Heart-felt Stories, SHORT STORIES

The Untold Tale of a Father

“Ang anak, kayang tiisin ang magulang, ngunit ang magulang ay hindi kailanman kayang tiisin ang kanyang anak.” 

Madalas ko itong marinig noon pa man. At sa pag-oobserba ko at tagal ko ng namamalagi sa mundong ito, napatunayan ko na totoo ito.
At bilang isang patunay ay ibabahagi ko ang kwento na buhat sa aking malawak na imahinasyon. 

* * *

Isang nakabibinging katahimikan ng buong kabahayan ang bumati kay Jewel ng umaga na iyon. Kaiba sa katahimikan ng nakaraan, ngayon ay tila lalong nawalan ng buhay ang dati na nilang tahimik na tahanan.
Sa malalim na pag-iisip ay tinungo niya ang kusina at doon ay nakita ang kanyang ama na nakaupo sa hapag-kainan habang nagbabasa ng pahayagan.

Tumingin ito sa kanya ng maramdaman ang kanyang paglapit.

Sulyap lang at muli nitong itinuon ang paningin sa binabasa.

Hindi magawang batiin ni Jewel ng isang magandang umaga ang ama gaya ng kanyang nakagawian.
Napabuntung-hininga na lamang siya at itinuloy ang binabalak na gawin.

Parang hindi magkakilala ang dalawa sa ginagawang hindi pagpapansinan.

Maya-maya ay nagawa na ring magsalita ni Jewel.

“Dad,” sa mahinang tinig ay bigkas niya.

Bahagyang umangat ang ulo ni Mike para tingnan ang nagsalitang anak.

“Hindi ako uuwi mamaya. Dun ako kila Yen matutulog. May tatapusin lang kaming project.” pagpapaalam ni Jewel.

Hindi sumagot ang kanyang ama.
Ibinaba lang nito ang hawak.

“Ikaw ang bahala. Mag-iingat ka.” sabi lang nito at tumayo na.

Naiwan si Jewel na sinusundan ng tingin ang papalayong ama.
Hindi nya alam kung ikatutuwa ba nya ang pagpayag nito na mag-overnight sya sa bahay ng kaibigan.
O masasaktan sa ipinakita nitong pagwawalang-bahala.

Pero iyon ang gusto niya.
Malinaw sa kanyang ala-ala na iyon ang isinumbat niya sa kanyang ama kagabi ng magtalo sila.

She sigh as she recalled what had happened yesterday.

Ginabi sya ng uwi ng hindi nagpapaalam. Kaya naman galit na hitsura ng kanyang ama ang nadatnan niya pagka-uwi.
Nagkaron sila ng sagutan. At alam nya na isang pagkakamali ang nasabi niyang mga salita sa kanyang ama.

“Dad naman! I’m big enough para mag-alala ka ng sobra gaya noong maliit pa ako! Wag nyo na akong higpitan. Kaya ko na ang sarili ko!” sabi ni Jewel na may tonong mas mataas pa sa ama. 
“Aba’t nangangatwiran ka pa!” tumaas ang isang kamay ni Mike ngunit nanatili lamang ito sa ere na para bang may pumigil dito. 
Dahan-dahang ibinaba ni Mike ang kamay. 
Pagkatapos humugot ng malalim na buntung-hininga ay nagsalita ito sa malumanay na tinig. 

“Sige. Kung yan ang gusto mo. Hindi na kita pakikialaman. Pwede mo ng gawin ang anumang gusto mo.”

Kahit anong gusto ko… mahinang usal ni Jewel.

Bigla ay bumangon muli ang sama ng loob na nararamdaman niya sa kanyang ama.
Mula noong bata pa sya ay hindi ang gusto niya ang nasusunod kundi ang gusto ng kanyang ama.
Mula sa mga kaibigan at mga kalaro niya, hanggang sa pag-aaral, ang kanyang ama lang ang nagdedesisyon.
Para bang hawak nito ang kanyang buhay.
Commander ang tawag niya rito sa tuwing naiinis sya kapag hindi pinapayagang gumala kasama ang mga kaibigan. Pakiramdam niya ay nasasakal siya. Bagay na gusto niyang baguhin nito.
Masyado itong protective, gaya ng isang ina.

Napatingin si Jewel sa larawan ng isang babae na nakasabit sa dingding ng bahay nila.

“Mom, kung buhay ka kaya ngayon, ganyan pa rin kaya si daddy?” tanong niya na para bang sasagutin siya nito.

Ilang araw ang lumipas na nagpatuloy ang walang kibuan nilang mag-ama.
Sa umaga ay tahimik silang kumakain. Sa gabi naman ay nadadatnan na lang ni Jewel na nakahanda ang kanyang hapunan. Hindi gaya noon na sabay sila ng kanyang ama na kumain.

Hindi na rin sya kinukulit ng tawag ng ama sa tuwing ginagabi siya ng uwi.
Pinanindigan ni Mike ang sinabing hahayaan na nya si Jewel na gawin ang anumang nais nito.

Kaya naman laging nagpapagabi ng uwi si Jewel.
Pagkatapos ng klase ay pumupunta muna siya kila Yen.

“Hindi ka ba hinahanap ng mama mo?” 

Napalingon si Jewel sa babaeng nagsalita mula sa kanyang likuran.
Ang tita ng kaibigan ang kanyang nalingunan.
Nginitian niya ito.

“Wala na po akong mama. Baby pa lang po ako, nung namatay sya.” sa mahinang tinig ay sagot nya dito.

Sanay na si Jewel sa mga ganung katanungan. Ngunit hindi pa rin maiwasan na makaramdam sya ng lungkot sa tuwing mapag-uusapan ito.

“I’m sorry,” hinging-paumanhin nito. “tinanong ko lang dahil lagi ka kasi ginagabi dito. Baka lang lagi syang nag-aalala sayo.”

“Ok lang po.” tanging sagot ni Jewel.

Umupo sa tabi nya ang tita ni Yen na nakilala nyang si Yana.

“Ang dad mo. Hindi ka pa ba nya hinahanap?”, muli ay tanong nito.

“Hindi naman po ako pinapakialaman ng dad ko. Ok lang sa kanya kahit gabihin ako. Siguro di na sya nag-aalala sa akin.”, sabi niya at dinugtungan pa ito ng, “hindi naman ako mahal ng daddy ko.”

Ngumiti si Yana sa kanya.
“Pano mo naman nasabi na hindi ka nya mahal?”, tanong nito.

“He’s never been a father to me. Lahat na lang ng gusto nya, yun dapat ang gawin ko. Commander sya, hindi tatay. Masyado syang mahigpit na kahit hindi ko yun gusto, kailangan yun pa rin ang sundin ko. Wala ba kong karapatang magdecide para sa sarili ko? Kinokontrol nya buhay ko. At ayoko na ng ganun.” may hinanakit na sabi niya. “Hindi ko alam kung bakit ganun sya sa akin. Sinisisi ba nya ako sa pagkamatay ni mommy? Eh di sana ipinaampon na lang nya ako. O kaya iniwan na lang nya ko kila lola. Nakaya ko naman mabuhay ng walang ina. Kakayanin ko rin mabuhay ng walang ama.”

Naramdaman ni Jewel ang pagpatak ng kanyang mga luha. Kasabay nun ay ang paglapat ng kamay ni Yana sa kanyang likod.

“Ok lang yan. Sige, ilabas mo yan. Makakatulong yan sayo.”, sabi nito sa mapang-along tinig.

Panandaliang katahimikan ang namayani habang si Jewel ay tahimik na lumuluha.
Maya-maya ay nagsalita si Yana.

“Meron akong kaibigan. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita dahil nga nangibang-bansa ako. At nitong pag-uwi ko, nagkita kami ng di sinasadya.” kwento ni Yana. “Gusto kong ikwento sayo dahil katulad ng daddy mo, isa rin syang single father.”

Nakatingin lang si Jewel kay Yana. Para bang sinasabi nito na ituloy lang ang kanyang ikinikwento.

“Nagkumustuhan kami. Gaya ng ginagawa ng mga magkakaibigan na muling nagtatagpo. Kinumusta ko sya at ang anak nya. At yun, sinabi nya sakin na hindi madali maging single father. He’s trying his best to become a father to his child, giving her all that he thought was the best. Protecting her precious jewel. But then, hindi na pala tama ang ginagawa nya.” Yana paused and think for a while. “well I guess, para sa kanya hindi na tama ang mga ginawa nya.”

Tumingin si Yana kay Jewel. Gusto niya na maintindihang lubusan nito ang mga sasabihin nya.

“Coz I have a father na katulad din niya. Although hindi single father coz our mom’s still alive, napaka-strict nya. Lahat ng sinasabi niya ay batas na kailangan naming sundin. Maraming bawal, maraming gusto namin na hindi pwede. Like what you said, commander sya. Parang ganun.” Yana sigh. “Muntik na nga ko magrebelde dati dahil sa sobrang kahigpitan niya. Siguro mga kasing-age mo rin ako that time. Napigilan lang ako ni mama.”

Napapangiti si Yana sa mga ala-ala nya noong nabubuhay pa ang kanyang ama.

“Ganyan talaga ang mga kabataan. Iniisip kasi natin, yung gusto natin. We always want to be free. Walang restrictions, walang limitations. We were overcome by our emotions na hindi na natin nakikita ang magandang dahilan kung bakit sila ganun sa atin.”

Yana smiled at Jewel.
“Hindi ka nya pinaghihipitan Jewel. Your father never meant to make you feel na pinaghihigpitan ka nya. Katulad din ng lahat ng tatay sa mundo. They’re just protecting us. Hindi sila kasing vocal ng mga nanay, but we are dearly loved by our father. Kaya lahat ng makabubuti para sa atin, yun ang gusto nilang gawin natin. Sinasabi ko to dahil narealize ko lahat ng yun nung times na i have to live independently. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakasama mo ang mga magulang mo. Ang makakasama mo lang ay ang mga values na itinuro nila sayo at inabsorb mo.”

“Darating ang araw na pasasalamatan mo sya dahil isa sya sa pumili ng mga nilalakaran mo kaya ka nagtagumpay. Na hinubog ka nya sa isang disiplinadong paraan kaya tinitingala ka ng iba sa kakaiba mong disiplina. And most of all, father taught their children to become strong. Na makakatulong para makayanan mo ang anumang pagsubok na darating sa buhay mo.” pagpapatuloy ni Yana. “Katulad ng Diyos na ama nating lahat, gusto lang nila ang lahat ng makabubuti para sa kanilang mga pinakamamahal. I’ve cried a lot ng mamatay ang papa ko. Dahil malaki ang naging part nya kung ano ako ngayon. At hindi mali ang pagpapalaki nya sa akin. Ako ang nagkamali noon sa hindi ko pag-intindi sa pagmamahal nya.”

Bawat salita ni Yana ay tila isang palaso na tumatama sa puso ni Jewel. Dahilan upang patuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha.

“Mahal ka ng papa mo. Kung hindi, bakit ka nya pinagtyagaan na alagaan mula noong maliit ka pa? Binibilhan ka ng mga bagay na nakakapagpasaya sayo. Gumagamot sa mga sugat mo noong bata ka pa. At isinasantabi ang pansariling interes para sa kapakanan mo.” pinahid ni Yana ang mga luha sa pisngi ni Jewel. “Talk to your dad. Communication ang kulang sa inyo. Hindi masosolusyunan ang isang bagay sa ganyang paraan. Lalo lang lumalaki ang misunderstanding. Learn to look beyond for his purpose. Doon mo makikita ang pagmamahal na hinahanap mo mula sa iyong ama.”

# #

Agad na lumibot ang mata ni Jewel sa kabahayan pag-uwi nya mula kila Yen.

Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga kasiyahan nila noong bata pa sya.
Sa isang sulok ng sala ay nakapwesto ang isang piano na regalo sa kanya ng kanyang ama pagtuntong niya ng pitong taon. Ang daddy rin niya ang nagturo sa kanyang tumugtog nito.
Ang dingding ng tahanan nila ay nababalot ng mga larawan.
Photography ang isa sa hilig ng kanyang ama. At hindi nito ipinagdamot sa kanya ang talento nito sa pagkuha ng larawan. Sa katunayan nga ay ilang beses na syang naging outstanding photojournalist mula pa noon.
At base sa mga nakasabit, siya ang paboritong subject ng kanyang ama. At paminsan-minsang silang dalawa na magkasama sa mga kuhang ginamitan nila ng timer.

Ngayon niya lubos na natiyak na hindi sya gaanong nangulila sa ina dahil sa pagmamahal at atensyong ibinuhos saa kanya ng kanyang ama.

Magaan ang loob na pumanhik siya sa itaas at tinungo ang silid ng kanyang ama.

Marahan syang kumatok sa pinto. At marahan itong pinihit pabukas ng walang sumagot.

Bukas ang ilaw ng silid at sa isang gilid malapit sa bintana, nakita niya ang ama na tulog na nakasandal sa couch.

Napapansin nya sa kanyang gabi-gabing pag-uwi na laging nakabukas ang ilaw sa silid nito. Ayun pala ay lagi sya nitong hinihintay sa pag-uwi. Tinitigan niya ang kanyang ama. Hindi na ito bumabata. Nagkakaroon na ito ng mga puting buhok at nabakasan nya na ilang araw na rin itong hindi nag-aahit.
Kakaisip siguro sa kanya. Bigla ay nakaramdam sya ng guilt.

Bago pa sya makalapit dito ay nagising na ito. Tila nakaramdam na may tao sa paligid. Bahagya pa itong nagulat ng makita siya.

“Anak. Andyan ka na pala. Kumain ka na ba?”, tanong agad ni Mike sa kanya.

Hindi sumagot si Jewel. Tumabi sya sa kanyang ama at niyakap ito.

“I’m sorry dad. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko. I’m sorry kung nagalit ako sayo. Sarili ko lang kasi ang iniisip ko. Hindi ko naisip na mahal mo ako kaya ka ganun sakin. Hindi ako naging mabuting anak. I’m really sorry.”

Bahagyang natigilan si Mike sa inasal ni Jewel. Ngunit ng lubusang maintindihan ito ay lumuwag ang kanyang pakiramdam. Ilang araw na ring hindi matahimik ang kanyang kalooban dahil sa alitan nilang mag-ama. Gusto nya itong kausapin ngunit nag-aalangan syang baka hindi sya nito maintindihan at tuluyang lumayo sa kanya ang kaisa-isang anak.

“Ssshhh. Ako ang dapat na humingi ng tawad sayo.”, hinaplos niya ang likod ng umiiyak na si Jewel. “sa kagustuhan ko na mapabuti ka, hindi ko man lamang naisip na malaki ka na pala. Hindi na ikaw ang Jewel noon na kinakarga ko sa likod ko. Na maliit na Jewel na tinuturuan ko. Dalaga ka na. Malaki na at may mga sariling desisyon. Kamalian ko rin na pagdesisyunan ko ng ako lang kung magiging sino ka. Suhestyon lang at pagpapayo dapat ang sa akin. Dahil may sarili ka ng pag-iisip.”

Marahang tinanggal ni Mike ang pagkakayakap ni Jewel sa kanya, at masuyong pinahid ang mga luha nito.

“Nami-miss ko ang Jewel noon na laging may itinuturo sa akin para kuhanan ko ng litrato. Yung awtomatikong ngumingiti kapag sa kanya ko itinututok ang lente ng camera ko. Yung pinakamahusay kong cheerer kapag naglalaro ako ng basketball. Ang Jewel na taga-ihaw ko ng mga huli kong isda pag namimingwit tayo. Nami-miss ko yung Jewel na umiiyak sa tuwing may sakit ako at tinatawagan ang lola nya para may katulong sya na alagaan ako. At hinahanap ko ang Jewel na umaakyay sa kama ko sa madaling-araw, hinahalikan ako sa pisngi at kinakantahan ako ng happy birthday, ang pinakamagandang regalo na natatanggap ko sa aking kaarawan. Ang Jewel ko na kaisa-isang kasiyahan ng buhay ko. Na ibinigay sa akin ng Panginoon na kapalit sa isang mahal ko na binawian Niya ng buhay.” nakangiti si Mike sa kanya ngunit katulad ni Jewel ay tumutulo din ang luha nito. “Ngayon, nandito pa rin ang Jewel ko. Ngunit hindi na bata tulad ng dati. Dalaga ka na anak. At hindi na dapat kitang ituring na bata. Patawarin mo ako Jewel.”

“Namiss ko rin ang daddy ko na pinapalo ako dati pag umaalis ng bahay na hindi nagpapa-alam at nakikipaglaro sa kabilang kanto. Yung hinahayaan akong umakyat ng puno pero takot na takot na mahulog ako.”
Nangingilid sa luha ngunit nakangiting sabi ni Jewel habang ina-alala nilang mag-ama ang masasayang pangyayari ng kahapon.

# #

Masaya ang mood sa bahay nila Jewel ng umagang yun.
Paglabas pa lang ng kwarto ay 80’s na music na ang kanyang narinig.
Nagtuloy siya sa kusina at nakita ang ama na masyang naghahain.

“Naks japorms ka ngayon dad ah. May ka-date?”, lumapit siya sa ama at dinampian ito ng halik sa pisngi. “Goodmorning gwapo kong daddy.”

“Yan ang na-miss ko sayo. Ang pambobola mo.”, natatawang sabi ni Mike. “good morning my Jewel.”

Sabay silang naupo ng ama.
Habang hinahainan sya nito ay tiningnang maigi ni Jewel ang ama.
Gwapo pa rin ito kahit may edad na. Bumata nga ito kumpara kagabi na hindi ito nag-ayos.

“Dad, bakit hindi ka kaya mag-asawa ulit?”, tanong ni Jewel na muntik ng ikasamid ni Mike.

“Anak naman, bakit ngayon pa? Sana noong maliit ka pa.”, natatawa nitong sabi. “At saka, nag-iisa lang ang mommy mo sa puso ko.”

Nag-isip si Jewel maya-maya ay may na-alala.

“Dati may nabanggit si tito. May bestfriend ka daw di ba dad? At yun daw love mo dati before si mommy. San na sya? Sabi ni tito, wala pa daw yun asawa till now.”

Lalong napatawa si Mike.

“Si Yana?”, napansin ni Jewel ang kakaibang ngiti nito. “hindi ko alam ‘nak. Teka nga, kumain ka na nga lang. Ikaw nirereto mo ako.”

“Sinong Yana daddy?”, pagtatanong ni Jewel dahil sa pamilyar ito sa kanya.

“Yana Evangelista.” patuloy sa pagkain na sagot ni Mike.

Evangelista..
Ang apelyido nila Yen ay Evangelista. At ang tita nito na nakausap nya ay si Yana.

Muli ay na-alala ni Jewel ang ilan sa mga sinabi nito.
“isinasantabi ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan mo.”

Napatingin si Jewel sa ama at di sinasadya na lihim siyang napangiti.

# # #

03-11-12
8:39 pm

akingpanulat

Advertisements

18 thoughts on “The Untold Tale of a Father”

  1. napaluha ako habang binabasa ko ito.. eh nasa office ako, buti na lang malaki ang bimpo ko para hindi mahalata ng katabi ko.. kaya lang di ko matago ang pag singhot.. nagkunwari tuloy akong may sipon… a very touching story…

    1. hahahah.. ako naman natawa sa comment.. 🙂

      yiieehh.. salamat po. 🙂
      hndi ko alam kung saan ko nahugot yang pagsulat na yan pero naiiyak din ako pag binabasa ko yan pati ung isa kong sulat na katulad nyan. 🙂

      i just want to inspire others. ^_^

      Godbless.
      ingat po. 🙂

  2. Admiring the persistence you put into your site and in depth information you provide. It’s good to come across a blog every once in a while that isn’t the same outdated rehashed information. Wonderful read! I’ve bookmarked your site and I’m including your RSS feeds to my Google account.
    My blog is on Back Pain Relief.

    1. hi neck pain relief (the person behind that penname) 🙂

      thank you for dropping by and for the comment .. 🙂
      and thank you also for bookmarking my site. i really appreciate it.

      i’ve visited your blog. nice useful info 🙂
      hope to visit it more often despite of a super busy sched.

      Godbless ^__^

    1. hello pointless paranoia.. 🙂
      i’ve been to your blog but hindi ko makita ang about the author.. heheh

      thanks po sa pagbisita at sa maganda pong comment..
      Godbless

  3. Good blog post, nice efforts. It couldn’t appear to have been penned any better. Reading this article piece of writing reminds me about my old boss! He usually kept babbling about this. I will email this post to him. Pretty confident he will probably have a high-quality read. Appreciate your posting!
    Ahighbloodpressurediet.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s