Kaunting Kilig, SHORT STORIES

A Love Letter

Minsan may mga bagay tayong nais sabihin ngunit hindi natin alam kung papaano ba natin ito sasabihin, o naaalangan tayo.

Kaya naman may ilan na idinadaan na lang ito sa isang sulat.

Ngunit papaano kung maging sa sulat ay na-aalangan ka?”

Masama ang loob ko ng umagang iyon. Wala akong napapansin sa paligid at walang maganda sa aking paningin.

Inaasahan kong ako na naman ang mauuna sa amin ngunit nagkamali ako. Sa may hintayan ay nandoon na at nakaupo si Ryan, ang bestfriend ko. Ngumiti siya at binati ako ngunit hindi ko iyon tinugon. Siya ang dahilan ng pagkasama ng mood ko. Umupo ako malayo sa kanya at nagbuklat ng libro. Hindi ko sya pinapansin kaya naman nagtanong sya sa akin.

“Galit ka ba?”

“Hindi.”, ang tanging sagot ko.

Tumahimik sya at parang nag-iisip ng iba pang sasabihin.

“Yung tungkol nga pala noong isang araw..”

“Kalimutan mo na yun”, putol ko sa kung anupaman na sasabihin niya.

Hindi na sya umimik. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang kanyang pagkabalisa. Maya-maya pa ay nagsalita ulit sya.

“May gusto sana akong sabihin sayo.” , panimula ni Ryan.

“Ano yon?”, tanong ko at tumingin sa kanya.

Nagtama ang aming paningin.

Hindi nya agad nasundan ang sinabi nya. Maging ako ay bahagyang natigilan. Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-inog ang mundo ko at kaming dalawa lang ni Ryan ang nandoon, kahit na marami ng nagdaratingan na estudyante.

“Thea, gusto kong malaman mo na..”

Tumigil pa ulit ito. Mukhang nag-aalangan.

“Na??”, patanong na dugtong ko.

Ngunit hindi na iyon nadugtungan pa dahil dumating na ang mga kaklase namin. At inaya na ko sa aming 1st sched.

Tumayo na ako at tumingin muna kay Ryan.

“Ano nga pala ung sasabihin mo?”

“Ah wala, next time na lang.”

“Ok. Sige, una na kami.”, di ako nagpahalata na nadismaya ako.

Ilang araw na rin ang nakararaan.

May usapan kami noon ni Ryan na sabay gagawa ng project, pero hindi ito sumulpot.

Ngunit ang pinakakinainisan ko ay nakipagkita pala ito kay Kate.

“Makikipag-date ka pala di mo man lang ipinaalam sa aken ng mas maaga. Eh di sana hindi ako naghintay sayo ng napakatagal. Natapos ko sana ng maaga yung project ko!”, nanggigigil ako noon sa galit sa kanya.

“Sorry na. Biglaan kasi yun. At saka nagkaproblema sya, humingi lang sya ng tulong sa aken.”, nanunuyo ang boses ni Ryan na lagi nyang ginagawa pag nagagalit ako sa kanya.

“Whatever Ryan. Nagawa mo na yan noon eh, tapos inulit mo na naman. Nakakainis ka na talaga.”, nagpipigil ako para hindi makapagsalita ng mas masasakit na salita.

“I’m sorry best. Promise, di ko na talaga uulitin.”

“Leave me alone muna Ryan.”

Mula noon ay madalang kaming mag-imikan. O mas tamang sabihin na hindi ko sya iniimik. Kinakausap ko lang sya kung kinakailangan. Kaya naman madalas ko syang nahuhuli na nakatingin sa akin. Minsan ay nag-aattempt sya na kausapin ako. Ngunit pag nakikita na nyang seryoso ako ay nawawala ang sasabihin nya.

“Ba’t di mo pa kasi kausapin? Lampas ng isang linggo yang tampo na yan ah.”, sabi ni Maggie, isang hapon na wala silang prof.

“Eh kasi naiinis pa rin ako.”, umirap pa na sabi ko.

Sandaling tumahimik si Maggie at pinagmasdan lang ako.

“Oh bakit?”, takang tanong ko sa kanya.”Makatingin ka para kang nag-uuri.”

Tumawa ito na lalong ipinagtaka ko.

“Oi naloloka ka na ba?”

Tumatawa itong nagsalita.

“Wee, aminin. May gusto ka kay Ryan no??”, at sinundan ulit iyon ng matunog na halakhak.

“Huy ano ka ba? Ang lakas ng boses mo.”, saway ko rito at nababahalang tumingin sa paligid namin. Buti na lang wala kaming kaklase sa kalapit na bench.

“Oh, totoo di ba?”, pangungulit pa nito. “Kunwari ka pang bestfriend pero gusto mo naman.”

“Hindi kaya.”, tanggi ko na sya namang totoo.

“Hindi daw. Ai nako Thea. Kaya mong lokohin ang sarili mo pero ako hindi.”, nakangiting sabi nito. “Naiinis ka dahil nakipagdate sya at kay Kate pa na sinabi mong crush na noon pa ni Ryan. In short, nagseselos ka.”

Tumawa ulit si Maggie.

“No i’m not. Nagagalit ako kasi sumira na naman sya sa usapan namin. Yun lang yun.”

Tumahimik na lang si Maggie ngunit nanunukso ang mga ngiti nito.

Tumunog ang cp ko at tiningnan ko, si Maggie ang nagtxt,

“ang pagseselos ay hindi lang para sa may karapatan. Natural din ito para sa mga may nararamdaman. ;)”

Inismiran ko sya pagkabasa ng txt na lalo naman nyang ikinatawa.

* * *

Katulad din ang hapong ito nung nakaraan. Kami ni Maggie ang magkasama. Pero tahimik na syang nag-aaral. At ako, nasa malalim na namang pag-iisip. Nasaan kaya si Ryan? Pag ganito kasing breaktime ay lagi kaming magkasama.

Napabuntunghininga ako. Nakakamiss.

Napatingin ako kay Maggie at naalala ko ang sinabi nya. May gusto nga ba ako kay Ryan?

Sa pag-iisip ko ay parang nakakarinig ako ng ka-boses ni Ryan na tumatawag sa pangalan ko.

“Haixt. Oo na. Namimiss na kita kaya pati boses mo nasa isip ko ngayon.”, wala sa loob na nasabi ko.

Mahina lang ngunit sapat na iyon para marinig ng katapat ko na si Maggie. Napatingin sya saken, at sa may likuran ko, pagkatapos ay tumawa.

Nakataas ang kilay na nilingon ko ang nakita nya sa likuran ko.

Natigilan ako ng makita ko kung sino ang nakatayo.

Si Ryan.

“Kanina ka pa ba dyan?”, tanong ko sa kanya na obvious ng oo dahil totoo pala ung pagtawag sa pangalan ko na naririnig ko kanina.

“Oo. Ok ka lang ba? Kanina pa kasi kita tinatawag di mo ako nililingon.”, sabi nito.

“Pasensya na ah. May iniisip kasi ako.”

“Iniisip ka.”, singit ni Maggie na noon ay kakaiba ang ngiti.

Tumingin ako kay Maggie.

“Anong sabi mo?”, pinandilatan ko sya.

“Wala po madam. Sabi ko, punta muna akong library. May hihiramin lang ako. Dyan muna kayo.”

Nagmamadaling umalis si Maggie at nagawa pa kong kindatan.

“Ok lang ba na tumabi ako sayo?”, tanong ni Ryan ng makaalis si Maggie.

“Sige.”, tipid na sagot ko.

Pagkaupo nya ay nagbuklat siya ng notebook. Mag-aaral dahil may exam sila mamaya.

“Tapos ka na magreview?”, tanong niya ng mapansin na pinagmamasdan ko sya.

“Oo. Kagabi pa.”

“Nagrereview ka pala kagabi. Kaya siguro hindi mo sinasagot yung mga tawag ko.”

Tahimik lang ako. Hindi na rin ito nagsalita pa ng maramdamang ayaw ko makipagkwentuhan.

Tinitingnan ko lang ang mga binubuklat nya.

Hanggang sa may pahina syang nabuklat kung saan may umagaw ng atensyon ko.

“Wui ano yan?”, sabi ko na ikinagulat niya. “Mukhang loveletter yan ah. Para kanino yan?”

Nakita ko ang pamumula ni Ryan.

“Hindi yan loveletter. Ordinaryong sulat lang yan.”, tanggi nito.

“Asus. Bakit namumula ka?”, tukso ko sa kanya.

Ngumiti lang si Ryan.

“Bati na ba tayo ulit? Hindi ko kasi matiis ang araw na may sama ng loob ka pa rin sakin.”

Nawala ang ngiti ko. Tumingin ako sa malayo at naisip ko ang sinabi sakin ni Maggie.

“Alam mo, wag mo kasi pahirapan ang sarili mo. Patawarin mo na sya. Para magkasama na ulit kayo. Anong malay mo, may aminin din sya sayo.”

“Oo na nga.”

“Napilitan lang?”

“Oo. Di na ko galit.”, sinundan ko yun ng ngiti.

Hinawakan ni Ryan ang kamay ko.

“Salamat. Ayan makakapasa na ko nito kasi ok na tayo.”, todo-ngiting sabi nya.

Napatawa naman ako.

“Oa ka naman. Para namang big deal masyado yun.”

“Oo kaya. Ilang gabi din akong di makatulog ng maayos kakaisip.”, sabi ni Ryan na di ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi.

Madami pa kaming pinag-usapan. Hanggang sa nagpaalam na sya dahil may pupuntahan pa daw muna sya.

Naiwan akong mag-isang nakangiti. Dahil wala na rin naman akong ginagawa ay naisip kong pumunta na ng classroom. Ngunit bago ako tumayo, napatingin ako sa baba at may nahagip akong pamilyar na sulat.

Pinulot ko iyon at nakumpirmang iyon nga ang sulat na nakaipit sa notebook ni Ryan. Nahulog marahil ito sa pagmamadali. Matapos ko labanan ang sarili para hindi buksan at basahin ang sulat, maingat ko itong ipinasok sa bag.

Habang nasa akin ang sulat na iyon ay naiisip ko kung ano kaya ang nakasulat dun at kung para kanino ba yun. Kaya naman pagkatapos ng klase, ibabalik ko na yun sa kanya.

Naunang matapos na mag-exam si Ryan kaysa sa akin. Pero nakita ko sya na naka-upo sa isa sa mga bench nung makalabas ako.

Nilapitan ko sya at iniabot ang sulat.

“Di ba sayo to?”, tanong ko.

Napatingin si Ryan sa hawak ko at bigla na naman syang namula at parang kinabahan.

“Pano napunta sayo yan?”, tanong ni Ryan sa akin.

“Nalaglag kanina pag-alis mo. Nakita ko kaya pinulot ko.”, paliwanag ko.

Kinuha niya ang sulat sa akin. Pagkatapos ay nakita kong inipit nya ulit ito sa notebook nya.

“Nabasa mo ba ang laman nito?”, tanong niya pagkaraan.

Umiling ako,”alam mong hindi ako nagbabasa ng hindi sa akin.”

Nakita ko rin kung pano parang nakahinga ng maluwag si Ryan. Nagtaka tuloy ako ngunit hindi ko na pinansin pa.

Baka masaktan lang na naman ako pag nalaman ko ang nilalaman ng sulat.

“Sige Ryan, may pupuntahan pa ako eh. Ingat na lang sa pag-uwi.”

Bahagya lang siyang tumango. Tumalikod na ako at pinuntahan ang naghihintay na si Maggie.

Mga ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin ng magsalita si Maggie.

“Lam mo Theang, dapat mag-usap kayo.”

“Bakit naman?”

“Bakit ako ang tinatanong mo? Dapat ang sarili mo di ba?”

Tumahimik ulit at huminto kami sa paglakad.

“Pano kung ako lang pala yung ganun sa kanya?”

“Pano mo malalaman kung di mo sasabihin sa kanya di ba?”, kontra ni Maggie.

Sandali akong hindi kumibo. Pagkaraan ay lumakad ako pabalik.

Ngunit hindi ko na inabutan pa si Ryan. Nakaalis na ito.

Umupo ako sa kaninang inupuan niya.

Kaya ko bang magtapat sa kanya? Kung magtatapat ako, pano kung ako lang pala ang nakakaramdam nun?

Napa-iling na lang ako at napabuntung-hininga.

Paalis na sana ako ng mapansin kong may nilukot na papel sa baba ng inuupuan ko. Parang pamilyar ang kulay nito sa akin kaya dinampot ko. Na-curious ako ng may mabasa ako na pangalan ko, “Thea”. Maingat kong binuklat ang papel. At doon ko nga natiyak kung kanino iyon.

Kilalang-kilala ko ang sulat-kamay na nakikita ko sa sulat. At gusto ko syang batukan sa inis. Bakit nya tinapon? Bakit hindi nya ibinigay?

Hanggang sa huli, inisip nya ang pagkakaibigan naming dalawa.

Itinago ko sa bag ang sulat pagkatapos ko itong basahin. Nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip.

“Thea!”

Lumingon ako sa direksyon ng tumawag. Si Maggie ang nakita ko. Awtomatikong ngumiti ako.

“Naks ang ganda ng smile ah. May nangyari bang maganda kanina?”

“Wala naman. Hindi ko na sya naabutan.”

“Oh, eh bakit ganyan ka?”, nagtatakangg tanong niya.

“Basta. Lika na. Uwi na tayo.”

Hinawakan ko sya sa braso at inakay na sya pauwi.

Palubog na ang araw. Ngayon ko lang napansin dahil sa kaabalahan ko sa pag-iisip.

“Ang ganda ng sunset no?”, sabi ko kay Maggie.

Hindi sya sumagot. Tiningnan lang nya ako ng nagtatakang tingin. Na ginantihan ko lang ng ngiti.

Maganda ang paglubog ng araw. At siguradong mas maganda ang pagsikat ng umaga bukas.

“Mahal kita Thea, at ayoko ng maging bestfriend mo lang.”

###

related post : A Love Letter (Part II)

Image

# # #

Advertisements

1 thought on “A Love Letter”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s