Mga Kwentong Online

Kwentong Online 2: Long Distance Relationship

*Minsan may bagay na pilit mong hinahanap sa iba, at nakakatuwa na sa kahahanap mo, mapupunta ka pa rin sa inayawan mo nung una.. Ngunit matatanggap mo pa ba ito kung nagkubli siya sa ibang katauhan para lang sa ‘yo?*

Philip Mishra went from being “single” to “in a relationship”

Napukaw ang interes ni Shane sa status update na ‘yun. Kaagad n’ya ‘tong ni-like at nagcomment s’ya.

“Sinu ang kawawang babae?, este lucky girl pala :P”

Na-excite s’ya sa magiging comment nito.

‘Ikaw.’

comment ni Philip pagkaraan.

Shane: Hahah. Pasaway ka. Baka online gf mu. Magselos pa saken yun.

Philip: Hindi yan. Alam nya na sya ang only one ko at ikaw shenget ay paningit lang.

Natawa s’ya ng mabasa ang tawag nito sa kanya. Magcocomment pa sana s’ya ng mag-appear ang pangalan nito sa chatbox.

Philip: oi shenget!, long time no hear ah

Shane: oh nga eh., busy kasi.

Philip: busy sa pag-uupdate ng status?

Shane: hahah., kasama na rin un. πŸ˜› kamusta ka na?, may lablayp na oh., nakz naman phiyat.. Hahah

Philip: Iba talaga pag gwapo. πŸ˜›

Shane: hahah., ang kapal mu talaga.. eh sinu ba gf mo?

Philip: di na ko payat. Macho papa na to.

Shane: talaga lang ah.. Macho…. Palito??? Hahahah

Philip: hahah., ayaw mu na naman maniwala., ikaw ba shenget kamusta na? ok ba kayo ng bf mo?

Shane: pano mo nalamang may bf ako?

Philip: ay, nabawasan ang katalinuhan mo shenget? Ayun oh, nakalagay, in a relationship with Farnan Martin..

Shane: hahah, alam ko. Now I know, tumitingin ka sa profile ko. πŸ˜›

Philip: napatingin lang ako :P.. so, kamusta ang bf mo?

Shane: ok naman sya.. Mabait., yun nga lang di pa kami nagkikita..

Philip: ganun?, teka video chat tayo. Kwentuhan mo ko πŸ˜›

Hindi na nakatanggi pa si Shane ng ivideo-call s’ya nito. Nabigla pa s;ya ng bahagya ng makita si Philip sa video.Gwapo na ito noon pa, pero ‘mas’ gwapo ito ngayon.

“Naka-contacts ka? Nakz. Ang gwapo mo ngayon ah” nakangiting sabi ni Shane.

“Ikaw lang naman walang bilib saken eh, di ba sabi ko sa’yo macho na ko.” tumatawang sabi ni Philip.

“Hahah. Kaya ba may nabingwit ka na kasi gwapo ka na ngayon Phiyat?”

“Hahah. Di ba ikaw ang magkkwento ngayon? Ba’t ako tinatanong mo”, inulit nito ang tanong. “Kamusta kayo ni Farnan?”

“Ok naman kami. Yun nga lang, LDR. Saka di pa nga kami nagkikita.” kwento ni Shane.

“Hala ka. Baka mas gwapo pa si Mang Tano dun. Hahah.”

Napatawa si Shane. Ang tinutukoy kasi ni Philip na Mang Tano ay ‘yung bungi at panot na nagtitinda ng kung anu-anong mga alahas na tigsasampu malapit sa school nila dati.

“OA ka naman Phiyat! Hahah. Cute naman pics n’ya ah.”

“Pano kung puro DL lang pala un?”

Sandaling hindi umimik si Shane. Bigla ay sumeryoso ang mukha n’ya.

“Ah basta. Nagpromise naman s’ya sa’ken na uuwi na s’ya next month dito sa Pinas. Magkikita kami at may sasabihin s’ya saken.”

“Hahah. Pikon ka pa rin shenget?” Iniba na ni Philip ang topic dahil naka-amoy na ito na nag-iba s’ya ng mood.

Highschool buddies si Shane at Philip. Ang magpartner sa Romeo and Juliet na musical stage play. Akala nga ng lahat ay magiging sila noon. Ngunit hindi nangyari dahil hindi gusto ni Shane si Philip. May pagkamaangas kasi ang binata, bagay na ayaw ng dalaga. Nayayabangan s’ya dito minsan. Kaya naman hanggang matalik na magkaibigan lang sila. Best buddies, partners in crime, at kung anu-ano pa. Masayang kasama si Philip at yun ang isa sa mga katangiang nagustuhan n’ya dito. Walang oras na hindi masaya kapag kasama ito. Pero syempre, hindi mawawala ang pikunan.

“Ang yabang mo! Genius ka man sa tingin ng iba, para sa’ken malabo pa rin ang iyong mata! Phiyaaaattttt!!!!!” naalala pa ni Shane na sinabihan n’ya ng ganyan si Philip nung minsang mag-away sila.

Ngunit away-bati man, solid pa rin ang samahan nila na naputol lang nung nag-migrate sila Philip. Matagal din silang nawalan ng komunikasyon. Salamat sa fb at muli silang nagtagpo. Pero hindi na katulad ng dati, minsan na lang sila magkumustahan. Minsan nga ay hindi na. Ngayon na lang ulit sila nakapagkwentuhan at natutuwa si Shane dito. Kahit papaano ay namiss din n’ya ang kaibigan.

* * *

Farnan: hon

Nagising ang diwa ni Shane ng mag-appear ang name ng bf n’ya sa chat.

Shane: hello hon πŸ™‚

Farnan: bakit gising ka pa? Di ba sinabihan na kita na wag ka na magpupuyat. Akala ko pa naman matutulog ka na nung maggudnyt ka kanina.

Shane: i’m sorry hon. I need to pass this report 2m. Nirurush na ko ni boss eh., promise after this di na ko magpupuyat..

Farnan: ok, promise mu yan ah. Kumain ka muna.

Shane: midnight snack? O_o. Ayoko nun hon. Nakakataba yun eh.

Farnan: ok lang un hon., ur still beautiful tumaba ka man. Kesa naman magkasakit ka dahil sa gutom.

Shane: how sweet naman ng bf ko.. Kaya labs na labs kita.. :*

Farnan: I love u more hon. Concern lang ako sayo.. Sige na, baka nakakaistorbo ako.. After that sleep ka na ah.. Goodnight love :*

Nag-offline agad ito. Pero alam ni Shane na hindi ito naglog-out.

Si Farnan, bf n’ya. Nakilala n’ya ito sa isang fb group na sinalihan n’ya. Isa sa mga kakulitan n’ya gabi-gabi. Naging close sila. Nadevelop s’ya dito at ito sa kanya kaya naging sila. Alam n’ya na kabaliwan ang mahalin ito dahil hindi n’ya ito personal na kilala. At hindi nga rin s’ya sigurado kung totoo ba ang identity na ginagamit nito. Pero hindi naman ang katauhan nito ang minahal n’ya kundi ang mga katangian nito. Sweet, thoughtful, caring.. at iba pa na hinahanap ng isang Shane sa isang lalaki. Iyan si Farnan. At isa pa, para bang matagal na niya itong kakilala. May mga bagay itong alam tungkol sa kanya kahit na hindi n’ya ito sinasabi dito. Hindi na lang n’ya masyadong pinapansin dahil baka nagtatanong lang ito sa mga kaibigan n’ya gaya ng pagtatanong n’ya sa mga kaibigan nito.

Nang matapos sa ginagawa ay nagshare s’ya ng status.

Shane

done! Makakatulog na rin ako! πŸ™‚

Philip Mishra commented on your status.

Naudlot ang pag-out n’ya ng makita ang notification na yun. Agad n’ya itong binasa.

Philip: natutulog ka pala.. hindi halata πŸ˜›

Shane type her comment

‘hahah., magagalit si bf kaya need kong matulog, :P’

Philip: ganun? Matutulog ka lang dahil magagalit bf mo? Di ba dapat para di na lumaki eyebags mo? Hahahah

Shane: ang yabang mo talaga phiyat. πŸ˜›

Tuluyan ng nalibang si Shane sa pakikipagkulitan kay Philip. Naalala lang n’ya matulog ng mapatingin sa orasan. 3am na!

Shane: oi phiyat. I need to sleep na. Lagot na naman ako kay Farnan. Goodnight. πŸ™‚

Philip: ok. Goodnight shenget

Philip: aylabyu

Hindi na napansin ni Shane ang huling comment ni Philip. Nakaramdam na s’ya ng pagod at antok ng makahiga na s’ya. Ngunit bago s’ya makatulog, napaisip pa s’ya kung hindi ba nakabukas fb ng bf n’ya. Bakit kaya wala ito para sawayin silang dalawa ni Philip at sabihan s’ya na matulog na.

* * *

Tumitipa sa kanyang piano si Shane ng umagang ‘yun, pinag-aaralan ang pyesang kinompose n’ya para sa pagdating ng bf ng tawagin s’ya ng kanyang mama.

“Nak. May bisita ka.”

Napakunot-noo s’ya. Sino naman kaya ang bisita n’ya? Kakapunta lang ng mga kaibigan n’ya nung isang araw.

“Sino po?”

“Wag ko daw sabihin eh. Lumabas ka na lang.”

Nag-ayos muna s’ya bago lumabas upang harapin ang kanyang ‘bisita’.

Sinilip n’ya muna ito bago tuluyang bumaba sa sala. Ngunit hindi n’ya masulyapan ang mukha nito dahil abala ito sa pagtingin sa mga framed pictures n’ya at sa kanyang mga painting na nakasabit sa wall nila. Ang nakita lang n’ya ay ang katangkaran nito at pagkamatipuno ng katawan.

“Ahem,” pagkuha n’ya ng atensyon nito ng makalapit s’ya.”Hello”

Dahan-dahan itong pumihit paharap sa kanya, dahilan upang dahan-dahan ding bumilis ang tibok ng puso n’ya.

Ngumiti ang lalaki at nagsalita. Halos mabingi si Shane ng marinig ang magandang boses nito na kailan lang ay narinig n’ya.

“Ganito na ba ako ka-gwapo para malaglag ang panga mo?”

Saka lang natauhan si Shane.

“Phiyat?” di makapaniwalang sabi niya.”Kelan ka pa dumating? Sino kasama mo? Yung girlfriend mo ba? Kelan ka babalik?” sunud-sunod n’yang tanong na ikinatawa ni Philip.

“Pwedeng isa-isa lang tanong? Mahina ang kalaban.” nangingiti ito habang lumalapit kay Shane. “kadarating ko lang. Dito agad ako pumunta. Wala akong kasama at kadarating ko pa nga lang tinatanong mo na kung kelan ako babalik. Ayaw mo ba ko makasama ng matagal?”

“Hindi naman sa ganun. Teka, nasan ang gf mo? Andito ba sa Pinas?”

“Andito sa harapan ko.” hinawakan ni Philip ang pisngi ni Shane.

Nung magrehistro sa utak ni Shane ang sinabi nito ay awtomatikong nasuntok n’ya ito sa dibdib, na madalas din n’yang gawin dito noon.

“Sira ka talaga.” sabi niya dito.

Lalo lang itong natawa sa inasal niya.

“Kaya namiss kita eh. Wala ng nambubugbog saken.”

“Hahah. OA ka. Teka, gusto mo ba ng juice.” alok n’ya dito.

“No need. Nabigyan na ko ni tita.” tanggi nito pagkatapos ay tinitigan s’ya.

Bahagyang nailang si Shane sa ginawa nito.

Magtatanong sana s’ya ng magsalita ito ulit.”Halika shenget. Samahan mo ko mamasyal.”

“Ok ka lang?” taas-kilay n’yang tanong dito. “magpahinga ka kaya muna.”

“Sinabi ko bang ngayon?” bara na naman nito sa kanya. “pag ba inaya na, kailangan agad-agad? Di ba pwedeng advance ang imbitasyon?”

“Hahah. Oo na phiyat. Kainis ka talaga. Bukas na.”

Marami pa silang napag-usapan. Kapwa sila nasabik sa friendship nilang kaytagal ding nanamlay. At siguradong ang bukas ay magiging masaya para sa kanilang dalawa.

* * *

Pasyal dito, pasyal doon.

Libot dito, libot doon.

Laro dito, laro doon.

Kaen dito, kaen doon.

Tila walang kapaguran si Philip sa pag-aaya sa kanya kung san man nito maisipan.

Nagpasalamat pa s’ya ng mag-aya itong tumigil sa isang cafeteria upang magpahinga. Agad n’yang tiningnan ang cp n’ya ng makaupo sila. At napabuntung-hininga ng wala pa rin ang inaasahang txt.

“Ang lalim nun ah.” komento ni Philip na nagmamasid pala sa kanya.

Ngumiti si Shane ng pilit na ngiti.

“May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Philip.

“Wala ‘to,” sagot ni Shane.”may hinihintay lang ako.”

“Boyfriend mo.” hindi tanong kundi siguradong sabi ni Philip. “baka busy lang s’ya kaya di nagtetext.” pagtatanggol pa nito sa bf n’ya na para bang close ito doon.

“Panu mu naman nasabi yan?”, nakaarko ang kilay na tanong ni Shane.

“Wala lang. Hindi naman kasi ibig sabihin na hindi nagtext sayo ay nakalimutan ka na. Ilang beses ka bang nadapa kanina?”

“Sige na. Ako na lampa! Oh ano naman kinalaman nun?”

“Malay mo, he’s thinking of you kaya ka nadadapa.” sabi ni Philip na ikinangiti ni Shane.

“Ayan ngumiti ka rin. Mahal ka nun kaya relax ka lang.” tumayo ito at hinila s’ya. “Let’s go and make the most out of this day.”

* * *

Pagod na si Shane at gusto na n’yang matulog pero nagawa pa rin nyang mag-online. Baka sakaling andito ang hinihintay n’ya.

Shane

‘asan ka ba? miss na kita :(‘

Matagal s’yang nakatitig sa harap ng monitor, inaasam na mabasa nito iyon.

* * *

Philip stared at Shane’s status.

She misses her bf. Not him.

He rests his head on his hands habang patuloy na gumugulo sa kanyang isipan ang mga bagay na inaalala n’ya mga ilang araw na rin ang nakakaraan.

Matagal na n’yang alam na hindi siya ang gusto ni Shane. Ang isang mayabang, maangas at alaskador na katulad niya ay hindi nito magugustuhan kailanman.

Muli s’yang tumingin sa monitor. Ilang sandali pa ay nagsimula na s’yang magtype.

* * *

Kung maaari lang lumabas ang puso ng tao, malamang lumabas na ito sa lakas ng pagpintig ng makita ni Shane ang kanyang hinihintay. Nangiginig pa s’ya habang binubuksan ang notif.

Farnan: i miss u too hon. I’m sorry, i’m too busy kayaΒ i’m not able to greet you the whole day. can u forgive me hon?

Shane smiled.

Shane: it’s ok. πŸ™‚

Nag-pop up ito sa chatbox

Farnan: hon

Shane: yes hon?

Farnan: how’s ur day?

Shane: ok lang naman. Namimiss ka.. 😦

Farnan: aw. Don’t be sad. Marami kasi akong inayos kanina.

Shane: akala ko kasi nakalimutan mo na ko., 😦

Farnan: hindi yun mangyayari mahal ko., :* busy lang talaga. So kamusta? Seems like u had a great day. Nice pics πŸ™‚

Shane: huh?

Farnan: hu’s dis philip?

Tiningnan ni Shane ang profile n’ya. Nun lang n’ya napansin na tinag sa kanya ni Philip ang mga pics nila kanina.

Shane: oh, he’s a friend. Highschool buddies kami. Nagkahiwalay lang kasi sa states na sila nakatira.

Farnan: oh i see. Nililigawan ka nya?Bagay kayo.

Shane: hon? O.o did i heard it right???!!!!

Farnan: hahahahahah., nabasa mo lang hindi narinig.. πŸ˜›

Shane: >.<

Farnan: hahah.. just kidding hon., hindi naman ako papayag na maagaw ka saken ng kahit na sino. Malau man tau sa isa’t isa, mahal na mahal pa rin kita.

Sapat na ang mga sinabing ‘yun ni Farnan para makatulog ng mahimbing si Shane ng gabing iyon.

* * *

Sa isang linggong bakasyon ni Philip, isang linggo din ang pamamasyal nila ni Shane.

Hindi pa rin talaga nagbabago si Philip. Napakarami nitong kahanginang taglay sa katawan. Pero punong-puno din ito ng sweetness at thoughtfulness, hindi lang sa kanya kundi maging sa parents n’ya. A brother that she never had ang drama ng lalaking ito kaya lalo itong naging malapit sa kanya.

“Aalis ka na sa makalawa?” may bahid ng lungkot na tanong ni Shane.

“Mamimiss mo ko?”

“Syempre naman. Bakasyon ka ulit ha.” parang batang sabi n’ya dito.

Philip laughs, “Hindi pa nga ko umaalis, pinapabakasyon mo na ‘ko ulit?”

“Para masaya.” natatawang sabi ni Shane.

Bigla ay sumeryoso si Philip.

“Shane.”

“Yes Philip?”

“May I ask you out on a date?”

Ilang minutong dumaan ang katahimikan.

“Sure.” ngumiti si Shane.”Teka nga Phiyat.”

Nagtatanong ang mga matang tumingin si Philip kay Shane, “Ano yun Shenget?”

“Hindi ba date ang tawag mo sa mga pasyal nateng ito?” nasa mga mata n’ya ang panunukso dito na ikinatawa ni Philip.

* * *

Shane: i’m going to have a date with a friend. Is dat ok with u?

Inabangan ni Shane ang magiging sagot ni Farnan. Offline ito kaya nag-pm na lang s’ya.

Farnan: is it with Philip?

Nag-aalangan pang sumagot si Shane

Shane: ahm… yes hon. Ok lang ba?

Farnan: it’s fine with me.

Nakahinga ng maluwag si Shane sa sagot ng bf. Kahit na pumayag na s’ya sa date nila ni Philip, gusto pa rin n’yang alam ito ng bf para walang anumang gusot na mangyari sakali man na may ibang makakita sa kanila.

Shane: thanks mahal. It’s a friendly date lang naman. Aalis na kasi sya next day kaya inaya nya ko to have a dinner with him. πŸ™‚

Farnan: hindi pa ba sapat ang paglabas-labas nyo araw-araw?

Matagal bago nakasagot si Shane sa sinabing iyon ng bf.

Shane: nagseselos ka ba hon?

Tanong lang ang nagawa n’yang isagot dito.

Farnan: bakit? may dapat ba kong ipagselos sa kanya? bukod sa nakakadate ka nya at nakakasama samantalang ako hindi ko yun magawa?

Shane: hon….

😦

Farnan: I’m sorry. I think pagod lang ako. Need to rest hon. Goodnight.

Shane: ok. Goodnight hon.

Bago pa s’ya makapag-type ng i love you ay nag-out na agad ito.

Malungkot na napatitig lang si Shane sa monitor ng pc. Umaasa pa rin s’ya na magrereply pa ang bf pero wala na ulit response mula dito.

Napabuntong-hininga na lang s’ya.

* * *

Ano ba ang pinangangambahan ko?

Ano ba ang dapat kong gawin?

May nagagawa na ba akong mali?”

Ito ang sunud-sunod na tanong ni Shane sa sarili habang nakatitig s’ya sa monitor ng laptop n’ya. Ilang araw na rin ang nakararaan mula ng umalis si Philip.

Natuloy ang date nila noon dahil na rin sa txt ni Farnan sa kanya.

I’m sorry hon. I overreacted kahapon. You can have a friendly date with Philip. I have trust in you. πŸ™‚

Isang simpleng date ang nangyari. Ngunit simple nga bang masasabi ‘yun?

Dahil ang gabing ‘yun ay nagpagulo sa isipan ni Shane.

“Ok lang naman ang LDR. Nakaka-survive naman kami ni Farnan.”

Malinaw pa kay Shane ang naging usapan nila ng gabing iyon.

“Ok sana kung kilala n’ya ‘ko bilang ako.”, malungkot na sabi ni Philip.

Kunut-noong napatingin si Shane kay Philip.

What do you mean?”, naguguluhang tanong n’ya. “LDR din kayo ni gf mo?”

Bumuntung-hininga ito.

“Yeah. At ibang identity ang ginamit ko.”

Hindi malaman ni Shane ang tamang irereact. Maang na nakatingin lang s’ya dito.

Nakatingin lang din sa kanya si Philip. Tinatantsa ang mga reaksyon n’ya.

At bakit mo naman ginawa ‘yun?”, pagkaraan ay nagawa din itanong ni Shane.

“Dahil alam ko na hindi n’ya ‘ko gusto.”

“At paano mo naman nasabi ‘yun? Nagawa mo na bang ipakilala sa kanya kung sino ka talaga?!”

“Bakit ikaw Shane, magagawa mo ba akong magustuhan ng higit sa isang kaibigan?”, sa halip ay tanong nito.

“Oo naman.”, mabilis niyang sagot.

Kapwa sila natigilan sa sagot ni Shane. Nabigla s’ya sa sagot niya at agad na nag-isip ng pambawi.

“I mean, mabait ka Philip, gentleman, edukado. Kaibigan mo ‘ko kaya alam ko na magugustuhan ka nun.”

Ilang sandali pang nanatiling nakatingin lang si Philip sa kanya. Pagkaraan ay umusal ito, “yeah, kaibigan kita“, pagkatapos ay muling bumuntung-hininga.

Inabot nito ang kanyang kamay at mahigpit ngunit masuyong hinawakan.

Para pa n’yang nararamdaman ang paghawak nito sa kanyang kamay.

Bumalik ang isipan n’ya sa kasalukuyan.

Napapikit na lang s’ya dahil sa pagdagsa ng mga ala-ala at ng makabagong emosyon na nararamdaman niya.

Naisipan n’yang pumunta sa profile ng bf, at nagulat sa natuklasan.

* * *

Gusto n’ya ng makakausap. Ilang araw at gabi na rin s’yang tulala at napapaiyak sa di malamang dahilan.

Nagdeactivate ng account si Farnan.

Hindi rin ito sumasagot sa mga txt at tawag n’ya.

In good terms naman sila ng huling magka-usap nito kaya nangangamba s’ya kung anong nangyari dito.

Si Barbie ang nakita n’yang online. Isa sa mga close nila sa fb group, maging sa personal ng umuwi ito sa Pilipinas ilang buwan na ang nakalipas.

Shane: mare, may balita ka ba kay Farnan?

Matagal bago sumagot si Barbie.

Shane: ei, can u help me?, di ko na alam gagawin ko.

Barbie: teka mare, suicidal ka na ba sa lagay na yan?

Shane: malapit na mare. 😦 may alam ka ba? Di ba close kau?

Barbie: over ka mare. Maghunus-dili ka. Di pa katapusan ng mundo.

Tumahimik ulit ito, na lalong ikinakaba ni Shane.

Barbie: ayun si Philip. U better ask him. Out na muna ko mare, anjan na naman si arwin eh. I’ll txt u na lang.

Hindi na s’ya nakapagtanong pa ng mag-offline na ito.

Napatingin s’ya sa tinukoy nitong pagtanungan n’ya.

Si Philip. Mula ng bumalik ito sa ibang bansa ay dumalang ang pag-uusap nila online. Hinahayaan n’ya kasi na ito ang maunang mag-approach sa kanya. Pero sa ngayon, mukhang maiiba.

* * *

“Mahirap pala ang LDR pag ang tanging bumubuhay sa relasyon n’yo ay nawala.”

Bahagyang nagulat si Philip ng magchat si Shane sa kanya. Eversince kasi ng makabalik s’ya ay hindi ito nauunang makipag-usap sa kanya.

“Bakit? Anong nangyari?”, tanong niya rito.

“Baka may alam ka kung nasaan sya ngayon. Nagdeactivate sya ng account. Di sya sumasagot sa mga txt, tawag at emails ko. Kung ayaw na nya, pwede naman nya sabihin hindi yung bigla na lang sya mawawala.”

Lalong nakaramdam ng guilt si Philip. Alam n’yang umiiyak si Shane. Pero alam n’ya na mas masasaktan lang lalo ito kung hindi n’ya iyon ginawa.

“Wag ka na umiyak. May mga bagay talaga na masakit pero yun ang makabubuti para sa lahat kaya nangyayari. Mas tama lang na lumayo na sya sayo.”

Shane: pano mo nasabi na tama lang?

Hindi agad nakasagot si Philip.

Siguro nga ay panahon na para malaman ni Shane ang katotohanan tungkol kay Farnan.

* * *

“Matagal mo na palang alam ang tungkol dun, bakit hindi mo sinabi sakin?”, tanong ni Shane kay Barbie.

Inaya s’ya nito na mag-unwind muna at ngayon nga ay nasa park sila.

“Syempre naman nu, papangunahan ko ba si Philip? Pero sinabihan ko na s’ya dati pa na magtapat na sayo kasi eventually malalaman mo din naman na si Farnan at s’ya ay iisa.”

“Ni hindi ko man lamang nahalata.”

“Nahalata mo yun friend. ‘Yun nga lang kasi, inlove ka sa dalawa kaya ‘di mo alam na nahalata mo na s’ya.”, sabi ni Barbie.

“Si Farnan lang ang mahal ko. Na ngayon ay hindi na.”, malungkot na sabi ni Shane.

“Sus. Kaya pala iba din pag si Philip ang kakulitan n’ya.”, panunukso ni Barbie sa kanya. “alam mo friend, ok lang naman ‘yun. Iisang tao lang naman sila. Kaya natural lang na mahal mo si Farnan at si Philip.”

“Niloko n’ya ko.”, ang tanging nasabi ni Shane.

“Hindi ka n’ya niloko. Mahal ka talaga n’ya. At ‘yung Farnan na name, character n’ya ‘yun sa isang stageplay. Naalala mo ba nung una s’yang pumasok sa group? Nagcomment ako na familiar ang name n’ya. Parang galing sa stageplay. Nagmsg s’ya saken that time na ‘wag daw ako maingay kaya binawi ko ‘yung statement ko.”, mahabang paliwanag ni Barbie.

Ngunit konti lang ang naintindihan ni Shane sa paliwanag na iyon.

“Kung hindi n’ya ko niloko bakit hindi nalang as Philip yung ginamit n’ya bakit gumamit pa s’ya ng Farnan?”, pangangatwiran niya.

“Bakit? Kapag ba si Philip, mamahalin mo ba s’ya agad gaya ng pagmamahal mo kay Farnan?”, tanong ni Barbie na hindi magawang sagutin agad ni Shane.

“Sabi mo dati ‘di ba, hindi mahalaga sa’yo kung sino ba talaga si Farnan, ang mahalaga, mahal mo s’ya, tatanggapin mo s’ya kahit sino pa s’ya.”, pagpapatuloy pa ni Barbie.

“Dahil ang akala ko ibang tao s’ya.”, sagot ni Shane.

“Bakit, si Philip ba hindi mo magawang mahalin kung sino s’ya?”, tuloy pa rin si Barbie.

“Tama na. Lalo lang ako naguguluhan.”, maiiyak ng sabi ni Shane.

Sandaling katahimikan ang namayani. Pagkatapos ay nagsalita ulit si Barbie.

“Hindi naman ang tanong dito ay kung sino ba s’ya. Ang tanong dito ay mahal mo ba s’ya? Bakit mo kasi papahirapan ang sarili mo kung may nararamdaman ka naman sa kanya? Hayaan mong burahin ng pagmamahal mo ang galit na nasa puso mo.”

Tahimik lang si Shane. Tinatantsa n’ya ang kalooban at ang mga sinabi ni Barbie.

“Barbie, anong date ngayon?”, tanong niya rito pagkaraan.

“Feb 2.”, nagtatakang sagot nito.

“Halika samahan mo ko, may susunduin ako.”

* * *

Mayabang. Iyon lang naman ang kapintasan ni Philip na ayaw n’ya. Pero bakit sa dinami-rami n’yang manliligaw noon na hindi mayabang, bakit wala s’yang sinagot? Dahil lang ba sa ang atensyon n’ya ay na kay Philip? Sa mga stage play, sa mga costume party, at sa lahat ng party, hindi s’ya umaattend kung hindi ito ang partner. Dahil ba sa ito lang nakakasundo n’ya kahit na minsan nagkakatampuhan sila?

Si Farnan. Minsan naaalala n’ya si Philip pag nakakabiruan ito. Para itong si Philip na binawasan ng kayabangan. Oo, si Philip ang naiisip n’ya dati na tinanggap n’ya bilang si Farnan.

Kanina sa pag-uusap nila ni Barbie ay naging malinaw na ang lahat sa kanya. Nag-exist na ito noon, at lumalim ngayon.

“Sino ba susunduin natin dito sa airport? May balikbayan friend ka ba?”, nagtatakang tanong ni Barbie.

“He promised na uuwi s’ya ngayong date na ‘to para makipagkita sakin. If he keeps his promise, patatawarin ko na s’ya.”

Sa sinabing iyon ay ngumiti si Barbie.

“That’s the fighting spirit girl!”

Ilang sandali pa ay natanawan na nila ang hinihintay. Bago pa ito makapara ng taxi ay nakalapit na agad si Barbie dito.

“Woy, balikbayan. Wala kang sundo?”

Nagulat ito ng makita si Barbie.

“Bakit ka nandito? May susunduin ka?”

“Oo. Ikaw.”

“Ako? Pano mo nalamang uuwi ako. Isa lang ang pinagsabihan ko…”, hindi na nito itinuloy ang sasabihin at naghanap sa paligid. Namataan nito si Shane na naglalakad na rin palapit sa kanila.

“Shane..”

Ngumiti si Shane dito.

“Buti umuwi ka.”

“Di ba nangako ako na uuwi ako? Kahit hindi tayo magkita, nangako ako kaya tutuparin ko ‘yun. Pero nandito ka ngayon sa harapan ko.”, hinawakan ni Philip ang kamay ni Shane, para bang sinisigurado kung totoo ba o may jetlag lang s’ya. “Namiss kita.”

Ilang minuto ding walang nagsalita sa kanila. Para bang sa tingin lang ay nasasabi na nila ang lahat ng gusto nilang sabihin.

“Ahem. Baka pwede na tayong umalis?”, basag ni Barbie sa katahimikan.

Dun lang natauhan ang dalawa.

“May kasalanan ka sa’kin Phiyat kaya ililibre mo kami ni Barbie.”, sabi ni Shane.

“Ngayon na? Hindi ba pwedeng umuwi muna ako para magpahinga? Wala pa kong tulog.”, nagrereklamo sabi ni Philip.

“Umaangal ka?”

“Hindi po mahal ko.”, agad na bawi ni Philip.

Ngiting-ngiti si Barbie habang nakatingin sa dalawa.

Si Shane naman ay nagpapasalamat sa kaibigan sa tulong nito.

At si Philip, walang kapantay na kaligayan dahil sa muling pagtanggap ng kaisa-isang babaeng minahal n’ya mula pa noon.

* * *

Barbie smiled as she reread her current status.

‘Another love story online.

Kelan naman kaya ang akin?

β™₯’

Ilang segundo lang ay may nagcomment na dito.

Arwin

ayaw mo kasi ako sagutin.. πŸ˜›

# # #

related post:

Kwentong Online

23 thoughts on “Kwentong Online 2: Long Distance Relationship”

  1. Like it! πŸ™‚ same name kami ni girl relate dn ako sa story nya ❀ super nakakakilig ❀ galing naman ng gumawa nito πŸ˜‰

Leave a Reply to ashmocoe13_Loveyou Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s