Thought On Board

It’s Never Too Late

Never take someone for granted. Hold every person close to your heart because you might wake up one day and realize..

.. you’ve lost a diamond while you’re too busy collecting stones..

Matagal syang napatitig sa “thought on board”. Ito ay parang thought for the week na nakapaskil sa isang bulletin board sa campus.

“Never take someone for granted..”, mahinang sabi nya at napabuntung-hininga.

Dati, tinatawanan nya lang ang thought of life na yun. Kabaduyan.. sabi pa nya sa kanyang “bestfriend” na syang may pasimuno nito. Ngunit ngayon, kaharap nya ito at para bang ipinapamukha nito sa kanya na mahalaga rin ito kung babasahim at iintindihin.

Para pa ngang nyang nakikita ang nakangiting mukha ni Emy, ang kanyang “bestfriend” na ngayon ay kaalitan na niya, habang pauli-ulit itong binabasa. Hindi nya mapigiling mapaisip kung para sa kanya ba talaga ito?

Nasa ganung kalagayan sya ng may tumawag sa kanyang pangalan.

“Cielo!!”

Napalingon sya at nakita si Mariz, kasama ang mga kaibigan nito. Kaklase niya ang mga ito at isa sa mga naging dahilan ng pag-aaway nilang mag-bestfriend.

“Sasama ka ba mamaya sa amin?” tanong nito na ngiting-ngiti.

“Hindi ko sure. siguro sisipot na lang ako mamaya kapag pwede ako.”

“Ah ganun ba? Sige. Asahan kita sa party ko ha?” sabi nito at naglakad na palayo.

Binigyan ni Cielo ng huling sulyap ang Thought on Board at umalis na rin.

Ngunit hindi pa sya masyadong nakakalayo ay nasalubong nya ang mga taong dati ay kasama niya kapag ganitong oras.. Si Emy, kasama si Rob, na matalik din nilang kaibigan. Kapwa sila tumigil sa paglalakad at nagtitigan. Gusto sana silang ngitian ni Cielo.. kamustahin.. Ngunit walang namutawi sa kanyang bibig. Alam niya na ganun din sila sa kanya. Kapwa sila nag-aalangan.

Napabuntung-hininga si Cielo sa muling pagkakataon at nauna na sa kanila sa paglakad. Pinipilit ikalma ang sarili at itago ang nararamdamang pananabik na makausap ang mga kaibigan.

Isang linggo na rin ang nakakaraan mula ng magkalabuan sila ni Emy. Isang desisyon na hindi pinag-isipan ang kanyang nabitiwan na hanggang ngayon ay kanyang hinihiling na wag nya sanang pagsisihan.

Ilang linggo na ang nakararaan pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat…

“May nagkakagulo.. Halika bilis. Tingnan natin.” nagkukumahog ang isang estudyante at sa pagmamadali ay nasagi nya si Cielo.

“Aray ko. Anu ba yun? May shooting ba?”, asar na reklamo nya sa kanyang bestfriend na inalalayan sya para di matumba.

Hindi sya sinagot ni Emy. Nagtaka sya sa kabadong mukha nito habang nakatingin sa malayo. Sinundan nya ang tingin nito. Mula sa di kalayuan ay unti-unti ng nilalapitan ng mga estudyante ang dalawang lalaki na nagsusuntukan habang pilit na inaawat ng ilang mga kapwa estudyante din.

Ngunit hindi iyon ang dahilan ng pagkabalisa ni Emy. Hindi na hinintay pa ni Cielo na magsalita ito. Tumakbo na sya papunta sa kinaroroonan ng gulo at tinatabig ang sinuman na nakaharang sa daanan.

“Tumabi kayo..” nagmamadaling sabi niya hanggang sa makalapit sa dalawang nagbabasagan ng mukha.

“Pwede ba itigil nyo yan!”, dali-daling pumagitna si Cielo sa dalawa dahilan upang mabitin sa ere ang isang suntok na papakawalan ng isang matipunong lalaki. “Kung gusto nyo mag-boxing dun kayo sa gym! Hindi dito sa ground! Nakakahiya kayong dalawa!”

“Cielo..” halos magkasabay pa na bigkas ng dalawang lalaki.

“Oo ako nga. Meron pa bang iba?”, naiirita niyang sagot sa kanilang dalawa.

Ngunit bago pa sya makapagtanong ay may isa nang faculty member na lumapit sa kanila. At gaya ng inaasahan, sa guidance office ang kanilang kinabagsakan.

“Galit ka ba?”.

Iyon agad ang bungad ni Rob ng magkita sila kinabukasan.

Hindi umimik si Cielo, tahimik lang syang naghihintay ng iba pang sasabihin nito.

“May naikwento na siguro sayo ang boyfriend mo.” dugtong ni Rob na may halong pag-aalangan.

Nang hindi pa rin sya nagsasalita ay bumuntung-hininga ito at tinitigan sya ng matiim.

“I’m sorry Cielo,” pagpapatuloy ni Rob. “Nagawa ko lang naman yun dahil…” pinutol na nito ang iba pang sasabihin.

“Dahil ano?”, hindi napigilang tanong ni Cielo.

“Wala. Pasensya na sa nangyari.” sabi na lang ni Rob na ikinadismaya ni Cielo.

“Yan ka na naman. Lagi ka naman ganyan eh.” tinatago ang inis na sabi nya sa kaibigan. “Kung may problema bakit di mo kaya sabihin sa akin. Hindi yung basta na lang kayo nagkakagulo.”

“Bakit.. Kung sasabihin ko ba? Maniniwala ka?” tanong sa kanya nito.

“So ibig mong sabihin, pinapanigan ko ang boyfriend ko?” di mapigilan ni Cielo ang pagtaas ng kanyang isang kilay.

“Oy, kayong dalawa. Tama na yan.” saka lang sumingit si Emy ng makaramdam na magkakaroon na ng tensyon. “Baka kung saan pa humantong yang pagtatalo nyo.”

“Wala akong sinasabi na pinapanigan mo yung lalaking yun. Natural lang yun dahil mahal mo sya. Pero sana lang, pansinin mo din ang pagiging concern namen,” hindi nagpapaawat na sabi ni Rob. “Hindi naman kami gagawa ng gulo kung walang mabigat na dahilan. Pero dahil nabulag ka na nya, ano pang saysay para sabihin namen yun sayo? Kami na naman ang mamasamain mo.”

Hindi maintindihan ni Cielo si Rob. Hindi nya alam kung ano ba ang gusto nitong iparating sa kanya.

“Ano ba talagang problema?” naguguluhan niyang tanong. “Meron ba kong hindi nalalaman?”

Hindi sya sinagot ng dalawang kaibigan.

“Fine. Kung ayaw nyo kay Troy. So be it. Wag muna tayong magkita-kita.”

“What do you mean Cielo?” nabigla si Emy sa pahiwatig na ito ng bestfriend.

“Narinig nyo ako di ba?”, matigas na sabi ni Cielo. “Alam ko naman na noon pa man ayaw nyo na kay Troy. Kaya sige, hindi ko na kayo pipilitin.”

Walang nakasagot kila Rob at Emy.

Hindi makapaniwalang nakatingin lang sila kay Cielo.

Maya-maya pa ay muling nagsalita si Cielo.

“Kaunting pabor lang naman ang hinihingi ko sa inyo. Ang maging masaya din kayo bilang mga kaibigan ko sa aming dalawa.” tiningnan ni Cielo ang dalawang kaibigan.” Ingat na lang.”

Walang lingon-likod na lumakad palayo si Cielo.

At iyon ang huling pakikipag-usap niya sa mga kaibigan.

Sa katagalan ay parang gusto nyang magsisi sa ginawa nya. Pero huli na ang lahat. Nasabi na nya ang kanyang nasabi. At kailangan nya itong panindigan. Tutal naman nagawa nya ito dahil sa boyfriend nyang si Troy.

# #

“Hon, may gagawin ka ba mamaya?”, tanong ni Cielo habang sabay sila ng bf na kumakain sa canteen.

“Bakit?”, simpleng tanong nito.

“Wala lang. Magpapasama lang sana ako.”

“Saan?”

Sandaling nag-isip si Cielo bago sumagot.

“Sa party ng isang friend. Pwede ka ba?”, sinadya ni Cielo na hindi banggitin ang name ni Mariz.

Nagpatuloy lang sa pagkain si Troy. Sa pagitan ng pagsubo ay sumagot ito sa kanya.

“Sensya na hon. May lakad kasi ako mamaya. Importante. Hindi kita masasamahan.”

“Ah ganun ba? Sige.”, walang bakas ng lungkot ang boses niya pero sa loob-loob ay nadismaya sya na hindi nya makakasama ang nobyo sa party.

Tumingin sa kanya si Troy.

“Sorry hon. Very important lang talaga pupuntahan ko. Hope you’ll enjoy the party.”, sabi nito na nakangiti.

Marahang tumango lamang si Cielo na nagpaskil ng isang pilit na ngiti.

# #

Hindi na sana pupunta pa si Cielo sa party ni Mariz. Pero wala syang magawa ng gabing iyon kaya heto sya. Pinipilit na pasayahin ang sarili sa gitna ng mga tao na ang iba ay kakilala niya at ang iba ay hindi.

Hanggang sa tuluyan syang mapagod at tinungo ang daan patungo sa garden lawn nila Mariz.

Naglilibot-libot sya, ninanamnam ang kapayapaan ng gabi habang ang mga tao ay nagkakagulo sa loob ng kabahayan, nang makarinig ng grupo ng mga nag-uusap.

“So anong gusto mong mangyari sa gabing ito?”, tanong ng isang babae.

Pamilyar ang boses nito kaya mula sa likod ng isang halaman ay sumilip si Cielo.

Si Mariz ang nakita niya kasama ang mga kaibigan nito.

“Wala naman.”, sabi ni Mariz. “Gusto ko lang na tuluyan na syang mawala sa landas namin.”

“Kaya mo ba ininvite dito si Cielo?”

Kinabahan si Cielo ng marinig nya ang kanyang pangalan. Mas lalo syang lumapit upang mas marinig ang usapan nila.

“Gusto ko lang mawala na sya ng tuluyan sa landas namin.”, narinig nya ang pait sa boses nito. “Tutal, nakuha na naman namen ang gusto namin kay Cielo. Thanks to her head kahit na madali pala syang utuin. We’re now making it to the top of the class!”

“So anong gagawin mo?”

“Manood na lang kayo.”

Nakita ni Cielo na lumakad ang mga ito papasok sa bulwagan.

Wala sa loob na sumunod sya sa mga ito.

Pagkapasok ay pumwesto sya sa isang sulok kung saan ay hindi sya masyadong mapapansin.

Nasa isip pa rin niya ang pinag-usapan nila Mariz at kung ano ang binabalak nito.

Ilang sandali pa ay may nakita syang pamilyar na mukha na papasok sa bulwagan.

“Troy?”, sa isip ay bulong niya.

Nagtatakang napaangat ang kanyang kilay. Akala nya ay may pupuntahan itong “mahalaga”.

Tumayo sya at lalapitan na sana ito ng may babaeng sumalubong kay Troy.

Para syang ipinako sa kinatatayuan ng makitang hinalikan nito ang kanyang nobyo.

“Hi babe! Why are you late?”, nakayapos na tanong nito kay Troy.

“I’m sorry baby. Kanina lang nakabili ng gift for you. And this.” sa pagkakayakap ng babae dito ay pinilit nitong ipakita ang hawak na mga bulaklak.

“Oh thank you love.”, at isang halik ulit ang iginawad nito kay Troy na muli namang ginantihan ng huli.

Nanikip ang dibdib ni Cielo sa nakita.

Ito pala ang importanteng pupuntahan nito kaya di sya magawang masamahan. Ngunit hindi yun ang kinakasama ng loob nya. Kundi ang nasaksihan ngayun-ngayon lang.

“Oh, Cielo. Andyan ka na pala?”, sabi ng babae pagharap at pagkakita sa kanya.

Noon lang parang natauhan si Cielo.

Si Troy naman ang natulala pagkakita sa kanya.

“Cielo, anong ginagawa mo dito?”

“I invited her.”, kaswal na sabi ni Mariz.

“Yeah.”, pilit na nilakasan ng bahagya ni Cielo ang boses. Pinipilit na huwag syang pumiyok. “Ikaw? Invited ka rin. You really surprised me Troy.” sa muling pagkakataon ay tinawag nya ulit ito sa pangalan.

“Hon. I can explain.”

Sa sinabing ito ni Troy ay parang may apoy na sumilab sa loob ni Cielo. Pero pinili pa rin nya ang maging kalmado lalo na at nakatingin na sa kanila ang lahat ng tao.

“Oh yeah. You’re good at explaining Troy. Lalo na sa mga kasinungalingan mo. Don’t worry, i’ll have time to listen at your excuses. But probably not now.”, kay Mariz sya tumingin. “Thanks for the party. I had fun. I think I gotta go now. My dad’s calling me. We’ll have a dinner date with a friend. See you tomorrow.”

Inilabas ni Cielo ang kanyang cellphone at nagkunwari na nagbasa ng isang txt message.

Naglakad sya palabas. Hindi alintana ang mga mata na nakatingin sa kanya.

Ngumiti sya ng mapatapat kila Troy at Mariz.

“Enjoy the rest of the night.”, at nagmamadali ng umalis.

Nang masigurong nakalabas na sya ay tumakbo sya. Pinakawalan nya ang kanina pa nag-uumalpas na luha mula sa kanyang mga mata at ang pag-iyak na nagpapasikip sa dibdib nya.

Para pa nyang narinig ang tawag ni Troy sa pangalan nya ngunit hindi sya nito sinundan dahil pinigilan ito ni Mariz. At isa pa, wala na rin namang mangyayari kung pipigilan sya nito.

# #

Pagkatapos ng klase ay nagmamadaling iniligpit ni Cielo ang kanyang mga gamit.

Pumasok din sya at hindi nya alam kung papaano pa nya nagawa ito pero ito sya ngayon, nagmamadali para iwasan ang mga taong nanakit sa kanya.

Ngunit nahuli sya ng pag-alis.

Lumapit si Troy sa kanya.

“Cielo. Let’s talk.”

Hindi tumitingin dito na nagpatuloy sya sa ginagawa. Nang matapos ay akma na syang lalabas ng pigilan sya ni Troy sa braso.

“Cielo. Let me explain.”

Tumingin si Cielo sa kamay nitong nakahawak sa kanyang braso pagkatapos ay tumingin sya dito.

“At anong i-eexplain mo?”, tanong niya sa malamig na tono. “Pwede ba Troy. Tigilan mo ako. Kung hihingi ka ng sorry, fine. But it doesn’t mean na ganun lang kadali makalimutan ang ginawa nyo.”

“Cielo mahal kita.”, sabi nito sa nagmamakaawang boses.

Muntik ng mapa-mura si Cielo sa narinig.

“Utang na loob Troy! Mahal??!! Ano ako? Bulag? Tanga ba tingin mo saken? Na pagkatapos ng nakita ko at narinig ay gusto mong paniwalaan kita? For heaven’s sake! Kilabutan ka sa sinasabi mo Troy!”

“Pero totoo yun Cielo. Mahal kita.”

May sasabihin pa sana ito ngunit pinutol na ito ni Cielo.

“Dati napapaniwala mo pa ako na mahal mo ako. Pero hindi na ngayon Troy. Cut it out! Ansakit na eh. Masyado ng malalim ang sugat na ginawa nyo. Hindi pa ba sapat yun?”, naramdaman niya ang unti-unting pagpatak ng kanyang mga luha. “Nagtiwala ako sa yo. Sa inyo. Minahal kita. Ipinagpalit ko ang mga kaibigan ko para sayo pero eto lang ang iginanti mo! Tapos ngayon may lakas ka pa ng loob na magsabing mahal mo ako!”

“Cielo..”

“Umalis ka na..”, sa mahinang tinig ay sinabi nya dito.

“Hindi…”

“Umalis ka na!”, pasigaw na nyang sabi kaya walang nagawa si Troy kundi ang umalis.

Naiwan si Cielo na umiiyak.

Nanghihinang napaupo siya at ibinuhos ang mga luha na akala nya ay naubos na nya kagabi pa.

Ilang minuto syang nasa ganoong kalagayan ng maramdaman nyang may dumamping kamay sa kanyang balikat.

Unti-unti nya itong nilingon.

Si Emy ang nakita nya.

Hindi ito nagsalita. May pag-unawang nakatingin lang ito sa kanya.

Hindi napigilan ni Cielo ang sarili. Lumapit sya kay Emy at sa muling pagkakataon ay umiyak sa mga balikat nito.

May pagsuyong inalo ni Emy ang kaibigan.

Matagal din sila sa ganoong tagpo at tahimik na pinapanood ni Rob sa isang tabi.

# #

Hindi niya alam kung papaano kakausapin ang mga kaibigan. Hindi niya maisip kung papaano sisimulan ang pag-uusap.

Kanina pa sila naglalakad. Siya, si Emy at si Rob.

Tiningnan niya ang mga kaibigan. Kahit kailan ay hindi nagkamali ang mga kaibigan niya sa mga pagpapa-alala sa kanya. Sya lamang itong matigas ang ulo.

“I’m sorry.”, basag niya sa katahimikan.

Sabay na napatingin sa kanya si Emy at si Rob.

Ngumiti sa kanya si Emy.

“Hindi mo kailangan mag-sorry. Naiintindihan ka namin.” sabi ni Emy. “Nagmahal ka lang. Nagtiwala. Hindi mo naman talaga ginusto ang nangyari. Naiintindihan namin na mahirap talagang magdesisyon pag mahal mo na sa buhay ang mga sangkot.”

“Pero nagkamali ako ng piniling panindigan.”, nahihiyang sabi ni Cielo.
“Tulad ng sinabi ni Emy. Normal lang yan kapag nagmamahal ka.” si Rob naman ang nagsalita.

Hindi na nakasagot pa si Cielo. Ramdam nya ang sinseridad at ang pagmamahal sa kanya ng mga kaibigan.

“Salamat.”, ang tanging nabigkas niya. “kahit hindi nyo man gusto, patawad sa hindi ko pagtitiwala sa inyo. Masyado akong nabulag ng pagmamahal. Nakalimutan kong higit sa lahat pala ay may mga kaibigan akong lalong mahalaga sa buhay ko. Mga tao na totoo at malalapitan ko sa oras na wala na kong ibang matatakbuhan bukod sa pamilya ko.”

Pinahid ni Emy ang mga luhang nagsisimula na namang pumatak sa kanyang pisngi.

“Kailan ka pa ba naging iyakin?”, natatawang tanong ni Emy. “Kanina ka pa iyak ng iyak. Hindi bagay.”

Ngumiti si Cielo.

“I miss you friend.” sabi ni Cielo.

“I miss you too.” nakamgiting sabi ni Emy. “Na-miss ka namin ni Rob.”

Magaan ang loob na nagpatuloy na sila sa paglalakad.

“Kamusta naman kayo? May bago ba?” naisip na itanong ni Cielo.

Nakita nya na nagtinginan si Rob at si Emy. Nagtaka sya ng parang nag-usap ang dalawa sa tingin at ngumiti ng kakaibang ngiti si Emy.

“Oi. Anu yan? May dapat ba akong malaman?” tanong ni Cielo.

“Wala.” si Rob ang sumagot.

“Ahla. Ano yun?” si Emy ang binalingan niya.” Ano yun Emy?”

“Si Rob ang tanungin mo.” sabi ni Emy na natawa nang mabilis na naglakad si Rob.

“Teka sandali!”, nagsimulang bilisan ni Cielo ang hakbang.

Nadaanan nila ang bulletin board kung saan nakalagay ang “thought on board”.

Saglit na napatigil si Cielo at muling binasa ang nakalagay dito.

“Never take someone for granted. Hold every person close to your heart because you might wake up one day and realize..

.. you’ve lost a diamond while you’re too busy collecting stones..”

Muli syang napangiti dito.

“I’m now getting back my diamonds.” mahinang usal sa sarili.

Pagkatapos ay ipinagpatuloy ang paghabol sa dalawang kaibigan na nagtutuksuhan na.

Nakaamoy si Cielo na may dapat syang malaman mula sa dalawa.

At sa kanyang pagbabalik ay may bagong kabanata na mabubuksan na maaaring magpabago sa kanilang mga buhay.

# # #

this story was written when i’m still in college

akingpanulat

4 thoughts on “It’s Never Too Late”

  1. i remember back on my high school days, i also wrote a story entitled “it’s never too late”.. an assignment for our English subject actually.. but the plot was more on love story.. fictional in a sense..

    1. ahm.. opo.. aheheheh.. hilig lang talaga.. 😀

      sure po.. sagutin ko ung questions pag di na ko busy.. 🙂
      Godbless ^_^

Leave a Reply to jaime Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s