All About Life, ESSAYS and OPINIONS

Solusyon nga ba?

Hindi solusyon ng problema ang isa pang problem.

Kung ang alak ang makakatulong para malusutan ang isang gusot, malamang bumili na ako ng isang truck na case para hindi ako maubusan sa dami ng problemang kinakaharap ko.
At kung ang droga at sigarilyo ang s’yang lulutas sa mga sakit ng mundong hindi matakasan ng mga biktima nito, malamang ito na ang pangunahing reseta ng doktor.
At kung pag-aaway ang solusyon upang mabuo ang samahang sa katagalan ay nasira pa rin, malamang na lahat ng tao ay nag-aaway na sa ngayon.

Ngunit hindi naman ganun.

Ang pagkakamali kahit anong gawin natin, magalit man tayo ng bonggang-bongga, magmura man tayo, sumpain man natin ang kahit na sino, hinding-hindi na ito magbabago.

Dahil hindi totoo ang time machine ni Doraemon. O kahit na anong time portal na napapanood natin.

Ang totoo lang ay ang pag-inog ng mundo. At kasabay sa pag-inog nito ay ang pagtakbo ng ating buhay.

Bawat gawin natin, hindi na natin maibabalik pa.

Para itong baril na pag ipinutok natin, mabilis na ibubuga nito ang bala. Ni hindi natin namalayan na natamaan na nito ang target natin.
Ngunit katulad ng pagbaril, maaari itong sumablay kung hindi ka asintado sa target mo. At ang pagkakamaling iyon ay hindi mo na mababawi.

Gayunpaman, magsisilbi itong marka upang malaman mo kung ano ang dapat mong baguhin upang tumama ka na sa susunod. Kailangan mong mag-isip. Hindi yung basta ka na lang pumuputok. Gumagawa ng mga desisyon na kahit mali ay tuloy pa rin. At kung hindi mo na kaya ay humanap ka ng tutulong sa’yo para umasinta.

Nanonood lang S’ya sa’yo habang bumabaril ka. At kung patuloy kang nagkakamali, mararamdaman mo, hahawakan ka Niya at dahan dahang igigiya.

Ang mga bisyo, biglaang galit, pag-aaway, paghihiwa-hiwalay, ay mga bira na basta-basta.

Kung ang buhay ay parang isang pagbaril, bakit kaya hindi ka humingi ng tulong sa kung sino ang nagturo sa ‘yo nito. Sa kung sino ang nagbigay sa atin ng buhay.

‘Wag kang makakalimot. Sa lahat ng bagay ay pasalamatan Siya, at sa oras na hindi mo na kaya, tutulungan ka Niya.
Siya ay walang iba kung ang ating Diyos Ama. Na laging handa na tulungan ka.

Advertisements

1 thought on “Solusyon nga ba?”

  1. hello, mhey,

    yes, it could be hard to hit things right on target. mas madalas, palya tayo sa una at pangalawang pagtatangka, ahaha… ^^

    and what you seem to be saying here, to view life as a whole and as something that has continuity, appears to make a lot of sense… it’s just that not many can readily afford to have that certitude. depende rin yata sa mga certainties or givens na natagpuan, tinamasa at tinatamasa ng isang tao o nilalang.

    but i agree with you that that is what we should aspire to – maging nilalang na itinuturing ang sariling kabahagi ng malaking setting, ng mundong bilog at patuloy na tumatakbo, in the great ebb and flow that is called life… haaayys!

    have a good day. cheerio! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s