love is in the net, Mga Kwentong Online, SEQUEL

Kwentong Online

Isa..
dalawa..
tatlo..

Napabuntonghininga si Lira at napailing.

Kanina pa sya nakaharap sa monitor ng kanyang laptop, pero walang ginagawa. Nakatitig lang na para bang nanonood ng isang movie.
Sinali kasi sya ng isang kaibigan sa isang group. Noong una ay hindi nya ito pinapansin pero dahil sa kaingayan ng mga ito, heto sya ngayon.
Nakatulala at nagbabasa na para bang may istorya syang sinusubaybayan..

At ang bida sa istoryang iyon ay si Jed. Ang makulit na mahilig bumanat. Isama pa ang kanyang mga kaibigan na mahilig din makigulo.

Kanina ay binibilang ni Lira kung ilan ba ang sinasabihan nito ng mga pick-up lines at naisip nya, siguro ang babaw ng taong iibig dito.
Dahil hindi lang naman ang taong yun ang sinasabihan nito ng sweet words. Marami sila  at mahirap malaman kung ano ba dun ang totoo.

Masarap nga pakinggan, pero kapag alam mong ugali na talaga nya yun, you’ll have doubts if it is true.

Siguro nga, totoong nakakatakot magmahal sa isang tulad ni Jed.

—-

Jed      : “Teka.. wala na ko maisip..”
Rima  : “Naubusan ka na?”
Jed      : “hindi,
ikaw lang kasi ang nasa isip ko..”

Natawa si Lira. Naisip nya, ang korni naman nun.
And for the very first time, she started typing, and..

Lira: “pwede mo rin ba akong ilagay sa isip mo?”

———–

Sa una ay natigilan si Jed sa nabasa nya, pero pagkaraan ay napangiti.
Hindi pa nya kilala ang babaeng sumingit sa usapan nila ni Rima. Marahil ay bagong sali pa lang ito. Tinignan nya ang name ng babae.
Lira.
Then after a moment, he replied.

——————-

Katuwaan lang kung bakit sumingit si Lira. And now, she’s wondering kung ano kayang magiging banat nito.

Jed    : “hindi na kailangan..”
Lira  : “why naman?
Jed    : “kasi andito ka naman sa puso ko”

Lakas!!.
Hindi napigilan ni Lira ang mapatawa. Ito na talaga ang hari ng banat.

Lira: “hahahah.. nakakatawa”
Jed  : “haha.. yan ang gusto ko, lagi ka masaya”

At yun ang naging simula ng makulit nilang usapan, ng pagkakakilalanan at ng bonding online.

Ang isang pala-banat na si Jed, nakasanayan na ni Lira na maka-usap.

At patuloy pa rin ang pagbabasa at panonood nya sa laptop, nag-aabang kung may magiging seryoso ba sa mga palabas na araw-araw ay kanyang inaabangan.

—-

“Lira labas tayo”..
Isang araw ay yaya sa kanya ng kaibigan na nung araw na iyon ay nasa bahay nila.

“Mamaya na friend, busy pa ko eh.” sagot ni Lira na hindi inaalis ang tingin sa harap ng monitor.

“Hai naku, ka-chat na naman nya”, sabi ng kaibigan nya ng sumilip ito sa kanyang ginagawa. “Ikaw ha, hinay-hinay ka lang, baka tamaan ka ng banat nyan.”

Napalingon si Lira sa kaibigan.
“Excuse me, hindi ako nadadala sa mga ganto no. Katuwaan lang to.”
“Para sa kanya”, sabi pa ng kaibigan nya. “Eh ikaw?, kilala kita no. Lalo na at nagkita na kayo.”
Umismid si Lira, “kung anu-ano na naman ang iniisip mo. Lika nga kumain muna tayo.”

Lira: “BRB, eat muna kami ni friend”
Jed  : “sige, pakabusog ka po. balik ka agad ha.
alam mo namang oxygen kita”
Lira : “dahil hindi ka mabubuhay ng wala ako?, asus mga banat mo talaga..
haha”
Pagkatapos ay tumayo na sya mula sa kinauupuan.

“He’s nice. Pati in person.” sabi nya sa kaibigan.
“Pero palikero?”
“Ang panget naman ng term mo. Hindi naman. Ganun lang siguro talaga sya. Sweet. ” pagtatanggol nya.
“Ayyii.. pinagtatanggol na.. mukhang iba na yan ah.” panunukso pa nito.
Inirapan lang nya ang kaibigan..
“Para kang sira.. kanina parang ayaw mo, tapos ngayon naman itinutukso mo.”

Kinuha nya ulit ang laptop at hinarap ulit ito. Nagbrowse upang malaman kung anu na bang bagong palabas sa group..

“Eh kasi naman Lira, sabi mo dati, ayaw mo sa katulad ni Jed. Nagpapaalala lang ako.”

Ngiti lang ang isinagot nya dito. Pero ang ngiting yun ay unti-unting nawala ng mabasa ang bagong istorya na tumatakbo sa page.

“May sinabihan lang syang bago ng mga pick-up lines nagbago na agad mood mo.” komento ng kaibigan na nakatingin din sa monitor.

Pero hindi nya pinansin ang sinabi nito. Gaya noon ay nanatili lang syang nakatitig sa nasa harapan niya. Ngunit hindi na katulad ng dati na natutuwa sa mga istoryang nababasa nya. Ngayon ay bigla nyang naisip ang mga sinabi ng kanyang kaibigan. Pano nga kaya kung hindi na “banat” lang ang tingin nya sa mga sinasabi ni Jed.

Malabo mang mangyari pero palaisipan kung bakit naiinis sya sa mga nababasa nya ngayon, na dati ay isang libangang nakakatuwa para sa kanya.

—————

“Nakakapagod”
Comment:
Jed: “wag mo kasi ako masyado isipin. napapagod ka tuloy. :) ”
Lira smiled ng mabasa ang comment ni Jed sa wall post nya.
Lira: “eh hindi ka kasi mawala sa isip ko..”

——

Hindi na bago para kay Jed ang mga ganung pakikipagsabayan ni Lira sa mga banat nila. Kadalasan ay ito ang lagi nya kausap pag naka-online. Masayahin kasi, mabait, yung tipong hindi nakakasawang kausap.
Kaya nga hinahanap-hanap nya ito nung mga nakaraang araw na madalang itong mag-online.

Jed   : “kamusta?, ngayon ka na lang ulit nadalaw dito ah..”
Lira : “busy kasi eh”
Jed   : “sa work?”
Barbie: “busy sa pakikipagdate”
Lira   : “hahah, loka.. hindi naman masyado”
Jed     : “ouch.. pinagpapalit mo na ko lira?”
Lira   : “bakit nanliligaw ka ba?”

Hindi agad nakareply si Jed. Matamang nag-isip at ang naging reply nya ay kusa na lang lumabas sa kung saan nang hindi sinasadya.

Jed: “pwede naman di ba? :) ”
Lira: “hahah”

Yun lang ang naging response nito. Hindi maipaliwanag ni Jed ang naramdaman ng mga sandaling iyon. Ang isipin na may ibang pinagkakaabalahan si Lira, at ang naging reply nito sa kung pwede bang manligaw.
Biglang nawala ang mga salita nyang matatamis na kadalasan ay mabilis lang nyang naiisip.
Sa isang iglap ay naging seryoso sya at natigilang nakatitig sa profile ni Lira.

——–

Jed   : lira..
Lira  : ano yun?
Jed    : siguro nga, dapat ko na tong sabihin sayo..
Lira   : ang alin?
Jed     : matagal ko rin tong pinag-isipan. ilang araw at gabi akong natutuliro..     hindi ko alam kung normal pa ba ko. pero ngayon, masasabi ko na ikaw na nga ang matagal ko ng inaabangan Lira. mahal na kita.

——-

Lira: ano yan, bago mong banat?
ayos ah…

Nainis si Lira sa sinabing iyon ni Jed. Masakit pala pag ginagawang biro ang isang bagay na totoong nararamdaman. Yun lang ang kaya nyang isagot dito.

Lira: pero pwede na rin..
pang-ilan na ba ko?

Habang tinatype yun ay parang pinipiga ang puso nya.

Pero hindi na sumagot si Jed.
Isa.. dalawa.. tatlong oras na ang lumipas. Walang Jed na nagreresponse.
Busy na siguro, naisip nya.

Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone.
Nagtxt si Jed.

“Mahal kita. bat ayaw mu maniwala?”

She replied,
“seryoso ka ba? galing mong bumanat eh. nakakatakot ka.”

Hindi na ito nagreply.
Nakasimangot na tumingin ulit sya sa screen ng computer.
Napabuntong-hininga na lang sya ng makitang offline na si Jed.

———-

Tumaas ang kilay ni Lira ng mapansing nyang titig na titig sa kanya ang kaibigan.

“Anu ka ba? Ba’t ganyan ka makatingin?” asiwang tanong nya rito.
“May sakit ka ba friend? Hindi ka kasi nakaharap sa laptop mo.” sinapo pa nito ang noo nya.
“Tumigil ka nga riyan. Wala lang ako sa mood.”
“Hala. Sinasabi na nga ba.” umiling-iling pa ito. “Tinamaan ka na no?”

Hindi makasagot si Lira.
“Hindi naman sya seryoso eh.”
“Ayan. Kasi, banat kasi ng banat. Nabanatan ka tuloy.”

Inirapan lang nya ang kaibigan.
Iniisip nya si Jed. Ilang araw na din nya kasi itong hindi makitang online. At kung nag-oonline man ay hindi nya matyempuhan. Hindi na rin ito nagttxt sa kanya.
Marahil nahiya ito sa kanya. At ang isipin na yun ang lalong nagpapainis sa kanya at nagpapasakit ng kanyang kalooban.

Wala sa loob na binuhay nya ang kanyang laptop at naglog-in.

Notification:

Jed Lopez posted in your wall

Jed: lira

Bumilis ang tibok ng puso nya ng mabasa yun.
She started to type a comment.

Lira: nasan ka? bat ka naka-mobile?

Jed: nasa harapan ng bahay nyo

Napangiti sya.

Lira: bumabanat ka na naman.. namiss tuloy kita..

Wala sa loob na comment nya.

Jed: namiss mo ko? namiss din kita..
sobra .. ^^

Lira: uu naman.. asan ka ba?

Jed: andito nga ko sa harapan.. hindi ka na naman naniniwala..

Natigilan si Lira. Gusto nyang maniwala. Pero pano?

“May tao sa labas.” boses ng kaibigan nya ang umagaw ng kanyang pansin.

Sinulyapan nya ang message ni Jed bago tumayo upang lumabas.

————-

“Mahilig man akong bumanat, pero ang lahat ng yun ay totoo pag ikaw na ang kausap ko. Marahil may pagkakamali nga akong nagawa. Mapatawad mo sana ako. At sana paniwalaan mo na mahal kita. At sayo lang nagiging seryoso ang mga banat ko.”

Malinaw na malinaw na narinig ni Lira ang mga iyon.
Malinaw na malinaw na nakikita rin niya ang mukha ng seryoso at nagsusumamong mukha ni Jed.

“Jed..”

“Alam mo bang, hindi kumpleto ang araw ko pag hindi kita nakakausap? ikaw lang ang kumukumpleto ng mundo ko.”

“Gusto kong maniwala..”

Lumapit si Jed at masuyong hinawakan ang kanyang pisngi.
Umiiyak na pala sya. Napansin lang nya yun nung pinahid nito ang kanyang luha.

“Ba’t di mo subukang maniwala?”
“Natatakot ako.” ang tanging nasambit nya.

Masuyo sya nitong niyakap.
“I’m sorry. But I swear to God. Mahal kita. At alam kong ikaw ang babaeng sagot sa ipinagpapanata ko..”

Hindi tumutol si Lira sa yakap ni Jed. Bigla ay nawala ang takot na nararamdaman nya.
She suddenly felt the assurance na binabanggit at gusto nitong ipadama sa kanya.

“Jed..”

Dahan-dahan nitong inalis ang pagkakayakap sa kanya at mataman syang tiningnan. Naghihintay ng sasabihin kanyang sasabihin.

“Alam mo bang, nakita ko na ang perfect half ko?” nakangiting sabi nya rito.

———-

Kahit parang alam na ni Jed kung anong sasabihin ni Lira, hindi pa rin nya mapigilan ang kanyang kaba. Ang ganda ng mga ngiti nito sa kanya. Napakatamis.

“Sino?” maang na tanong nya.
“Ang taong mahilig bumanat.”

Ngumiti na rin sya. “Ako di ba?”

Tawa lang ang isinagot nito. Pero sapat na yun para mapuno ng kagalakan ang kanyang kalooban.

—————-

Naiinip si Barbie habang nanood sa mga nag-uusap sa group.

Barbie: so bored

Arwin: hindi ako nabo-bore

Barbie: bakt naman?

Arwin: kasi andito ka..

:P

————
04/25/11

related post:

Kwentong Online 2 Long Distance Relationship

###

Advertisements

7 thoughts on “Kwentong Online”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s