All About Life, ESSAYS and OPINIONS

Ang Buhay at Trapiko

Ang buhay, parang traffic lang yan..
May mga pangyayaring mabilis.. at meron din naman na mabagal..

Sa mabilis na byahe, natutuwa tayo dahil agad tayong nakararating sa ating pupuntahan. Walang hassle. Hindi nakakainip. Hindi masasayang ang ating oras.

Ngunit minsan sa mga mabibilis na byahe, may mga magagandang tanawin tayong nakikita. Mapapalingon tayo at di maiwasang masambit na sana makapunta din tayo sa lugar na yun. O kaya naman ay may makita tayong bagay na maganda sa ating paningin at manghihinayang tayo dahil hindi natin ito masisilayan ng matagal.

Katulad lang ito ng ilang pangyayari sa ating buhay. Sa sobrang pagmamadali, minsan ay nalalagpasan lang natin ang mga bagay na importante. Nakapanghihinayang ngunit wala na tayong magawa dahil lumipas na ito.

Kapag mabagal naman ang byahe, naiinis tayo dahil siguradong mahuhuli tayo sa usapan. Tiyak na magagalit sa atin ang sinuman na ating katagpo.

Tulad ng buhay, nakakainip pag tila bumabagal ang paglipas ng bawat araw at oras.Para bang gusto nating matapos na agad ang isang araw lalo na pag napakarami nating problema na kinakaharap at hindi natin ito masolusyunan.

Ngunit hindi natin napapansin na ang byahe ay bumabagal sa kadahilanang hinahayaan nito na makapag-isip tayo. Makapagbulay-bulay kung ano nga ba ang nangyayari sa atin at sa ating paligid. Bakit ba umabot sa ganito ang pagkabuhol-buhol ng trapiko? Bakit ba lagi na lang traffic pag bumabyahe ako?

Mag-isip tayo.

Marahil ay may mali kaya parang bumabagal ang ating takbo. Marahil ay hindi tayo nakapaglaan ng tamang oras para dito. Kung kumilos ka lang sana ng mas maaga ay hindi ka sana naabutan ng traffic. Lagi kasi natin iniisip na maaga pa kaya tuloy naiipit tayo sa traffic na dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Self-discipline. Isa yan marahil sa mga kulang.

O baka naman may gustong ipakita sayo na isang bagay sa paligid na hindi mo pinapansin. ‘Yun bang may bago pala tayo na building noong isa pang buwan. Nung nagtraffic ay napatingin ka dito at nasabi mo, “Ay may bago.” At nasabi ng katabi mo, “Matagal na yan. Di mo lang pinapansin.”

Maraming bagay sa paligid na karapat-dapat na pag-ukulan ng ating pansin. May mga bagay sa ating buhay na marapat na pag-ukulan ng panahon. Hindi natin namamalayan, marami ng lumipas na kung sana ay pinahalagahan natin ay mas magiging masaya tayo at mas malalaman natin ang tunay na kahulugan ng buhay.

Kasalanan mo rin naman kung bakit ka naiipit sa trapiko. Bakit hindi ka na lang gumawa ng paraan para i-enjoy ito. Wala rin namang mangyayari kung patuloy kang maiinis. Hindi naman matatanggal ng galit mo ang mga nakahambalang na mga sasakyan sa daan.

Magsilbi na lamang itong aral sa iyo. At gamitin ang pagkakataon sa pagtuklas ng iba pang kaalaman.

Anuman ang mangyari at anuman ang mga dahilan, why don’t you sit back, relax and enjoy life’s journey.. ^_^

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s