita mula noon. At nalaman ko na, mabait sya.
Matalino. 
Magalang. 
Pino kumilos. 
Mga katangian na gusto ko sa isang tao.

At alam ko na hindi na ito ordinaryo.
May mga way naman para magkausap kami. Pero ayoko sya kausapin. At hindi rin naman nya ako magawang makausap.

Hayst. Ang hirap mag-isip. Bili muna ako ng float pamparelax.

Malapit na sya umalis, nalaman ko sa isang kakilala.
Hindi ko na ulit sya makikita.

Pumasok ako sa loob ng establishment at bahagyang nalungkot sa naisip ko.
Dahan-dahan akong naglakad patungong counter. Lumilingon at nagbabakasakali na muli kaming magtagpo dito.

“Cokefloat at fries.” 

Ang eksena noon ang muling sumagi sa isip ko.

Cokefloat. Masarap sya pero nauubos din. Gaya ng pagmamahal ko na nawawala ng mabilis pag hindi pinapansin.
Cokefloat. Nauubos man, binabalik-balikan ko pa rin at patuloy akong bumibili dahil ito ang gusto ko.

Ano kaya ang mangyayari?
Ang maubos o ang mananatili?

Magkagayunman, nasisiguro ko na ang ala-ala niya ay magiging paborito ko na laging magpapangiti sa akin.

# # #
03-24-12
10:43pm
float and fries
mhey’s lovelifeless story

akingpanulat

Advertisements

4 thoughts on “Pag-ibig na Kay Bilis”

  1. onga lahat may itsura. daing nga may itsura, dalawa pa. hahahaha juk

    babasahin ko palad mo…

    magkikita kayo ulet. at sa susunod, masmatagal na pag uusap nyo. yiheeee

    sa float at fries naman, madami ng naghikayat saken na masarap ang kombinasyon, pero ayaw ko talaga. hhaahhaha

    1. daing? o.O
      dalawa kasi hinati at binuka sya? ahihih

      waahhh.. sana tama ang pagbasa mo sa palad ko.. ahahahahah

      at masarap ung fries and float. nung bata kasi ako, napapagtripan ko na ung fires na i-dip sa ice cream.. hekzhekz

    1. aw..
      sadly wala pa.. 😦
      ahahahahah.. paalis na sya.. soon.. di ko alam kung magkikita pa kami ulit
      haixt. ganyan talaga.. they come and go.. 😀

Leave a Reply to marrymhey Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s